Chapter 11 ★Moving On part 2★

8 1 0
                                    




Leigh's POV

Binuhat ako ni Error hanggang sa garden at inupo niya ako sa may swing. Nakapagtatakang wala kaming nakasalubong papunta dito kahit maid man lang. Nasaan na kaya sila?

"Error? Nasaan sina Kuya, Mommy and Daddy? Tsaka sina Blue, Sky tsaka iyong dalawa niyang kasama? Magkakamukha silang tatlo ha." Panimula ko nang hindi nagsalita si Error.

"Those two are Cloud and Thunder. Cloud is Sky's twin and Thunder is their elder brother. Your family is in the library. Speaking of them, wait lang. Dito ka lang." Sabi niya at biglang nawala na. Tsk, tama bang iwan ako dito.

Andaming misteryo ang nakakabit sa buhay ko. Konti palang ang nalalaman ko. Kailangan ko pang mag-imbestiga at mag-obserba ng mabuti. Haaaaay! Bakit ba kasi ako pa mismo ang kailangang magtuklas ng katotohanan? At bakit ba ayaw nilang sabihin ang iba saakin? Nakakatamad kayang alamin ang totoo. Pero hindi ko rin maipagkakailang nachachallenge at naeexcite ako ng konti. I mean, who wouldn't? If your so called present life is a lie then you'll go around and chase the truth. Hindi naman pwedeng hayaan mo nalang na mabuhay ka sa kasinungalingan. Dapat mong malaman ang katotohanan para malaya kana sa lahat ng bumabagabag sayo.

Napaisip ako bigla sa nalaman ko. I know I have a gift because I can feel myself changing. I can feel the power surge in my veins everytime I feel any strong emotion............ just like now.

I closed my eyes and then.......











"WHAT THE?!" Gulat akong napalingon sa mga sumigaw.......








"Ice, Keith, Tin and Hanz" sambit ko at biglang--------


Error's POV

"Those two are Cloud and Thunder. Cloud is Sky's twin and Thunder is their elder brother. Your family is in the library. Speaking of them, wait lang. Dito ka lang." Muntik ko nang makalimutan na kailangan palang sabihin ni Blue 'yong mga nalaman niya. malapit nang magsimula at alam kong may nalalaman narin si Ace. Nagteleport ako papunta sa library nila. Nadatnan ko silang nag-uusap tungkol sa kondisyon ni Ace.

"Nasaan si Austin, Error?"takang tanong ni Kuya Drei pagkakita niya saakin. Napalingon naman silang lahat sa akin.

"Nasa kwarto ni Ace, pinatulog ko muna."sagot ko sakanya. Napatingin ako kay Tito na seryosong nakatingin sa akin. Tinanguan niya ako at nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"May nakapang malamig na bagay si Blue sa ulo ni Leigh, mukhang nilagyan nila ng wall ang utak ni Leigh para siguro hindi natin malaman ang iniisip at nararamdaman niya. Nawala narin ang lahat ng drugs na nasa katawan niya, though nanghihina parin siya." Hmm, parang may nakalimutan ako?

"'Yon lang ba?" tanong ni Tito. Tumango naman ako. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ang ibang nalaman ko. Kailangan ko pa ng sapat na impormasyon upang kumpirmahin ang mga hinala ko.

"Ah. Nga pala, Tito. Nalaala na naman po ni Austin si Errin....." pagkasambit ko palang sa pangalan ng kapatid ko ay naramdaman ko na naman ang tension at hinagpis mula sakanila. Alam kong hindi pa tapos magluksa ang lahat hanggat hindi pa nagluluksa ang Reyna. Hanggat hindi pa nalalaman ng Reyna ay hindi rin matatapos ang pagluluksa saaming lahat. .....

"Kaya ba pinatulog mo siya?" tanong ni Kuya Drei. Nakatingin siya sa kawalan at parang malalim ang iniisip.

"Opo Kuya. Hindi na siguro niya nakayanang pigilan ang sarili niya ng makitang nasa ganoong kalagayan si Ace at na trigger na naman ang nakaraan niya." Sagot ko sakanya. Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Austin kanina. Alam niyang may paraan pa para maibalik si Errin pero hindi niya alam kung ano iyon...

"Nga pala. Nasaan si Leigh, Error?" tanong naman si Tita.

"Nasa garden po, Tita." Sagot ko naman. "'yon lang po ang irereport ko sa ngayon. Kailangan ko pa pong balikan si A-------" hindi ko na napatapos ang sinasabi ko ng biglang may ilaw na lumiwanag na nagmumula sa labas... Shit! Si Leigh!

Una akong nakabawi sa pagkagulat kaya agad akong nagteleport sa Garden at nakita kong nawalan na naman ng malay si Ace at....

"Ice, Keith, Tin and Hanz" sambit ko sa pangalan nila at bakas sa mukha nila ang pagkabigla sa mga nakita nila. Napatingin ulit kay Ace at agad akong tumakbo papunta sa kanya.

Agad ko naman siyang binuhat at tiningnan ulit silang apat.

"Deletrius Memoria Quartum" after I chanted that spell ay nawalan na sila ng malay kasabay noon ay ang pagdating nila Tito. Itinuro ko ang apat at tumakbo papunta sa kwarto ni Ace. Hindi ko na magamit ang teleportation ko dahil nakapagcast ako ng spell.

Pagkarating ko sa kwarto ni Ace ay agad ko siyang hiniga sa kama niya at kinumutan. Nilalamig siya pero pinagpapawisan. Argh! Ano ba ang gagawin ko?! Ano bang nangyayari sayo Ace?

"Isara mo lahat ng blinds niya, Error. Pagkatapos ay patayin mo narin ang aircon dito." Napaharap ako kay Austin ng sinabi niya iyon. Marami akong gustong itanong sakanya pero kailangan ko munang sundin ang sinabi niya.

Pagkatapos kong masara lahat ng blinds dito at maturn off ang AC ay hinarap ko si Austin na nakayuko parin sa sofa'ng kinahihigaan niya kanina.

"Anong nangyayari sa kanya, Austin?"

"Awakening.... Nagigising na ang mga natutulog. Lalabas na ang kailangang lumabas. Nalalapit na ang kinatatakutan ng lahat. Magaganap na ang labanan... At magbabalik na ang itinakda........" Hindi siya si Austin.....

"Oracle of the Queen?" tanong ko sakanya.

"Maghanda ang lahat sa kanyang muling pagbabalik......" pagkasabi niya noon ay biglang bumukas lahat ng blinds ni Ace at nawalan ulit ng malay si Austin....


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi niya pero isa lang ang nakakasiguro ako.... Nanganganib kaming lahat. Lalong lalo na si Ace...





Third Person's POV





Sa hardin ng bahay ni Leigh ay nandoon ang kanyang pamilya at mga kaibigan maliban sa dalawa na nasa kwarto niya. Habang binubuhat ang apat na kaibigan ni Leigh ay napapaisip ang lahat sa kung ano ang nangyari. Hindi na nila matatanong pa ang apat dahil base sa ginawa ni Error kanina ay malamang na nabura na ang mga alaala nila. Maraming mga katanungan ang naglalaro sa mga utak nila pero alam nilang matatagalan pa bago masagot iyon....

"Mukhang may alam si Error na hindi natin alam." Panimula ni Brei.

"Huwag tayong maglagay ng haka-haka, Brei. At kung meron mang alam si Error at hindi niya pa sinasabi saatin, nasisiguro kong meron siyang magandang rason para doon." Wika ng Ama niya. napatango naman sila sa sinabi ng haligi ng tahanan.

"Eh si Blue kaya?" tanong naman si Sky.

"Meron din siguro siyang alam pero base sa kondisyon niya ngayon ay malamang na nakalimutan niya iyon.... ng pansamantala... habang nasa utak pa niya si Errin....." sagot naman ng ilaw ng tahanan. Ang Ina nina Drei.

"Ipagdasal nalang natin na maging maayos na ang kalagayan ni Leigh. Siya, dalhin niyo na iyang mga kaibigan niyo sa itaas. Kailangan na naming bumalik sa mansyon." Wika ulit ng kanilang ama.

Tumango naman sila at nagbow. Bigla namang naglaho ang mag-asawang Sachfield at naiwan sina Drei, Brei, Sky, Cloud at Thunder na pawang nag-iisip ng malalim habang buhat ang apat na walang malay....

"Sana nga maging maayos na talaga siya. Hindi pa ito ang oras...." yan ang mga nasa isip nilang lima.....

~~End of Chapter 11~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EntrancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon