FOURTH QUARTER
HINDI NAGDADAOS NG JS PROM ANG ST. THERESE. MAYROON LANG SILANG Graduation Ball na tuwing February rin naman isinasagawa. Pero dahil K to 12 na ang sistema, hindi na masasabing 'graduating' ang mga grade 10. Ang naunang desisyon ng school, pagdating na lang ng mga grade 10 sa grade 12 idaos ang grad ball.
Thanks God there's PTA.
Maraming magulang ay hindi naman sang-ayon sa k to 12 system, pero wala namang magagawa kaya nanahimik na lang. Pero nang malamang pati graduation ball ay ipagpapaliban na rin, nagkaisa ang mga iyon na umapela.
As if the graduation ball was more important than graduation itself.
Pero sabi nga ng mommy ni Arvy, one time na naroroon si Ayeng sa bahay ng mga iyon at pinag-uusapan nila ang issue, 'It's probably just the parents' way of protesting or getting even with the new system, like..you won't let our kids graduate yet, then at least give them something to highlight their tenth year in school.'
And so, St. Therese' Annual Diamond Dance was born. Exclusive para sa mga grade 10.
Palakpakan at sigawan sina Ayeng nang iannounce iyon ni Miss Tessa sa kanila three weeks ago. Lalopa silang na-excite dahil, unlike the traditional graduation ball, may iba't ibang tema ang Diamond Dance taon-taon.
Sa consent form na ipinamigay sa mga parents, kasama na rin ang survey kung ano'ng tema ng gusto ng mga iyon. Check one:
Great Gatsby
Night at the Opera
Disco Fever
Bagets (80's)
Fairy Tail (anime cosplay)
Others ( pls. specify )
Kung silang mga estudyante ang masusunod, unanimous ang desisyon nila. Gusto nila mag-cosplay.
Pero mga magulang nagbabayad ng tuition, ang gagastos sa event at majority sa mga parents, napanood ang Bagets.
So, Bagets it is.
Bilang cream class, hindi puwedeng walang paandar ang IS401. It was just something that came naturally with them. They see everything as a way to compete. Be innovative. Be the first. Be the best.
On the weekend after the announcement, sinuway nila ang rules ng school at nagkita-kita sa bahay nina Arvy. Hindi sila binigyan ng permit para mag-meeting outside the school premises.
E, di...birthday ng mommy ni Arvy and they were all invited.
Pero alam ng doktora ang patakaran ng school, pinaamin sila. They admitted. They were reprimanded pero wala nang magagawa ang doktora, naroroon na ang kalahati ng klase--not everybody was available. Kasama na sa hindi umatend si Declan. Hindi na nasorpresa si Ayeng. Mukhang wala na talagang balak makipagbati sa kanya ang lalaki.
Tinawagan na lang ni Doktora ang parents ng mga naroroon, nagpaliwanag, nangakong babantayan silang lahat. Pati mga guwardiya sa country club, inalerto.
They watched Bagets. One and Two.
Then they knew how they are going to rock the dance.
That was three weeks ago.
"Oh, to the beat of the rhythm of the night, dancing 'til the mornin' light." Maghapon na iyong kinakanta ni Arvy, "I really can't get it out of my head. I'm so excited, Ayeng." Kumapit pa ito sa braso niya.
BINABASA MO ANG
Merceline Cinco's High School Survival Guide By: Rose Tan (COMPLETED)
Teen FictionTOP TEN REASONS WHY I WANNA DATE DECLAN MENDOZA: 1. He's got the WORST tardiness excuse: 'I got trapped in the lil' boys' room.' 2. His guitar gently weeps. 3. He named his puppy after me. 4. Unlike Marvis the science dude, he does not sleep next...