Chapter 18

342 5 0
                                    

SHE JUST DIED. AND SHE DIED AT THE WORST POSSIBLE MOMENT. WHEN everyone was looking at her and thinking the same thing. She was a troll. A troll ghost.

Multo siyang naglalakad sa gym, along the bleachers, hearing all the whispers...the gasps..the giggles...and when you're a ghost, you could not walk fast enough. Simple science. Ghosts don't have mass. Ghosts are nothing. No force could propel that which is nothing.

It was the longest walk of her miserable life. Tanaw na niya ang gym entrance, ang mga magulang, guro at kapwa estudyante na naghihintay, naghahanapan doon. Pero parang ang layo pa. Hindi niya mautusan ang mga paa na tumakbo.

A blast from the speakers. A chorus of voices: MERRY CRHISTMAS EVERYONE! PARENTS, TEACHERS, CLASSMATES, SCHOOLMATES, HAPPY HOLIDAYS FROM GRADE TEN! PAPASKO PO!

Tawanan. Walang katapusang batian.

Surely the correct video, sarcastic niyang naisip at sinikap bilisan ang mga hakbang upang makalayo na siya sa lugar na iyon.

Eksaktong nasa entrance na siya, pumailanlang ang sabay-sabay na pagkanta ang kanilang alma mater song.

"Hail, hail, St. Therese..."

It stung her eyes.

Ang school na minahal niya at itinuring na tahanan, ang school na mas gusto niyang gawing kanlungan kaysa sarili niyang pamamahay, parang itinataboy siya ngayon. Wala na siyang lugar doon.

May tinig na pumukaw sa pansin niya.

"Ayeng."

Hindi niya iyon pinansin. She kept on walking.

"Marceline!"

Napilitan siyang huminto at lumingon, "Miss."

"Come with me." Hinagip ni Miss Tessa ang kamay niya. Ayaw man niya, nahihiya man siya, hindi naman niya maitanggi sa sarili na nagdulot ng comfort at relief sa kanya kahit paano ang ginawa ng guro.

Miss Tessa was taking charge. Determinado at mabilis ang hakbang ang kanilang adviser habang hawak-hawak ang braso ni Ayeng. Mahigpit pero walang senyales ng galit. Bagkus, dama ni Ayeng kung bakit nagmamadali ang guro. Miss Tessa was worried and concerned.

Miss Tessa cared.

Napahikbi lalo si Ayeng. Did she deserve Miss Tessa's kindness? Hindi. Ginagawa lang ni Miss Tessa ang tungkulin.

"I--I want to go home, Miss." Aniya.

"Not yet. I can't let you. You're too shaken up."

Shaken up. Understatement of the century. She was not simply shaken up. She was dead. DEAD.

"I'm okay, Miss." Gusto niyang isigaw, I don't need your sympathy!

Mas hinigpitan ni Miss Tessa ang hawak sa kanya. Sa mata siguro ng mga nakakasalubong nila, mukhang kinakaladkad siya ng guro. Lalo na at hindi na niya maitago ang pag-iyak.

Nagsimula na silang umakyat sa hagdanan ng IS building.

Pagkatapos ng apat na palapag, pumasok sila sa faculty room, deretso sa cubicle ng guro.

"Take a seat. I'll be right back." Wika nito.

Naupo siya sa isa sa dalawang silya na nasa harap ng desk. Maliit ang mesa, may cover na felt paper at clear plastic. Sa likod niyon, plastic na stackable cabinet, umaapaw sa folders at envelops.

Merceline Cinco's High School Survival Guide By: Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon