Chapter 5 ★Escape★

35 6 0
                                    

(Si Asul sa Multimedia. Hope'yah like it =)
Dedicated to: @JasonOliverDichosa3 -ayan na dude! -.-

Brie's POV

ANIM na oras na pero wala parin si Austin. Nasaan na kaya yon? Nailigtas ba niya ang Prinsesa namin? Tsk, naman kasi!

"Relax lang Brie, alam kong ligtas si Princess. Nararamdaman ko parin ang presensiya niya." Kalmadong sabi ni Kuya Drie.

Nandito kami ngayon sa office ko dito sa school. Tinatrack namin si Austin pero nahihirapan kami dahil nakataas ang wall niya. We can't reach his mind dahil na rin siguro nasa teritoryo sila ng kalaban, and yeah, hindi sila basta bastang tao. They also have a "Gift", yun ang tawag sa mga espesyal na kakayahan namin. Pero alam ko namang mahina pa sila eh, hindi ko lang talaga maiwasang mag alala para sa

kapatid ko....

"Ayon! Nareach ko rin! Antae nitong si Asul! Pinapahirapan niya tayo." Nagmamaktol na sabi ni Sky. Psh, parang bakla-.-. Kabilang si Sky sa mga Princes dito. Fullname? Sky Dela Cruz. Isip bata yan kaya ingat baka mangagat. (That rhymes)

"Ano'ng sabi ni Austin? Nakalabas na ba sila?" Sabat naman ni Lime. Andito din siya at naghihintay sa bestfriend niya. Bale lima kaming nandito ngayon, ako, si kuya Drie, si Lime, si Sky, at si-----

"Wait? Where's Error?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

Nagtinginan naman sila at biglang ngumiti ng malapad. Hmmm? Mukhang alam ko na kung nasaan.

"Hanggang ngayon pala may nararamdaman parin yung "Eenk" na yon. Tsk, ganda talaga ng bespren ko" natatawang komento ni Lime. "Eenk" ang tawag niya kay Error dahil yun daw ang tunog pag nagkamali ang isang machine. Daming alam ng babaeng to.

"Nakalabas na daw sila, pero bigla daw nawalan ng malay si Leigh habang papalabas sila. Pero safe naman daw po siya." Sabi ni Sky at bumalik ulit sa pagfofocus sa ginagawa niya.

"At papunta narin dun si Error, didiretso nalang daw sila sa mansion niyo." Dagdag pa niya sabay tayo at pumasok ng banyo. Alam na this! Haha

Tumayo na rin sila kuya at nagsimulang mag ayos ng mga gamit. Pagkatapos ay lumabas na kami ng office at dumiretso sa bahay or rather mansion namin.

—————————————————————————

Blue's POV

Tumakbo ako sa pinto na tinuro ni A at mabuti nalang dahil pinto ito papuntang kabilang kwarto. Nagdahan dahan ako dahil baka may tao at nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman. Magsasalita na sana ako ng biglang lumuwag ang pagkakakapit sakin ni A kaya tiningnan ko siya. Base sa mukha niya ay nahimatay lang siya.

Iginala ko ang paningin ko at may nakita akong bintana. Base sa obserbasyon ko kanina bago ako pumasok dito, dalawang palapag lang ang bodegang ito at nasa basement kami. Inilapag ko muna si A at tinungo ang kinaroroonan ng bintana. Binasag ko ito gamit ang kamay ko, okay lang kahit magkasugat ako gagaling rin naman agad 'to.

Nang wala ng matirang bubog ay binuhat ko ulit si A at siya ang unang ipinasok ko doon. Medyo malaki naman ang bintana at kasya siya, dinadahan dahan ko lang. Nang makasampa siya sa bintana, ginamit ko na ang isa sa mga Gift ko. Ang "Levitation" o ang pagpapalutang nga mga bagay o tao.

Nagfocus ako ng tingin sa kanya habang lumalabas ako ng bintana. Nang makalabas ako ay sakto namang dumating ang mga kidnapper ni A. Nawalan ako ng concentration pero mabuti nalang ay nasalo ko agad siya bago pa man siya bumagsak sa lupa.

Tumakbo na ako pero nakasunod parin sila sa amin kaya ginamit ko naman ang "Speed" kong Gift. Alam kong manghihina ako ng sobra kaya binaba ko ng konti ang wall ko dahil kanina pa may gustong pumasok sa isip ko. At kung tama ang hinala ko------

"Dude naman! Antagal mong sumagot! Nasaan na kayo?"  si Langit nga. Tsk.

"'Sa gubat na kami ligtas na ang prinsesa, nahimatay nga lang. Sa mansion nalang kami didiretso. Nanghihina na rin kasi ako." 'yon lang ang sinabi ko at itinaas ulit ang wall ko.

Mukhang hindi na nila ako nasundan kaya ginamit ko na ang natural kong lakas. Bigla ko namang nakasalubong si Error.

"Blue, akin na siya." sabi niya sabay kuha kay A.

Ibinigay ko nalang sa kanya kasi nanghihina narin ako kanina pa. Medyo nahirapan kasi ako sa pagpasok sa bodega'ng 'yon ng di nila nalalaman ang pagkatao ko. Kailangan ko pa gamitin ang Gift kong "Mask" para pagtakpan ang identity ko at kung anong Kingdom ang kinalalagyan ko. Dagdag pa ang paggamit ko ng Levitation at Speed. Tsk. Kailangan ko na talagang magpahinga.

Nagsimula na kaming maglakad at nauuna si Error sakin. Kahit walang ekspresyon ang mukha niya alam ko sa kaloob-looban niyan ay nag-aalala rin siya... Hanggang ngayon pa rin pala---- aish nevermind.

Patuloy lang kami sa paglalakad at ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mansion nina A. Pagkapasok namin dumiretso agad si Error sa taas, pupunta siguro sa kwarto ni A. Habang ako naman ay sa salas pumunta. Uupo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Yow Dude!" bati ni Sky. Tsk-.- isip batang langit.

Tiningnan ko lang siya at umupo. Kailangan ko nang magpahinga para mabawi ang lakas ko.

"Lime, heal him. Brie, puntahan mo si L sa kwarto niya at icheck siya. Then Sky, prepare our dinner." cold na sabi ni kuya Andriech at umakyat na. Pupunta siguro sa library niya. Nakakatakot talaga 'tong magkakapatid na 'to. Maliban nalang kay A. Pero alam ko pagdating ng tamang panahon, mas magiging malala siya...

Lumapit naman si Lime sakin.
"Mukhang napasobra ang gamit mo ng Gift mo ah?" tanong niya at sinimulan na akong pagalingin. Basic lang Healing samin pero kailangang may sapat kang enerhiya para magamit mo ito.

"Nasa second phase kana ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Yepp, masyadong mabilis pero magaling talagang magturo si Brie." sabi niya.

Hmmmm, may naamoy akong malansa. *smirk*

"So inlove kana sa kanya niyan?" nakakalokong tanong ko sakanya.

Napaangat siya ng tingin kaya nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"You're blushing" pang-aasar ko.pa.

"shitzu ka! Ugggh! Kung anu-ano.lumalabas sa bibig mo! Gutom lang yan, tara kain magaling ka na naman...." tuloy tuloy na sabi niya tsaka nagmamadaling tumayo at pumunta sa kusina.

Napatawa naman ako ng mahina. Ang obvious niya. Tsk tsk.
Tumayo narin ako at sumunod sa kanya sa kusina. Tamang tama lang dahil hinahanda na ng katulong nila ang hapagkainan. Nakita ko si Lime at Sky na nakaupo habang nag-uusap. Nang mapatingin sila sakin ay tumango ako at ngumisi kay Lime. Inismidan niya naman ako at kinausap ulit si Sky. Hahaha, ansarap talagang inisin ng babaenh 'yon.

Nang matapos maayos ang hapagkainan ay bumaba na sina Brie at Error. Tulog pa siguro si A, si kuya Drie naman malamang nasa library parin. Siya kasi ang namamahala ng negosyo nila at the same time ay ang ----

Kingdom.....

Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Maya maya ay biglang nagsalita si Error.

"It is not the right time to train her yet. She can't remember anything and she's fragile. I bet she can't handle it when she knew the real her...." seryosong sabi niya.

Nagkaroon ng tensyon sa paligid. Parang gusto ko nalang umalis.
"Yeah, I agree to you Error. It's not yet the right time." sabat naman ni kuya Drie. Napatango nalang kami lahat dahil alam na namin kung ano'ng ibig sabihin nun.....

Kailangan naming manahimik at magkunwaring walang alam.....





---End of Chapter 5---

Ps: kindly tell me if may wrong grammar or typos po ako. Thank you!

EntrancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon