CHAPTER FIVE

66 2 2
                                    

CHAPTER FIVE

Lunes na naman. Bagong araw at gawain na naman ang naghihintay sa kanya. Higit pa doon, kailangan niyang asikasuhin ang mga requirements na kailangan para makapag-entrance exam siya sa isa sa mga kilalang university sa bansa- ang University of the Philippines o UP. Dahil graduating student na si Joy sa high school, napakahirap at napakagastos nito para sa kanya. Bukod kasi sa mga kailangang ipasa, kailangan din nilang maghanap ng paaralang mapapasukan sa college. Kailangan pa ng entrance exam ng mga ito at ito ang ikinauubos ng pera niya. Halos lahat kasi sa mga eskwelahang ito ay may entrance-examination fee. At malas mo kung hindi ka makapasa dahil sayang lang ang pera mo. Ito ang ikinababahala ni Joy. Anim na araw na lang kasi bago ang book signing na pupuntahan niya. Hindi niya alam kung sasapat pa ba ang pera niya, pero bahala na.

"HI daddy! Nakakainis si mama. Hindi na naman niya ako pinayagan para makita si Pao. Hindi niya rin binigay yung allowance ko dahil dun." pagsusumbong ni Joy habang kausap ang ama through Skype. Ito lang kasi ang nagsisilbing communication nila.

"Intindihin mo na lang sweetie. Pero sino ba yung Pao na yan? Boyfriend mo ba yan?" pagtatanong ng daddy niya.

"Of course not dad. Siya po yung Kimpoy na lagi kong ikinukwento sayo. Wala pa po akong boyfriend. Pero kung magkakaroon man, isang tulad ni Kimpoy ang gugustuhin ko, at ikaw ang unang makakaalam nun dad,"

Tahimik lang ang daddy niya. Pinagmamasdan lamang siya nito magsalita. "Dad. May problema ba?"

"Wala naman sweetie. Parang kelan lang kasi nung huli tayong magkasama. Maliit ka pa nun. Remember? Ako pa nga nagtatali ng buhok mo. Tapos ngayon, dalaga ka na talaga. Humahanga ka na sa isang lalaki. Balang araw ay iiwan mo na kami ng mama mo." pahayag nito with a low voice.

"Dad naman! Ang exage mo. Parang umiidolo lang naman ako. Ano bang iniisip mo? Hindi pa naman po ako mag-aasawa noh. Kayong apat lang nina Kuya ang lalaki sa buhay ko ngayon." giit ni Joy sa ama.

Nagtataka ang daddy niya sa sinabi niya. "Apat? Dalawa lang ang kapatid mong lalaki Joy. Sino yang sabit na yan? Baka naman may tinatago kayo sakin ng mama mo?"

"No dad! Syempre wala. What I mean is apat kayo. Ikaw, si Kuya Jay, si Kuya Joey at si.."

"At si Kimpoy sweetie? Siguraduhin mo lang na hindi ka iiyak dahil sa lalaking yan ha. Kundi lagot yan sakin." nagbabanta ngunit may pag-aalalang sabi nito sa unica ija.

Mababakas sa mukha ni Joy ang kasiyahan. Alam niyang hindi tutol ang ama sa kung anong gusto niya.

"Sige Joy. Ako na ang magsasabi sa mama mo na pinayagan kita. Ako na rin ang kakausap tungkol sa pagbibigay niya ng allowance mo. You don't have to worry anymore sweetie."

Natapos ang usapan nila ng daddy niya ng magpaalam na ito. May pasok pa kasi ito sa trabaho at sumaglit lamang para kausapin ang kanyang anak.

"Ano ka ngayon ma? Nga-nga ka na naman." bulong nito habang mag-oopen ng account sa Facebook.

Nabasa niya ang iniwang message sa kanya ng daddy niya. Pinapasabi nito na gusto nitong kausapin ang mama niya pagka-uwi galing sa trabaho.

Tinext lang ni Joy ang mama niya kahit nasa loob lang siya ng kwarto at nasa baba naman ito. Ayaw niya pa rin kasi itong kausapin. "Ma, gusto ka raw kausapin ni Daddy mamaya pag nakauwi na siya galing sa Trabaho. Gamitin mo na lang yung Skype account ko."

INABOT na naman ng gabi si Joy sa pagtapos ng mga school works niya. Patulog na sana siya ng marinig niyang nag-uusap ang kanyang mga magulang sa Skype.

"Hindi ko na pwedeng bawaiin yung sinabi ko. Sa akin naman magtatampo yung anak natin kapag binawi ko yung pagpayag ko. Alam mo naman na sa ating dalawa, higit na naaapektuhan si Joy kapag sa akin niya mismo naririnig ang pagtutol diba?" rinig niyang giit ng daddy niya sa mama niya.

"Wala na akong magagawa. Lalo lang magagalit sa akin si Joy kung pati pagpayag mo ay haharangin ko. Pero alam na ba ng anak mo ang plano mo para sa kanya?" saad ng mama ni Joy.

"Sooner Hon. Inaasikaso ko pa ang mga papeles para sa paglipat niya dito. Pati yung mga kailangan para sa papasukan niyang kolehiyo dito ay inaayos ko pa. Pag wala ng problema ay sasabihin na natin sa kanya."

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa narinig niyang usapan ng kanyang mga magulang. Dati pa man ay gusto na niyang tumira sa America kasama ang Daddy niya. Masaya na sana siya. Pero nalungkot na lamang siya bigla ng maalala si Kimpoy. Feeling niya ay nabrokenhearted siya sa narinig na balita. Pakiramdam niya ay mahihiwlay siya sa taong pinakamamahal niya.

"Paano na si Pao? lalo na ngayon at malapit ko na siyang makita. At umpisa pa lang iyon ng marami pa naming pagkikita. Paano na lamang kung aalis ako ng bansa? Marami akong maiiwan dito, isa na doon si Pao. Parang iniwan ko na din ang pangarap ko habang nakalutang ito sa ere. I want to spend my life with him who makes me happy. Kahit di niya ako kilala, ganito na ang buhay ko.. ang buhay naming mga fangirl/boy. Pao needs us so were always here to support him. I am not leaving."

Buo ang loob ni Joy sa desisyon niyang hindi siya aalis ng bansa. Para ito sa kanya, kay Kimpoy.. sa ikaliligaya niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang niya tungkol dito. Pero kailangan niyang ipaglaban ang sa tingin niyang makakapagpasaya sa kanya, at yun ay ang manatili dito sa Pilipinas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Day Meet-Up With SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon