Chapter 4: Enrolled
~Ella's POV~
*beep, beep, beep, beep*
Kinapa ko ang maliit na study table na nasa gilid lng ng kama ko, dito kasi nakalagay ang cellphone ko. Nakahiga at nakapikit pa ako kaya medyo natagalan bago ko ito nakuha. Pinatay ko kaagad ang alarm sa cellphone at kaagad bumangon. Nakagawian ko na mag set ng alarm para hindi ma-late sa mga dapat kong puntahan, gaya ng trabaho, etchetera, etchetera.
*Groans* *Yawns*
Ginawa ko na ang morning routines ko at nagbihis. Nagluto at pagkatapos nun ay kumain. Kinuha ko ang brown envelope kung saan nakalagay lahat ng requirements ko para makapag-enroll sa Royal Blue Academy. Pasukan na next week kaya busy-busy! Buti nalang nadagdagan yung sweldo ko dahil sa good performance ko sa mga trabaho.
Lumabas na ako ng apartment at siniguradong naka-lock itong mabuti. Agad akong pumara ng Jeep sa sakayan papunta sa Academy. Kumuha kasi ako ng Exam sa Academy para makakuha ng scholarship at nakatanggap ako ng e-mail na nagsasaad na nakapasa ako kaya dun na ako mag-aaral.
Nang nakasakay na ako sa Jeep at nakaupo kaagad akong nag-double check sa mga requirements na dala ko. at mukhang kompleto naman.
Napansin ko naman ang mga pasahero din ng jeep na panay ang selfie at parang sinasali pa nila ako. Hindi ko nalang pinansin yun dahil baka assumming lng ako. Pero hindi eh, hindi naman siguro coincidence na nagseselfie lahat ng pasahero dito sa jeep maliban sa akin at ginawa pa talaga akong photo bomber -________-
Hindi ko na napigilan ang pagka ilang ko kaya kinulubit ko itong katabi kong babae na panay rin ang selfie. Huminto naman siya sa ginagawa niya at nakangiting humarap sa akin.
"Yes po beautiful Cindy?" Sabi niya
Ano daw? Cindy? Haaaaayyyy bingi na yata ako at ibang pangalan na ang naririnig ko.
"Uhhhhmmmm hehehe bakit po nagseselfie kayo lahat dito at ginagawa niyo po akong photo bomber? Nasa Wow Mali po ba tayo ngayon? Heheehe"
Malay niyo naman di ba? Kaya ganyan ang ginagawa nila.
Tumawa naman siya at marahang pinalo ako sa braso. Wow close ba tayo ate? dejk lng xD. Tumawa din ang ibang mga pasahero sa sinabi ko.
Oooooookkaaaaayyyyy?? mali ba yung Jeep na sinakyan ko? Halllaaaaaaaa!! Baka puro aliens ang mga pasahero dito kaya ang weird nila. Tapos , tapos, they're going to abduct me and we're gonna leave earth using their spaceships! TT-TT
Dejk lng ulit , exage naman masyado yun, yan tuloy nagiging conyo na ako xD.
"Ang galing niyo po palang mag-joke Ma'am Cindy" sabi ulit nitong katabi ko habang natatawa
"Hehehhehehe" Aawwwkwaaaaarrrdddd (. . )7
"Ms. Alam ko pong ikaw si Cindy. Hindi nga lang kulot yung buhok niyo ngayon at simple lng yung panamit niyo at walang make up pero sure na sure ako na ikaw si Cindy Zaragosa , bagong model ng 'Cindy Blue' na mismo yung mommy mo ang may gawa at Heiress ng Zaragosa Company pero hindi ka pa namang opisyal na pinakilala kaya siguro ako pa lang ang may alam nito kaya nag-selfie ako na nasa likod kita. Ewan ko lang sa mga yan *turo sa ibang pasahero* siguro nagagandahan lang sila sa inyo which is totoo naman hihihih" bulong nitong babaeng katabi ko.
Cindy Zaragosa? Eh Ella Cordova ang pangalan ko. kailan naman ako naging model? Hindi kulot ang buhok ko kundi naturally straight ito simula pagka bata ko. Wala na din akong Mommy. Hindi naman ako Heiress kasi wala na kaming Company.
Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanila pero hindi na pwede kasi tanaw ko na ang Academy. Kaya pumara na ako at pinaabot ang pamasahe ko pero hindi tinanggap ng driver kasi malaking honour na daw na sumakay ako sa jeepney niya na hindi naman daw dapat nakasakay lang sa jeepney ang isang napakagandang dilag na tulad ko, charot mo kuya ah! hahaha pero salamat isa ka din sa mga taong nagpakapal ng liver ko xD. Nagpasalamat nalang ako bago bumaba.
Haaaayyyy mukhang may clone ako dito. Ekkssdiii
Pumasok na ako sa Academy at naglakad patungong Registrar's Office para ibigay ang mga requirements ko. Habang naglalakad ay nakarinig ako ng mga bulung-bulungan ng mga teenagers na mukhang dito din mag-aaral sa pasukan.
"Girl! Si Cindy Zaragosa yan di ba?" Girl#1
"Oo nga! Pero why is her outfit so simple?" Girl#2
"Who's Cindy Zaragosa?" Girl #3"She's the New model of Cindy Blue and the Heiress of the Company but she's not formally introduced yet" Girl#1
"Yeah that's why many people don't know her yet" Girl#2
"Then why do you both know her?" Girl#3
"Duh! My Couz works at Cindy Blue" Girl#2
"And she told me about this" Girl#1
Yan na naman ang Cindy na yan! Nakakatakot na ha?Lumingon ako sa likod ko baka may nakasunod sa akin at yun ang tinatawag nilang Cindy. Pero wala eh, walang tao sa likod ko .
So assumming man o hindi mukhang ako nga ang tinatawag nilang Cindy =_______=
"Pero Girl! Eventhough her outfit looks simple, she still looks stunning and I bet it costs a fortune!" Girl#1
Stunning? Costs a fortune? Napatingin naman ako sa sout ko. White v-neck shirt, blue faded skinny jeans at black converse.
Kung alam lng nila na binili ko lang to sa Divitoria este Divisoria sa halagang less than 500 pesos all in all.
I mentally shook my head at nagpatuloy sa paglalakad patungong Registrar's Office
and after 273728102 minutes I AM ENROLLED!
~°~
Hi guys/readers yung nasa multimedia po ay si Francisco Lachowski.
I know right? hahahaha well he's my crush too but too bad we don't stand a chance! All of us!
I just know cause uhmmm how do I say this?
HE'S FREAKING MARRIED! Happily! you hear me? Happily Married.
I know, I know the feeling. I also Cried when I found out LOL. OA LANG MASYADO?! 😂😂
~LadyYankees
BINABASA MO ANG
ACES (A Cindy Ella Story)
Teen FictionCindy at Ella, kapag pinagsama ay parang Cinderella. Sila ang dalawang babae na magka mukhang-magkamukha pero napatunayan naman na hindi sila magkamag-anak. Ang kuwento ba nila ay parang Kay Cinderella na nang dahil sa naiwang sapatos ay makakahana...