WHERE'S DAD?" TANONG NI AYENG KAHIT ALAM NA NIYA ANG ISASAGOT ng kanyang mommy. Weekly chat nila iyon.
"Sumayd-line. Sayang nga rin naman ang kikitain n'ya."
Kung hindi sumayd-line, nag-overtime. Ganoon lang ang mga dahilan. Pakiramdam niya, ayaw lang makipag-chat ng kanyang daddy sa kanya. Hindi rin naman siya sigurado kung gusto niyang makausap ang ama. Sa miminsang pagkakataon na nangyayari iyon, wala naman silang masabi sa isa't isa kundi kumusta. She was sad but actually relieved that her father wasn't there to speak to her. Uncomfortable pauses and forced humor were worse than not seeing and hearing from her dad.
"Did you color your hair?" Tanong na lang niya.
"Oo, kita mo d'yan? Halata mo? Bagay?"
"Hindi ko ka'gad napansin. Okay lang. Parang bumata ka." Alam niyang gustong marinig iyon ng ina. 39 years old na iyon, laging nirereklamo ang edad. Dahil siguro mas matanda ito sa kanyang daddy ng tatlong taon.
Hinagod ng kanyang mommy ang buhok nito, "Lagi kasi akong inaasar ng daddy mo." Behind her mother's face was a wall with a hanging cabinet overflowing with things--clothes, bags, boxes. Closet-sized lang daw ang tinitirahan ng mga ito, just enough for a bed and a small bathroom. Nakikita naman nga ni Ayeng na halos matabunan na ng mga na-accumulate na gamit ang kanyang mommy.
"What time babalik si Dad d'yan?"
"Baka mamaya pa. Ano, kumusta ang bakasyon mo?"
"Okay lang. Ma, punta tayo SG pag-uwi n'yo."
"SG?"
"Singapore. Nagpunta dun sila Arvy, ang ganda. Gusto ko rin pumunta dun, Ma."
"Sige. Yung grades n'yo ng second quarter, kelan pwedeng tingnan on-line?"
Last week, tinanong siya kung released on-line na ang grades nila. Senile na ba ang mommy niya o wala lang maitanong dahil estranghero na rin sila sa isa't isa.
"Hindi pa nga. Baka December pa."
"Ang tagal naman. Ano'ng ginawa ng mga teachers n'yo nitong sembreak?"
"Ewan ko sa kanila. 'Yung tuition ko pala ng 3rd quarter, Ma. Before Christmas break, exams na ulit namin."
"Oo, papadala ko na kay Meng, baka next week. Anak, magtipid ka sa allowance mo, ha."
"Matipid naman ako, eh."
"Sabi ni Meng, dami mo raw hinihingi."
"Hindi, ah. Baka sabi lang n'ya." Napaismid si Ayeng.
"Shhh, marinig ka."
"Hindi ako maririnig non, kausap ang jowa n'ya sa labas."
"Sabi n'ya break na sila nung si Jimboy na 'yon?"
"Nag-away sila last week. Bati na ulit sila."
"Sira-ulo 'yang tita mo. 'wag kang gagaya d'yan, ha. Ikaw, baka nagbo-boyfriend ka na? 'wag muna, anak. Mag-aral kang mabuti at naku, napakahirap kung kaparis lang namin ng daddy mo ang kasasapitan mo. Okay lang naman mag-abroad , kung professional ka at maganda ang magiging trabaho, hindi 'yung taga-kawkaw ng mga inidoro at tagawalis ng kalsada."
"Wala naman akong boyfriend, eh."
"De mabuti. Saka ka na mag-boyfriend pag tapos ka na mag-aral at may maganda ka nang trabaho nang hindi ka makakuha ng kagaya ng daddy mo. Kung hindi ko pa ginawan ng paraan na makasunod sa 'kin dito, naku, hindi kikilos 'yon."
BINABASA MO ANG
Merceline Cinco's High School Survival Guide By: Rose Tan (COMPLETED)
Novela JuvenilTOP TEN REASONS WHY I WANNA DATE DECLAN MENDOZA: 1. He's got the WORST tardiness excuse: 'I got trapped in the lil' boys' room.' 2. His guitar gently weeps. 3. He named his puppy after me. 4. Unlike Marvis the science dude, he does not sleep next...