XL

68 1 0
                                    


Deceive

Avie's P.O.V

Habang nagpapalit ako ng bed cover n mag ring ang phone ko ulit, I thought it was Jin nangungulit pero nagtaka ako ng makita ko ang pangalan ni Gwen
"Hello, Gwen" I said
"Avrylle could youvplease explain to me kung bakit nasa cottage mo kanina si Jin? Huwag mong sabihin na kayo na ulit" she said
"Yes kami na ulit, sorry si Jin na lang ang magsasabi sa inyo mamaya" I just said
"Really? I'm so happy for you, Avie. Jin and you deserve to be happy" she said
"Hindi ka galit?" I ask
"No, why should I, bestfriend kita happy ako kapag masaya ka" she said
"Kahit kasal pa rin until now si Jin kay Sav?" I said
"Technically kasal pa sila sa papel, pero ikaw ang mahal ni Jin, at alam kong mahal mo rin siya, noon ikaw ang bumitaw ngayon ikaw na ang dapat lumaban para sa inyo ni Jin" she said
"Salamat Gwen ha, lalaban ako para kay Jin at sa pagmamahal ko sa kanya" i said
"Tama yan, saka alam ko na ang lahat tungkol kay Savie, nag usap na kami ni Ate Maddie noon pa, noong bumalik si Savannah, two years ago, ginawa ni Jin ang lahat para maibalik ang love niya kay Savie pero wala, dahil ikaw ang nakikita ni Jin kahit si Savie ang kasama niya, hanggang mag give up si Jin at pinahanap ka" kwento ni Gwen.
Lalo ko tuloy na miss si Jin.
"Si Jessie ang inaalala ko Gwen, ayokong kamuhian ako ng bata dahil inagaw ko ang dad niya" I said
"Wala kang inagaw, ikaw pa nga ang nagparaya eh" Gwen said
"Kahit na ako pa rin ang third wheel sa pamilya nila" sabi ko feeling guilty.
"Huwag kang ma guilty dyan, matagal ka ng nagtiis para maibalik si Jin kay Savannah pero ikaw ang binabalikan niya, saka hindi naman si Jin ang ama ni Jessie" Gwen said
Nagulat ako sa sinabi nito.
"Tama ang narinig mo, savi kasi ni Tita at ate Maddie, buntis na raw si Savannah ng magpakita sa kanila" dugtong pa ni Gwen.
" pero hawig si Jin kay Jessie" I said
"Yan din nga ang akala ko, pero noong tinititigan ko na ang bata hindi sila magkamukha, hanggan sa makilala ko ang kuya ni Jin" Gwen
"Si kuya Drake?" Ako
"Yes, at agree si Rex at Ate Maddie sa akin, mas kamukha ni Drake si Jessie" sabi pa ni Gwen.
Mas lalong gumulo ang utak ko.
Ibig sabihin jindi si Jin ang totoong daddy ni Jessie kundi si Drake ang kuya ni Jessie na noon pa man umiibig na kay Savannah.
"Hey, are you there?" Gwen asked.
Dahil sa mga natuklasan ko hindi na ako nakapagsalita.
" I'm sorry, I'm still here" I said
"Nakakabigla naman kasi ang revelations mo" sabi ko.
"Kahit ako nabigla, kasi kung titingnan mo si Savie hindi mo iisiping ganoon siya, pero diba sabi nga looks can be deceiving" sabi pa ni Gwen.
Mas nagkaroon ako ang simpatiya kay kuya Drake, gustong gusto na siguro noon na makilala siya ni Jessie bilang ama niya.
"Hoy naka mute ka na naman dyan" Gwen said.
"Sorry napaisip lang ako. Sobra niya sigurong mahal si Jin kaya niya nagawa ito" sabi ko.
"Selfish siya kamo, kasi pinagkait niya sa mag ama ang pafkakataong magkakilala bilang mag ama, kawawa nga ang kuya ni Drake, baka nga hindi nun alam na siya ang tatay ng batang akala niya pamanfjin niya. Gwen
"Tama ka, ay Sorry nga pala ha" she said
"Sorry saan?" i asked
"Kasi sinabi ko kay Ate Maddie na mahal mo pa rin si Jin, na hindi ka nagpaligaw kahit kay Chris kasi hindi mo kayang magmahal maliban kay Jin" she said
"Alam mo ang daldal mo talaga, sige na nagliligpit pa ako ng kwarto ko" i said
"Bakit di ka magpatawag ng room service" she said
"Hindi na, kaya ko naman" i said
"Okay see you later na lang" she said
"Yeah" sabi ko bago ini off ang phone ko.
Kakatapos ko lang magligpit ng may kumatok, si Jin lang naman ang inaasahan kong bisita kaya mabilis akong pumunta sa pinto ng cottage para buksan iyon.
"Bakit ka pa ku..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang taong kumakatok sa pinto ko.
Si Savannah, seryoso siya at mukhang takot na takot.
"Avie si Jin" she said.
Bigla namang kumabog ang dibdib ko pagkarinig ko sa pangalan ni Jin.
"Anong nangyari sa kanya" kinakabahang tanong .
" he was on the midst of giving you a big suprise ng may aksidenteng nangyari" she said.
"Nasaan si Jin?" I ask her
"Kumalma ka lang sasamahan kita sa kanya" she said
"Halika na" I said.
Tumango lang siya at nauna ng maglakad tungo sa isang bahagi ng resort na parang gubat kung saan nandoon ang out door activity ng resort gaya ng zip line.

Walang imik na sinundan ko ang bawat hakbang niya hanggang sa makarating kami sa pinakagitna ng gubat na yun.
"Nasaan si Jin" tanong ko ng makitang wala ni anino ni Jin doon.
"Tumingin ka sa likod mo" she said.
Sinunod ko siya paglingon ko nakakita ako ng malalim na hukay, then the next thing i knew nasa ilalim na ako ng hukay na yun,nakahiga. Sa bilis ng pangyayari hindi ko alam kung bakit ako napunta doon.
"Savannah" i tried to call her
Walang sumasagot.
Sinubukan kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Kinabahan ako.
"Savannah, tulungan mo ako" sigaw ko.
Nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko. Sinubukan kung igalaw ang mga kamay ko, nagpasalamat ako kasi naigagalaw ko iyon, hinawakan ko ang ulo ko kung saan kumikirot.
May basa sa ulo ko tiningnan ko ang kamay ko na nakahawak sa ulo ko, laking gulat ko ng makitang puno ng dugo ang mga kamay ko.
"Savannah please tulungan mo ako" sigaw ko habang unti unti ko ng nararamdaman ang pag ikot ng buong paligid.
Naalala ko si Jin.
"Jin please help me" umiiyak na sabi ko.
Then all was black.



IN LOVE WITH A VAMPIRE ( JADINE FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon