CHAPTER THREE

52 2 0
                                    

CHAPTER THREE

LUNCH break na. Gaya ng nakasanayan, sa canteen na lang nagkita si Joy at si Lyn dahil sabay naman sila ng recess.

"Lyn, samahan mo ako sa SM North ha." pag-aaya ni Joy sa kaibigan.

Agad naman siyang tinanong nito. "Bakit? Anong gagawin mo dun?"

"Wala naman. Makikipag date lang ako."

"Talaga sis? Wow naman. Teka, bakit kailangan mo pa akong isama?" nagtatakang tanong ni Joy sa kaibigan. Alam niyang nagloloko lamang ito at wala naman talaga siyang idadate. Kilala niya ang kaibigan.

Joy was engaged in an early relationship. She was only in first year high school when she met Lucas, a third year student in the same school. Although third year na si Lucas at first year pa lang si Joy ay isang taon lang ang age gap nila. First timer pa lang si Joy sa pakikipagrelasyon but she took it seriously. Kaya mula ng makipagbreak siya kay Lucas ay hindi na siya nagtiwala sa ibang lalaki. Pakiramdam niya ay lolokohin lamang siya ng mga ito gaya ng ginawa sa kanya ni Lucas. Sa mahigit isang taon kasi nilang magkasintahan ay tatlong babae ang naisingit nito sa kanilang relasyon. First five months ay ayos pa sila. Yun ang akala ni Joy. May pinopormahan na palang ibang babae ang boyfriend niya. Pinalagpas niya ito at pinatawad si Lucas.

Pero malakas yata ang paniniwala ng boyfriend niya sa chances. Sinamantala nito ang matinding pagmamahal ni Joy at nagawa ulit magloko. Hindi ito kinaya ni Joy at nakipagbreak na siya dito lalo ng alukin pa siya nito para maging kabit. Dalawang linggo pa lang silang hiwalay ngunit labis ang pangungulila ni Joy kay Lucas. Naging sila ulit ng hibang niyang boyfriend ng makipagbalikan ito sa kanya at iwan ang karelasyon.

Joy thought that it was the end of her boyfriend's flirting life. Nagkamali na naman siya. Niloko na naman siya nito. But this time, hindi na siya nagpakamartir pa. Nang malaman niyang niloloko na naman siya ni Lucas ay kusa na siyang bumitaw. That was never easy for her. Not that easy to give-up their one year and two months relationship. Pero lahat ng bagay ay may katapusan. Gaya ng sakit na nararamdaman niya. Ang akala niyang mahirap at masakit na move-on stage ay natapos na.. nang hindi niya namamalayan. She just live her life the way she lived it before, holding the lessons she learned from her heartbreaking experience.

Nangingiti si Lyn habang naiisip ang mga ito. Siya kasi ang naging sandalan ni Joy sa tuwing magkakaproblema ito sa karelasyon. Kaya ng makipagbreak ito ay laking tuwa ang naramdaman niya para sa kaibigan.

Natapos ang pagliliwaliw ng kanyang isipan ng magsalita ang kaibigan. "Hoy. Ngingiti-ngiti ka pa mag-isa. Baliw ka ba? Gusto kitang isama kasi syempre iinggitin kita. Ang gwapo kaya ng kadate ko. Nese kenye ne eng lehet." pabirong sagot ni Joy sa tanong niya.

Ang tinutukoy ni Joy ay si Kimpoy. Naroroon kasi ang binata para sa booksigning ng isang librong dedicated sa kanya sa panulat ni Aivan Reigh Vivero,- ang Fangirl Meets Superman. Desidido ng makapunta ni Joy sa event dahil chance na niya iyon para makita ng personal ang binata.

UWIAN na. Business as usual na naman sila ng kanyang mama. Sinubukan niya itong kausapin para magpaalam sana ngunit "Ma" pa lang ang lumalabas sa kanyang bibig ng magsalita rin ito.

"Alam ko na sasabihin mo Joy. Alam kong magpapaalam ka na naman para puntahan yang Kimpoy na yan. Ano bang mapapala mo kung pupunta ka dun? Kilala ka ba niya. Masasayang lang ang pera mo kapag pumunta ka pa."

Nararamdaman ni Joy ang unti-unting pagtulo ng mga luha niya habang kausap ang ina. Gusto niya itong sagutin ng harapan pero hindi niya kaya. Inisip niya na sana ay hindi na lang siya nagtangkang kausapin ito. Iniwan niya ang kinakain at agad na pumasok sa kanyang kwarto.

"Hello Lyn, tuloy tayo sa Linggo ha." humihikbing sabi nito habang kausap si Lyn sa telepono.

" Teka Joy, umiiyak ka? Anong nangyari? May problema ba?" Nag-aalala si Lyn sa kaibigan. Alam niyang may problema ito. Alam niya rin namang di nito sasabihin kung ano nga ang problema.

"Wala Lyn. Ayos lang ako. Tinawagan lang kita para ipaalala 'yon sayo."

"Pero Lyn, hindi ako sigurado kung masasamahan nga kita. Sorry sis. Niyaya kasi ako ni mama para umalis. Alam mong matagal din kaming hindi nagkasama ni mama diba? Sana maintindihan...,"

Hindi na natapos ni Lyn ang sinasabi kay Joy dahil binaba na nito ang telepono. Dama ni Lyn ang pag-iyak ng kaibigan niya. Dama din niya ang lungkot sa mga boses nito. Mas lalaong dama niya na nainis ito sa kanya.

#Lyn's POV

Nagkausap kami ni Joy kanina. Habang kausap ko siya, nararamdaman kong sobrang excited siya. Alam ko yun. First time niya kasi makikita si Kimpoy. At masaya ako para sa kanya. Pero hindi ako sure kung masasamahan ko siya. Niyaya kasi ako ni mama para mamasyal. Hihindian ko ba si mama? Ngayon na lang ulit kasi kami makakapagbonding after a long time. Matagal na panahon kasing nagtrabaho si Mama sa Canada mula ng iwan kami ni Daddy. Only child lang ako kaya para kay mama, gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ko. Binibigay niya lahat ng hilingin ko at sinusuportahan lahat ng hilig ko. Gusto kong bumawi kay mama kaya hindi na ako tumanggi ng sabihin niyang mamamasyal kami.

Masaya ako. Pero may gumugulo sa isip ko. Paano na si Joy? Ano na lang ang mararamdaman niya kapag sinabi kong hindi ko na siya masasamahan? Tiyak na magagalit yun. At yun nga ang nangyari. Pero sana ay maintindihan niya ako.

One Day Meet-Up With SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon