Chapter 7: Almost
3 days before school starts kaya kailangan na nina Ella at Cindy bumili ng School Uniform ng Royal Blue Academy.Exclusive lang ito sa tailor shop ng Academy na matatagpuan lamang sa 5th Avenue and 24th street.
Parehong walang trabaho ngayong araw ang dalawa kaya naisipan nilang bumili na.
Si Cindy kasama ang kanyang bulter, habang si Ella naman ay mag-isa lang.
Cindy is wearing a cream sheath dress matched with stilletos, a louis vitton shoulder bag and a sunglass on her head. Hair is tied to a stylish ponytail.
Habang si Ella naman ay naka Black V-neck shirt, gray ripped-jeans and white converse with her is a black loose stylish backpack. Hair is loosely messy but stylish.
Pinark na ni Butler Ken ang kotse sa parking lot at pinagbuksan ang kanyang young lady ng pinto.
Bumaba si Cindy ng sasakyan at pumasok na sa Tailor shop kasama ang kanyang Butler.
Binigyan niya ng matamis na ngiti at tango ang babaeng nasa information desk. Nag good morning naman ito sa kanya pabalik.
Malaki ang Tailor Shop ng Academy may 10 kwarto ito bawat room ay may tailor na nakaassign at hindi ka basta-basta makakapasok sa isang kwarto at kailangan mo pang i confirm yung sarili mo sa information desk, para narin ito sa kaligtasan ng mga sikat na mananahi at para mananatiling organisado ang Tailor shop.
"Cindy Zaragosa" sabi ni Cindy para konpirmahin yung sarili niya at para makuha na yung Uniform niya.
Tapos na kasi silang sukatan nung nagpaenroll sila at agad ipinagawa sa Tailor shop at ngayon kukunin nalang nila yun.
Chineck muna ng babae ang kanyang pangalan sa computer pata makasigurado na isa nga ito sa mga estudyante ng Academy at para malaman kung saan ang room at kaninong tailor naka-assign ang kanyang school uniform.
"Okay Miss Zaragosa, just go inside the 3rd room on the left" sabi ng babae habang nalangiti kay Cindy.
Ngumiti naman si Cindy pabalik.
"Thank you" sabi niya sa babae.
Agad niyang hinanap yung kwarto at nung nahanap na ay pumasok na siya dito.
Samantala, si Ella ay nasa labas pa malapit lang sa Tailor Shop.
Hinahanap niya kasi ito dahil hindi pa siya pamilyar sa Lugar.
"5th Avenue, 24th street" bada niya sa papel na hawak niya kung saan nakalagay ang address.
"Ito na ba yun?" palingalinga siya sa paligid na sinisiguro talaga na tama yung lugar na pinuntahan niya at hindi nagkakamali ang driver ng taxing sinakyan niya.
"Baka naman pinagtripan lang ako nung manong, tsk" napakamot nalang siya sa ulo niya.
palinga-linga siya sa paligid at napansing may pagka-old school itong lugar na napuntahan niya, yung design ng mga shops, yung mga posts sa gilid ng kalsada, yung benches at yung malaking mail box na kung saan ilalagay yung mga mails na nais mong ipadala saan man sulok ng bansa o kaya ng Mundo na naka lagay sa gilid ng isang bench.
Napahinto siya sa pag-observe ng paligid nang may napansin siyang isang street sign.
"5th Avenue, 24th Street"
at doon niya napagtanto na tama talaga yung lugar na napuntahan niya.
"Teka ano nga ba yung pangalan at klasing Shop na pupuntahan ko?" napasapo siya sa noo niya nang naalala niya kubg bakit hindi niya mahanap ang shop na yun " Kaya naman pala hindi ko mahanap kasi Tailor shop ng Academy yung pupuntahan ko dito!"
She immediately scanned the whole street para mahanap yung Shop.
"Ayun! nasa harap ko lang pala, sa kabilang kalsada tsk! nubayan!" She crossed the street at pumasok na sa shop.
Wow! sabi niya sa isip niya Hanep ang ganda! sosyal talaga yung paaralang pinasukan ko! akalain mo may sariling patahian ng school Uniform at may sarili ding pabilihan ng mga gamit pang eskwela! tsk! Oo nga pala! pagkatapos dito pupunta pa ako sa SM para pumunta sa pamilihan ng school supplies ng Academy.
"Yes Ma'am how can I help you?" sabi ng babaeng nasa information desk sa kanya. Napahinto siya sa pag-iisip at pumunta sa babae.
"Ella Cordova po, I'm going to pick my school uniform" magalang niyang sabi dito.
"Ella Cordova? I thought your name is Cindy and diba Miss nandito ka na kanina?"
"Huh?" bakas sa mga mukha ng dalawa na pareho silang nagtataka.
Agad namang chineck ng babae yung pangalan niya at lalo siyang nagtaka dahil nakita na yung pangalan ni Ella dun. Kahit nagtataka ay sinabi niya kay Ella kung saan Room niya dapat kunin yung Uniform niya.
"I'm sorry for the mistake Miss, uhmmm you can claim your School Uniform at the 3rd room on the right"
"Thank you"
Agad namang pumasok si Ella sa Kwarto kung saan niya makukuha yung school uniform niya.
Pagpasok niya ay agad siyang binati ng Tailor at ganun din siya.
Ibinigay sa kanya yung Uniform niya at sinukat naman niya ito.
Kasya naman sa kanya at maganda ang pagkatahi nito kaya masaya siya sa naging outcome nito , hinubad na niya yung uniform at sinout yung damit niya at lumabas na sa Fitting room, nagpasalamat siya sa Tailor at lumabas na ng kwarto.
Paglabas niya sa di malamang dahilan ay nabitawan niya yung paperbag kung saan nakalagay yung school uniform niya at nagkalat yung mga laman nito, kasama na dito yung socks, school shoes at iba pa.
Agad siyang umupo at inayos ito na siya namang paglabas ni Cibdy sa kwarto na tapat lang kay Ella, dala-dala yung paperbag na pinaglalagyan din ng kanyang uniform.
"Are you Okay?" tanong sa kanya ni Cindy "Do you need help?"
"Hindi na kaya ko na to, Thank you" sagot ni Ella kay Cindy, mabilis lang siya lumingon dito kaya hindi nila masyadong nakita yung mukha ng isa't isa.
Hindi na nagsalita ay lumabas na ng Shop si Cindy.
Hindi nagtagal at ilang minuto lang ang nagdaan ay naayos na ni Ella yung bumagsak na gamit niya, tumayo at naglakad na palabas sa Shop.
![](https://img.wattpad.com/cover/67447299-288-k750144.jpg)
BINABASA MO ANG
ACES (A Cindy Ella Story)
Teen FictionCindy at Ella, kapag pinagsama ay parang Cinderella. Sila ang dalawang babae na magka mukhang-magkamukha pero napatunayan naman na hindi sila magkamag-anak. Ang kuwento ba nila ay parang Kay Cinderella na nang dahil sa naiwang sapatos ay makakahana...