Chapter 3 ★The Royalties★

31 6 2
                                    

Lime's POV

"Try to hurt her and you'll be...

DEAD."

Someone dangerously said. And I think I knew that voice very well.

Paglingon ko, nakita kong nanlilisik na nakatingin si Brie kay Amanda. Pangalan ng babaeng hindi marunong mag english. Keganda ng pangalan at parang may lahing amerikano yun pala trying hard bitch lang.

"P-p-prince?! Oh my gosh! Sorry po!" Nauutal na sabi niya at dali-daling tumakbo kasama ng mga namumutlang alipores niya.

Well? Who wouldn't? Brie is the Prince as well as Drie na brother niya. And also Lei is the Princess. But she dont want to be treated in a special way mas gusto niya yung normal lang siya. But I know, malapit nang magbago ang buhay niya. Coz when she turned 18, everything that she thought is Normal, would change into something Magical. At alam kong mahihirapan siyang madigest at matanggap yon.

"Lime, please close your mind." Brie coldly said. I shiver at the coldness in his voice at alam kong hindi niya nagustuhan ang mga iniisip ko. Psh. Perks of having the ability of Mind Reading. Well, makakarating din naman ako sa level na yan. I close my mind tightly para wala nang magleak pa na thoughts ko magalit pa yang unggoy na yan kasalanan ko pa.

"Lei, after your class go to my office. Only you alone, understand? Then Lime, follow me after this. Hanz, Keith, Ice and Tin you can go to your room now. Take care of our Princess. Are we clear?"

Authority and Power is sensible in his voice. Tumango naman ang barkada namin maliban kay Lei na matamang nakatingin sa Kuya niya. Alam kong naguguluhan siya sa inaasal ng Kuya niya ngayon at gusto ko sana siyang tulungang maliwanagan ang kaso nga lang ay hindi pwede dahil hindi pa ito ang tamang panahon.

Ginulo ni Brie ang buhok ni Lei at nakatikim siya ng sapak dito. Ayaw na ayaw talaga ni Lei na guluhin ang buhok niya na although parati namang magulo.

Bigla naman akong hinatak ni Brie papunta sa office niya. Nang makarating doon ay iginaya niya ako paupo sa couch niya. At umupo din siya kaharap ko.

"Lime..." tawag niya sakin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa paraan ng pagkakatawag niya, at alam kong may mali.

"Bakit? Anong problema?" Hindi na ako mapakali dito. 'Etong isang 'to naman ay tinititigan lang ako.

Nagtaka ako ng bigla siyang tumayo at lumipat sa tabi ko. At nagulat ako ng nigla niya akong niyakap ng mahigpit. Alam niyo yun.... A.W.K.W.A.R.D

"Don't move, let's stay like this for a while." Mahinahon ngunit may halong kaba sa boses niya.

"Bakit Brie? Anong nangyayari?"

"Kagaya ng iniisip mo, malapit na nga, at alam kong meron ng unti-unting pagbabago sa kanya. Kaya dapat higpitan mo ang pagkakasara ng isip mo."

Napabuntong hininga muna siya bago tumayo at pumunta sa mini ref dito sa loob ng office niya.

"I know, pero kasi----"

"Alam ko ang iniisip mo kaya nga pinapunta kita dito. At dahil sa malapit na yun itetrain kita ng palihim para malaman mo agad ang mga dapat mong malaman." Edi wow! Ikaw na! The best ka!-.-

"Limerose!"

Sabi ko nga. Nabasa na naman niya. Nagpeace nalang ako sakaniya.

"So, ano ang plano?"

--------------------------------------------------------

Lei's POV

Antagal naman ni Lime, baka nirape na ni kuya yon. Tsk, subukan niya lang hahabulin ko siya ng itak.

Pero Joke lang yun. Mas maganda nga yon eh, para may pamangkin na ako. Huehue😂😂

Nandito parin kami sa room namin, wala pa naman ang prof namin kaya malaya pa kaming makakapagkwentuhan/tsismisan dito.

"Guys! Balita ko may bagong lipat daw na estudyante dito. Alam mo ba 'yon Lei?" Tanong ni Ice.

"Nope, walang nasasabi si kuya tungkol dito. Atsaka wala akong paki-.-" sagot ko naman sa kanya.

"Sungit nito. Meron ka ngayon L?" natatawang tanong naman ni Tin. Mga baliw talaga.

"Tss, hayaan niyo nga si Lei. Alam niyo namang menopausal na yan. Mamaya niyan kayo pa mapagbuntangan ng moodswing niya. Hahaha" sabat naman ni Hanz at nakipag apir kay Keith. Natawa naman ang dalawa sa kanila.

*PAK*

"ARAY! Eto naman, nagjojoke lang eh." Nakangusong sabi ni Hanz habang hinihimas ang batok niya. Bagay lang sa kanya yan. Makapang-asar wagas eh.

"Tigil-tigilan niyo akong apat ha, baka gusto niyong makatikim sakin." Nakasimangot kong sabi. Napatahimik naman sila alam naman kasi nila na tototohanin ko talaga ang sinabi ko.

"Anyways, saan mo nasagap ang balitang yan?" Baling ko kay Ice.

"Sa mga bubuyog sa tabi-tabi. Usap-usapan kasi yan eh alam mo na, minsan lang may magtransfer dito. At balita ko super hot daw niya."

"Ehem*cough cough*" biglang sabat ni Keith. Possessive boyfriend eh?

"Pero mas H.O.T ka Babe, dont worry." Nakangiting sabi ni Ice sabay lapit kay Keith at niyakap ito.

"Guys? Seriously? Get a room!" Natatawang sabi ni Hanz pero alam ko naman na magkaholding hands sila ni Tin sa ilalim ng mesa. Galawang Hokage huh?

"Pssh. Breezy moves kayo ah. Tsk, tama na ang landian. Nandyan na si Prof." Sabi ko sa kanila at tumayo na papunta sa upuan ko. Sa likod ako nila nakaupo at ako lang dapat ang nakaupo d'on.

Nagsimula na ang klase at as usual, kailangan muna ng introduction ek-ek. Katamaran ng mga prof eh nu? Ayaw muna magturo, tsk.

Sa bawat subject namin ay nagpapakilala lang kami---este sila lang pala. Hindi uso saming magbabarkada yan. Nakabalik narin kanina si Lime bago magtime, inintriga pa nga nila Ice kung ano ang pinag-usapan nila ni kuya eh.

Hanggang sa magbreak time ay usap-usapan parin nila ang bagong transfer student. Wala naman akong paki sa kung sino man yun kaya hindi na ako nakiusisa.

Pagkatapos ng break time ay bumalik na ulit kami sa classroom. Wala namang masyadong nangyari. Nung uwian na ay nagpaalam na ako sa barkada at dumiretso sa office ni kuya.



(Pabitin😂)

Ps: Keith at the multimedia <3

EntrancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon