Chapter 9 ★Ranking★

9 3 0
                                    

UNEDITED


Andreigh's POV


Sa isang araw lang ay marami na'ng nangyari. Parang kanina lang ang saya namin sa SC, tapos ngayon ay nandito na kami sa Clinic sa bahay. Limang oras na simula ng mawalan ng malay si Baby L at hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising.


"Kuya? Ano'ng sabi ni Mommy kanina? Bakit nawalan ng malay si Baby Lei?" takang tanong sakin ni Brei. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti upang ipahiwatig na ayos lang ang lahat.nararamdaman ko sakanilang lahat ang kaba at pag-aalala kaya kailangan kong maging malakas at stable para may makapitan sila.


"Okay lang siya. *sigh* May konting drugs lang na natrace sa katawan niya na medyo poisonous kaya nawalan siya ng malay." Iyon ang sabi nina Mommy at Tita Jinkai, siya ang family doctor namin dahil na rin sa gift niyang Healing and Nature. Sa bawat gifted na tao ay merong dalawang gift ang isang gifted kapag average/normal ang ranking nila, then kapag charmer ka ay tatlo ang gift mo kasama na diyan Manipulation na ginagamit para sa mga charm. Next is the Council, sila ang peacekeeper at meron silang apat hanggang limang gift depende sa rank nila sa Council, nasa kanila din ang ibang pinakamatandang members dahil masyadong tago o pasekreto kung gumawa ang mga nasa Council at tanging Royalties, Guardians & Knights lang ang mga nakakakilala sakanila. Ang Guardians at Knights naman ay pareho lang ng Rank at dumidepende ang kanilang lakas sa mga Charm nila, meron silang 6-8 na gift. Speaking of Guardians and Knights.


"Sky?"


"Bakit Kuya?" Kuya?! Close ba kami?! "Chill Kuya Drei! Alangan namang tawagin kitang Prince K-----" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng biglang tapalan ng papel ni Austin ang bibig niya. Psh -_- mga bata.


"Hoy Langit bawal sabihin yan!" singhal sakanya ni Austin.


"Pwe! Asul naman! Bakit papel?! Pwede naman kamay mo ah!?" sabat naman ni Sky atsaka pinunasan ang bibig gamit ang panyo ni Error.


Error....


Napatingin naman sakin si Error, sakanilang lahat including Brei, si Error lang ang pinakamatino. Tiningnan niya ako ng nagtatanong na tingin. Ibinaling ko nalang ulit ang paningin ko sa mga pasaway na sina Sky at Austin.


"Sky, nasaan si Cloud?" pagkasabi ko noon ay bigla nalang kumulog at kumidlat. Lahat sila napapikit maliban saakin kaya hindi nila nakita ang pagsulpot ng dalawang Guardians.


"Tawag mo ako Master?" tanong ng lalaking naka puting tuxedo. Cloud Dela Cruz, twin brother of Sky Dela Cruz. Kasama nito si Thunder na nakakatandang kapatid ng kambal, tumango lang siya sakin at umupo katabi ni Error. Nagsama ang mga tahimik at pinuntahan naman nina Austin at Sky si Thunder.


"Nagawa mo na ba?" baling tanong ko kay Cloud. Nagseryoso naman ang mukha niya ng makitang seryoso ako.


"Yes Master. Sabihin niyo lang po kung kelan ko ididisspell iyon." Sagot niya na ikinangiti ko ng bahagya. Alam kong nag-uumpisa na silang magplano laban saamin at may alas kaming hindi nila alam.

EntrancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon