CHAPTER FOUR
"Wala na ba talagang pag-asa na makita ko si Kimpoy? Susuko na ba ako? Bakit ba nauso ang mga problema? Guys, tulungan niyo naman ako. :((" status ni Joy sa secret group nila- KaKimpoys.
Si Kimpoy mismo ang gumawa sa grupo para mas mapadali ang pagbibigay niya ng updates tungkol sa time and schedules niya. Maraming fans club at fan pages ang binata, kaya ng mabuo ito, nagsama-sama ang mga ito dito. At kabilang nga doon si Joy.
> "Anong kadramahan yan Joy? Tag-emo ka na rin ngayon? Problems are not reasons to give-up, but to improve ourselves." comment ni Nieca Basilio na FB friend niya. Nakilala niya ito sa grupo.
>"Tama Nieca! They are not an excuse to back-out, but an inspiration to move forward." comment naman ni Kathleen Cabalu na cyber friend din niya.
*67 more comments*
>"Salamat guys. Kahit papano ay alam ko na ang gagawin ko." - Joy Tuazon.
Sa dami ng comments na nabasa niya, puros lahat ito ay positive advice. Gayun pa man, mas nangingibabaw sa kanya ang comment ng dalawa niyang kaibigan. Mas may sense ito at bago para sa kanya. Hindi kasi siya sanay sa serious advice ng dalawa. Kadalasan kasi ay laging "Bigte na prend" at pang-iinis ang comment ng mga ito.
Nieca and Kathleen used to be her friends since she belonged to the group. They were the first to entertain Joy at her first posts. Napakajolly ng dalawa kaya hindi siya nahirapang makisama sa mga ito. Bukod kina Nieca at Kathleen, marami pa siyang nakilala at naing kaibigan sa grupo. Kabilang dito sina Princess, Emerson, Angelou, Charme, Hazel, Mark, and many more to mention. Maging si Christian Malaga na naging secret crush niya pa. Hindi pa niya nakikita ang mga ito personaly. Pero close sila sa isa't-isa kahit through FB, Twitter and Skype niya lang nakakausap ang mga ito. Lahat sila ay avid fans din ni Kimpoy Feliciano.
--- "#FanGirlMeetsSuperManBookSigning Aug11,4pm at SM North, National Book Store. See you there mga mahal!" -Kimpoy Feliciano via twitter. (https://twitter.com/kimpoyfeliciano)
"Excited to see you on Aug11 baby. :)) @kimpoyfeliciano" - via (https://twitter.com/kaaabeyj) tweet reply ni Joy kay Kimpoy kahit wala pang kasiguraduhan kung makakapunta nga siya.
*1 interaction* Biglang lumapad ang ngiti sa mga labi ni Joy ng makita ang bagong interaction niya. Finavorite pala ng binata ang tweet niya rito. Kahit dati pa man ay napapansin na siya ni Kimpoy sa Twitter ay hindi pa rin nawawala ang pagkakilig niya. Knowing that Kimpoy has more than half-a-million followers ay napapansin pa rin siya nito. At isa ito sa hinahangaang katangian ni Joy sa binata.
"Thay are not an excuse to back-out, but an inspiration to move forward? Inspiration.. inspiration.. Kimpoy is my inspiration, I will not back-out. Kimpoy is my inspiration, I will not back-out! Ugh." paulit-ulit na sambit ni Joy habang nakahiga at nakatingin sa kisame.
"Paano ako makakapunta? Wala akong kasama. Wala pa rin akong sapat na pera. Higit sa lahat, wala pa akong libro." Hindi kasi ibinigay ng mama niya ang allowance niya ng malamang balak pumunta ng anak niya sa naturang event. Halos maiyak na naman siya ng maalala niya ang comment ni Nieca.
"Problems are not reason to give-up, but to improve ourselves." Of course I will not give-up. I just need to find ways para masolusyunan tong problema ko'" sabay tungga sa gatas na nakapatong sa lamp table.
Nakapikit na siya ng makatanggap ng text mula kay Lyn. Binasa niya iyon pero hindi na siya nakapagreply dahil sa sobrang antok.
*text message from Lyn*

BINABASA MO ANG
One Day Meet-Up With Superman
FanfictionThis story is an inspired work from the book Fangirl Meets Superman. Another fan fic made a simple fan of Kimpoy Feliciano. Don't expect too much on this since I'm only a beginner. First timer actually. I hope you'll appreciate my work. Have fun rea...