Chapter 2

1K 22 4
                                    

CELL PHONE AGAD ANG HINAGILAP NI AYENG PAGKAGISING PERO DISMAYADO SIYA. AT ASAR. Hindi pa ina-accept ni Declan ang friend request niya. Ang message niya, unseen.

Well, look at the bright side. At least, hindi siya seenzoned.

Wala bang internet sina Declan?

O sinungaling ang lalaki at inuto lang siya para may makausap iyon habang hinihintay ang Guidance?

She would soon find out. Pero, "Shit." Six-thirty na nang umaga, anytime, darating na ang school service. Magpapaiwan na naman siya at magko-commute na lang. Pwede namang magpahintay, kaso, buong biyahe siyang paparinggan ni Manong Raul dahil tiyak na maiipit na sila sa traffic.

Sinulyapan ulit niya ang cell phone. May messages pa siyang hindi nababasa mula sa group chat. Nakatulog na siya kagabi. Mamaya na lang niya titingnan. Lumabas siya ng silid at nalanghap agad ang almusal na niluto ng tiyahin niya.

Almusal na hindi para sa kanya. Ang ibig sabihin lang ng masarap na tapa, sinangag at itlog ay doon na naman natulog ang boyfriend ng tita niya. Iyon lang ang dahilan kaya gumigising ng maaga ang babae at naghahanda ng pagkain. Kadalasan, Coco Crunch lang ang almusal ni Ayeng. Coco Crunch o Milo.

"Tita, 'yung tuition daw." Wika niya pagbaba sa hagdan. Nakalimutan niyang banggitin pagdating niya kahapon dahil excited siyang i-stalk si Declan. Hindi naman niya na-stalk masyado kasi nga, hindi pa sila friends.

Katapat ng hagdan ang dining table, bumulaga sa kanya ang masaganang almusal. Hindi lang tapsilog, may Gardenia loaf rin at nakahanda ang mga palaman na padala ng magulang niya, kape, creamer.

"Mamaya, dadaan ako sa school. Kumain ka na." Drowing na drowing na agad ang kilay ng tita niya--the thing make-up authorities tell you not to do. Hindi alam ng tiyahin niya kung ano ang 'blending'. Pati ang buhok nito, hindi niya maipaliwanag kung bakit kailangang ipusod ng napakahigpit. A very high bun. With a yellow bow. ( Minsan, hindi laso ang nakalagay, butterfly ) Katerno ng laso ang hikaw nitong plastic.

"De padala mo na sa 'kin ngayon, ako na lang magbabayad." Aniya.

"Mawala pa sa 'yo. Ako na lang. Kain na, tanghali na." Maiksing shorts na maong, loose haltered top at elevated na flipflops ang kumumpleto sa get-up ni Tita Meng.

"Patimpla na lang ng Milo." Hindi na siya makikipagtalo. Obvious naman na wala pang hawak na pera ang tyahin niya. Bahala ito kung paano magdedelihensya ng pambayad sa tuition niya, "Basta bayaran mo na, ha. Kinausap na 'ko ni Miss kahapon, mas naghigpit na daw ngayon. No permit, no exam."

"Mukhang pera naman 'yang school n'yo." May ismid na comment ni Tita Meng, "Oy, dun ka sa 'taas maligo, nad'yan pa sa banyo si Rico." Saway nito nang makitang papunta siya sa banyo sa may kusina.

"Ang hina kaya ng tubig don?" Kaya nga iyong banyo sa ibaba ang lagi nilang ginagamit. "Mga shampoo ko, nand'yan." Turo niya sa banyo.

"Isusunod ko sa 'yo."

Nagdabog na siya pabalik sa itaas. Tanga ba ang magulang niya? Nagpapakahirap doon sa Milan para daw sa kanya. Hello? Sino ang kakain nung tapsilog? Iyong malaking jar ng Nutella, malamang iuwi na naman ni Rico kasama ng mga toothpaste, shampoo, lotion.

Sino ang nagpapakaligaya sa bahay na hinuhulugan ng mga mommy niya sa PAG-IBIG? Si Tita Meng at kung sino man ang boyfriend niyon. Dahil siya, hindi siya masaya sa bahay nila. Nasa kwarto lang naman siya pag nasa bahay. Mas masaya siya sa school. Kung pwede lang, huwag nang umuwi. Pero siempre, hindi iyon alam ng mga kaklase niya, maski ni Arvy. She was expected to HATE school like the rest and she was great at pretending.

Merceline Cinco's High School Survival Guide By: Rose Tan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon