OH, GOSH. I NEVER FELT SO....I DON'T KNOW HOW I FEEL, I DON'T LIKE IT."
"Just nerves." Kinaray na ni Ayeng si Arvy. Para itong maiihi, hindi mapakali. Nasa kotse na raw si Arvy papuntang school nang makita ang comment ni Markus. Ayun, sa sobrang kaba, tinawagan siya at nagpasundo sa parking.
"I don't get nerves. Ever." Maktol nito. Huminto.
"First time for everything."
"How do I look?"
Ayeng rolled her eyes, "You look great." Itim na close-fit top ang suot nito, naka-tuck-in sa kupas na ripped daddy pants--but not so ripped to catch the guards' attention. Kahit ordinary clothes sila dahil sa fair, may mga rules pa ring dapat sundin. Bawal angtank tops, see-thru, short shorts, minis and anything the school authorities would deem scandalous.
Yumuko si Arvy, "Is it even?" Tukoy nito sa tupi ng pantalon.
"It doesn't have to be totally even."
Ang sneakers na puti naman ang pinagdiskitahan ni Arvy. Pinagpagan, inayos ang sintas at ang maliit na gold star pin na inilagay doon.
"Had I known he's gonna want to talk to me, I'd wear a skirt like that." Turo ni Arvy sa palda ni Ayeng, "that's sooo cute. Where'd you get that?"
"My mom sent this." Mahabang denim skirt, pencil cut. May slits sa magkabilang side. Pinagsawaan ng anak ng amo ng mommy niya. Alamat ng marami sa mga damit niya. Striped cropped shirt and green Keds completed her school fair outfit.
Talking about their outfits calmed Arvy, "Let's swap watches. Yours matches my shoes."
Wel, Ayeng liked Arvy's things. They all were nice and expensive. But it thrilled her more when it was the other way around--her friend liking her things.
"Okay." Hinubad ni Ayeng ang white and green Benetton--ukay rin buhat sa amo ng kanyang mommy.
Ipinasa naman ni Arvy sa kanya ang gold vintage Casio.
Sabay pa silang tumingin sa oras pagkatapos.
"What are we gonna do first?" Tanong ni Arvy.
"Attendance, hello." Kailangan muna nilang magpakita kay Miss Tessa sa classroom.
"Oh, yeah. I forgot."
Pero buhat sa parking ay nadaanan na rin nila ang mga booths at dahil maaga pa, sineset-up pa lang ang mga iyon. Ang mga tiangge, inaayos pa lang ang paninda. Ang naka-ready pa lang, iyong mga kainan--may mga kiosks ng iba't ibang fast food chains, ice cream station, siomai station at kung anu-ano pa.
"Look!" Turo ni Arvy sa gawi ng basketball court. May nakaset-up sa isang tabi na black tent. Pawang mga naka-itim rin ang tao doon. "Let's get a tattoo." Henna and the kind you just paste on your skin. Hindi papayagan ng St. Therese ang totoong tattoo.
"Later. We're late."
Nasa hangin ang excitement . Lahat nang makasalubong nila, nagtatwanan, nagbibiruan. Kanya-kanyang porma. Mayroong malalakas ang loob, itinodo ang porma kahit malaki ang chance na masita--all black, metal blings, spiked hair. Mayroon namang mukhang inutusan lang bumili ng suka.
Nakakumpol sa gitna ng classroom ang mga kaklase nila. Naramdaman yata sila, halos sabay-sabay na tumingin sa pinto.
"Fantastic Baby!" Sigaw ng mga iyon.
BINABASA MO ANG
Merceline Cinco's High School Survival Guide By: Rose Tan (COMPLETED)
Genç KurguTOP TEN REASONS WHY I WANNA DATE DECLAN MENDOZA: 1. He's got the WORST tardiness excuse: 'I got trapped in the lil' boys' room.' 2. His guitar gently weeps. 3. He named his puppy after me. 4. Unlike Marvis the science dude, he does not sleep next...