CHAPTER TWO

64 2 0
                                    

CHAPTER TWO

#Joy's POV

Why do I have this feeling na nababalisa ako? Habang mas dumadami ang nasesearch ko tungkol sa kanya ay mas naeexcite ako. Honestly, pictures and videos pa lang naman nakikita ko pero ang lakas kagad ng dating niya sakin. Dagdagan pa ng good feedbacks from his followers and supporters. Yes. Halos wala siyang bashers or haters. Kung meron man, iilan lang. Mga taong insecure sa kapwa. Feeling ko tuloy ay napaka-perpekto ni Kimpoy. Kumbaga, siya ang dream boy ng bawat kababaihan. Oh well, hindi naman imposible. Pero siya na rin ba ang tipo kong lalaki? For now, I don't know.

-- Time check: 2:24am. It's already late. May pasok pa ako pero ayaw pang pumikit ng mga mata ko. I looked for my phone to see if somebody texted me. Got it. 53 messages. Puro GM. Anong gagawin ko? Hindi na bago sa panahon ngayon ang makatanggap ng sandamakmak na group messages. Yung tipong saglit lang kayong nagkatext, after that, bonggang kasama ka na sa GM recipients nila. At hanggang pasahan nalang kayo ng GM. And that's the fact.

Woops, teka. May nag-pm pala si Lyn. "Sis, alam kong kanina ka pa kinikilig diyan. I-download mo na rin yung mga kanta niya if you want. Yun lang. Kita na lang tayo sa school bukas. Goodnight."

"Wait! Totoo ba yun? Singer din siya?!" agad ko naman reply kay Lyn kahit kanina pa man ay nakapagdownload na ako ng mga kanta ni Kimpoy. Iwas obvious lang kahit alam kong kanina pa niya text yun at kasalukuyan na itong natutulog.

BAKIT kahit through internet ko pa lang siya nakikilala ay magaan agad ang loob ko sa lalaking ito? He caughts my interests, and also my attention. Yes, he is simple but his dreams are never mediocre. Napakatalented niya. He sings and dance at the same time. Marunong din umarte.'Aba. Complete package kumbaga. Hi is really interesting. I want to spend more time knowing him.

Pero teka, bakit ako nagkakaganito? Hindi na nga talaga mawala sa isip ko yung Kimpoy Feliciano na yun. Maybe its the way he smile, or maybe just the way he walked straight into my heart and stole it. Kakaibang feelings ang nararamdaman ko sa kanya. And I can't deny that I'm enjoying this kind of feeling. Tama nga si Lyn. Tama ngang I will not regret knowing him.

DAYS passed on. Kahit busy si Lyn sa pag-aaral ay naglalaan pa rin siya ng oras para kay Kimpoy. She always makes sure na na-like at nakapagcomment siya sa mga FB posts nito. Di rin niya pinapalagpas ang pagretweet, pagfavorite at pagreply sa mga tweets nito. Halos lahat din ng new pictures na ina-upload nito ay may kopya sa cellphone niya. Tunay ngang tinamaan siya sa binata. dati ay naiinis siya kapag tinatawag siyang "fangirl" ng mga kaibigan niya, ngayon ay hindi na. Ipinagmamalaki pa niya ito.

#End of Flashback

Nakatulugan na ni Lyn ang pag-iisip sa mga ito. Nakatulog siya ng may ngiti sa kanyang mga labi.

"Hi Babe! Good morning!" bati ni Kimpoy habang nakangiti ito sa kanya. Tila naalimpungatan na naman siya ng makita si Kimpoy na naka-upo sa gilid ng kanyang kama. Hindi na bago kay Joy ang ganitong eksena. Alam niyang nananaginip na naman siya. At si Kimpoy na naman ang napapanaginipan niya- bilang kanyang boyfriend.

She's alaways having dreams with Kimpoy Feliciano. All the things that would never happen in reality happens there. Hindi niya ito mapigilan. Hindi niya rin naman kasi mapigilan ang pag-iisip sa binata bago siya matulog.

Lagi niyang napapanaginipan ang isang lugar na kahit kailan hindi pa nararating ng katawang lupa niya. Isang paraiso. Napapaligiran ito ng mga magaganda at makukulay na bulaklak. Dagdagan pa ng magandang tanawin at ng papalapit sa kanyang si Kimpoy. May hawak pa itong bulaklak habang sinasaliwan ng isang romantikong musika. Papalapit ng papalapit ito sa kanya. Lalong bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay malulusaw siya sa tingin ng binata. Dagdagan pa ng napakatamis na ngiti mula sa mapupula nitong labi. Malayo pa man ay amoy na niya ang paborito nitong pabango na humahalo sa ihip ng hangin. Napakabango nito. Papalapit ng papalapit ng papalapit ito sa kanya ng...

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiing* Umalingawngaw ang malakas na tunog ng kanyang alarm clock. Nagsisimula pa lang ang maganda niyang panaginip ng mabitin na naman ito. Late na naman kasi siya nakatulog dahil sa pagfaflashback at sa gabi-gabing pagdalaw sa kanya ng insomnia. 

Sinusubukan pa niyang matulog ulit para ituloy ang naidlip na panaginip pero hindi na niya magawa.

"Haaaaay. You never fail to make me happy Kimpoy." saad niya habang nakayakap sa malambot na Superman pillow.

One Day Meet-Up With SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon