CHAPTER ONE
Pagkauwi ni Joy galing sa school ay nadatnan niyang naghahanda ng hapunan ang kanyang ina. Kahit alam niyang pagod na ito ay hindi niya ito pinansin at dire-diretso lang sa kanyang kwarto. Feeling niya ay mag-uumpisa na naman ang world-war 3 sa pagitan nila ng kanyang mama kapag kinausap niya ito.
"Joy! Bumaba ka na d'yan at handa na ang hapunan," sigaw ng mama niya mula sa first floor ng kanilang bahay. May dalawang palapag ang kanilang bahay at may kalakihan iyon. May apat na kwarto at isang extra room para sa mga bisita. Ngunit kahit ganoon ay naaasiwa pa rin siya. Pakiramdam niya ay napakaliit nito para sa kanila ng mama niya. Kumbaga sa magka-away ay napakaliit ng mundo para magkita sila.
Bumaba naman siya. Ngunit hindi niya pa rin ito magawang imikin mula ng hindi ito pumayag sa paalam niyang pupunta siya sa Mall Show ni Kimpoy Feliciano. Nakatira pa sila noon sa Bulacan. Malayo at delikado ang biyahe kaya hindi siya pinayagan ng Mama Ria niya.
NAKABIBINGI ang katahimikan sa loob ng kanilang bahay. Walang maririnig na ibang ingay bukod sa kutsara't tinidor na humahagod sa plato. Ultimong pagnguya ay hindi maririnig. It was a very dead air scenery with her mom. Silang dalawa lang kasi ang naiwan doon. Nasa abroad ang kanyang daddy at nagboboarding house naman ang dalawa niyang nakatatandang kapatid na nag-aaral sa kolehiyo. Siya ang napagbilinan ng mga ito upang mag-alaga sa kanilang ina bagamat alam nilang malayo ang loob nito sa isa't isa.
Daddy's girl si Joy kung tawagin dahil mas mlapit siya sa daddy niya. Binibigay kasi nito lahat ng luho at gustuhin ng anak. Lumaking spoiled brat Kaya ng maiwan si Joy sa ina ay lagi niya itong ipinagkukumpara.
Hindi matiis ni Joy ang ganoong senaryo nila ng mama niya. Hindi na niya kayang pigilan ang mga salitang kanina pa nag-uunahang kumawala sa kanyang bibig. Nagmamadali niyang tinapos ang kanyang kinakain at agad na umakyat sa kanyang kwarto.
Pagkatapos ayusin ang kama ay humiga siya at nag-isip-isip. Naalala niya ang usapan ng mga kaklaseng niyang babae tungkol sa mga idolo nito. She can't stop from laughing habang naalala niya ang mga itsura nito dahil sa sobrang kilig. Naghahampasan pa ang mga ito.
"Para silang mga baliw," wika niya with a sarcastic smile.
Sa pag-iisip niya sa mga ito, sumagi din sa isip niya si Kimpoy Feliciano. Naaalala pa niya kung paano niya ito nakilala.
Naikwento ito sa kanya ng kaibigan niyang si Lyn ng minsang pumunta ito sa Trinoma para sa idolo naman nito, si Daniel Padilla. Nagkataong nandun din ang binatang si Kimpoy.
#FLASHBACK
"Grabe sis! He is so cute! Ang lakas ng carisma niya," paulit-ulit na sinasabi ito ng kaibigan sa kanya. Natatawa lang siya dito dahil halatang kinikilig ito.
"Oo na! Kabobo 'to. Cute na. Pero sana kilala ko siya diba? Like.. Ugh. Hindi ko pa siya nakikita. Kahit sa pictures ay hindi ko siya kilala. Tsaka teka.. diba si DJ pinunta mo doon? Bakit parang mas kinikilig ka kay Kimpoy eklabu na yun?" pagtataray na tanong nito sa kaibigan.
"Teka sis ha. Saang bundok ka ba nakatira? Bakit hindi mo kilala si Kimpoy? pahabol na tanong ni Lyn.
"Sorry naman kung hindi ko kilala yang Kimpoy na yan. Mas sikat kasi sa lugar namin si Tarzan."
"Online online din pag may time ha. Mahirap iexplain kung sino siya. No words can describe Kimpoy. I bet you better search for him na lang ng magkasilbi naman yung internet niyo sa bahay. Sayang e. Palibhasa rich kid ka. And I assure you won't regret knowing him. Promise." nakangiti ito habang naka-taas ang mga palad na parang nanunumpa.
"Ona! Echoserang frog 'to. May pa-english-english pang nalalaman. DJ o Kimpoy?" pambasag ni Joy kay Lyn.
"D-J. Tse! Dyan ka na nga." tila inis na sambit nito sa kaibigan. Tumayo na siya at umalis. Hindi naman nabagabag si Joy sa inakto ng kaibigan dahil alam niyang trip lamang ang inis effect dahil nakangisi naman ito.
Kimpoy... Kimpoy... Kimpoy... Na-LSS na yata siya sa pangalan ng binta. Mula kasi ng matapos ang usapan nila ni Lyn ay hindi na ito nawala sa isip niya. May kung anong dahilan ang tumutulak sa kanya para kilalanin ito. At ito ang hindi niya mawari.
* Searching for Kimpoy* .............
"What the! Kimpoy what?! Sa hinaba-haba ng usapan namin ni Lyn kanina ay puro Kimpoy lang ang natandaan ko. Hindi ko man lang natanong kung ano yung apelido ng lalaking 'yun." Nakadama si Joy ng inis habang nagsesearch ng tungkol kay Kimpoy. Sa dami kasi ng Kimpoy sa internet ay hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Lyn.
Merong Kimpoy na mukhang drug addict. Payat ito at maraming tattoo sa katawan. "Hindi naman siguro ito yung sinasabi ni Lyn sakin diba? Infairness. Adik kung adik ang peg." sabay tawa habang tinitignan ang picture ng lalaki.
Meron ding Kimpoy pero bata pa. Tiyak siyang hindi iyon yun. Kimpoy na mukhang sawa at Kimpoy, Kimpoy, Kimpoy. Napakaraming Kimpoy. Nakabusangot na ang mukha ni Joy sa paghahanap ng makita niya ang isang Kimpoy Feliciano. Nabuhayan siya ng loob ng makita ang pangalan ng binata. Hindi pa siya sigurado kung ito na nga ang Kimpoy na tinutukoy sa kanya ng kaibigan pero malakas ang kutob niya. Tila hindi lang kutob niya ang malakas kundi pati ang tibok ng puso niya.
Nakadama siya ng excitement ng pindutin niya ang pangalan nito. Napabugtong hininga siya habang hinihintay ang pagloload ng bumagal nilang internet connection. May thrill kumbaga. Unti-unti ang paglabas ng mga larawan ng binata. Lalong bumibilis ang kabog sa kanyang dibdib.
"Tama nga si Lyn. Ang cute niya nga talaga. His brown eyes, his cheeks, his nose, higit sa lahat, his smile. Perfect." Kulang na lang ay matunaw ang screen ng kanyang laptop sa pagkakatulala niya habang pinagmamasdan ang mga picture ng binata. Hindi niya maintindihan kung ano yung nararamdaman niya. Parang may kung anong insekto ang nasa loob ng kanyang tyan. Hindi siya mapakali.
Sinunod naman niyang tignan ang mga videos ng binata. Umiinit ang kanyang katawan. And its melting her. Pakiramdam niya ay kaharap niya mismo ito.
Lalo siyang nawala sa sarili ng marinig ang kanta nito. She played Ikaw Lang for the first time pero feeling niya ay matagal na niya itong alam. Dinownload pa niya ito kasama ang iba pang kanta ng binata. Nagprint din siya ng lyrics dahil gusto nyang makabisado ang mga ito.
BINABASA MO ANG
One Day Meet-Up With Superman
FanficThis story is an inspired work from the book Fangirl Meets Superman. Another fan fic made a simple fan of Kimpoy Feliciano. Don't expect too much on this since I'm only a beginner. First timer actually. I hope you'll appreciate my work. Have fun rea...