TOP TEN REASONS WHY MARKUS AVERY TING SHOULD DATE ARVY NICOLE De CASTRO:
1. She is pretty like a Barbie, huggable like a Teddy bear.
2. She is exempted from PE.
3. She rescued the entire class from starvation when Manang Fe's LPG leaked and the canteen had to be closed, by ordering PIZZA.
4. She is a human ATM.
5. Because it would bother Alison Guinto and Elysse Comia.
6. She will raffle off her iPhone 6 when it happens.
7. She already has MARKUS IS DUMB stickers in case they break up.
8. She's okay with DOTA.
9. She needs help with Algebra
10. If you can't out-wealth her, date her.
"Here." Ibinalik ni Ayeng kay Arvy ang iPhone sa kaibigan matapos niyang buuin
ang top ten list para sa lahat ng social media accounts ni Arvy. Tapos na ang klase pero ayaw pa nilang umuwi kaya nakatambay sila sa front steps ng chapel.
"Love it!" Saglit na yumakap kay Ayeng si Arvy at pinakawalan na sa cyberspace ang post.
"Love it? Hindi mo pa naman binasa?" Napatingin si Ayeng sa kaliwa nila, sa dako ng bagong gymnasium. Naglalakad sa covered pathway sina Dominique at Elysse, panay ang bungisngis at tili, walang dudang nakalanghap na naman ng pawis ng mga varsity players na nagpa-practice sa gym.
"Oh, I know it's good. I trust you with my Status." Balewalang wika ni Arvy sabay kaway kina Dominique na animo totoong 'happy to see them'. Pero kahit alam ni Ayeng na inis rin sa dalawa si Arvy, lalo na kay Dominique, nagseselos pa rin siya. Possessive siya sa Bestfriend.
Huminto sa harap nila sina Dominique, "You won't believe it." Excited ang tono at body language ni Dominique Peralta, number 6 sa Honor Roll. Five flat ang height at hugis apple pero feeling Supermodel. Kung hindi ba naman, bakit naisipang magpagawa ng paldang hanggang bukong-bukong? Nang sitahin ng adviser nila noong unang araw ng pasukan bakit ganoon ang palda, freedom of expression raw iyon. Nang igiit ng teacher na kailangan nilang sumunod sa mga patakaran, itinuro siya ni Dominique, "I'm not allowed to wear my skirt, Miss? But Ayeng is allowed to keep her purple highlights?"
Bawal sa eskwelahan nila ang mga hairstyle at haircolor na hindi natural. Pero two weeks bago magpasukan, naisipan niyang magkulay ng buhok--nakita niya sa magazine, natural, gusto niyang gayahin. Alam niyang masisita siya sa pasukan kaya kinuntsaba na niya si Arvy. Dermatologist ang mama nito, kumupit ng reseta si Arvy at nag-imbento ng dandruff treatment that makes one's hair turn purple bilang side-effect. Dala-dala niya ang certification nang magpasukan. She was excused.
But give credit where it was due. Dominique knew the truth--malakas ang pakiramdam ng leche--and called the teachers on it. Kesa naman aminin ng mga teachers na nagpaloko ang mga iyon kay Ayeng, nagbulag-bulagan na lang sa palda ni Doiminique.
And so, Dominique continued to look stupid.
"Nakakita na naman kayo ng guwapo." Wika ni Ayeng, nakatingala sa dalawa.
"How did you know?" Wika ni Elysse, feeling sexy pero....sexy naman nga. Pang adult film na ang boobs.
"That's Tagalog." Sita naman sa kanya ni Dominique. Class marshall ito, taga-lista ng mga offense kasama na ang pagta-Tagalog sa loob ng campus.
BINABASA MO ANG
Merceline Cinco's High School Survival Guide By: Rose Tan (COMPLETED)
Teen FictionTOP TEN REASONS WHY I WANNA DATE DECLAN MENDOZA: 1. He's got the WORST tardiness excuse: 'I got trapped in the lil' boys' room.' 2. His guitar gently weeps. 3. He named his puppy after me. 4. Unlike Marvis the science dude, he does not sleep next...