-- YEAR 1980 --
Sa madilim na lugar sa kagubatan sa Korea ay nahanap narin ng mga Intsik na lobo hunters ang kinaroroonan ng mga lobo kung saan ito nakatira. Sa gubat na iyon ay natagpuan nila ang tinatawag ng mga lobo ang "Tree of Life" kung saan doon mismo ang kanilang tahanan. Marami ang mga lobo hunters at agad na pinag babaril nito ang mga nakikita nilang lobo at isa na doon sa nabaril nila ay ang anak ng lobong hari, si Li Kong-sang.
Kitang kita ni Wufan ang pag baril sa kanyang ama na si Li Kong-sang at nandilim ang paningin nito sa galit. Lalapitan na sana ni Wufan para patayin ang babaeng may suot na black pearl pendant necklace na bumaril sa kanyang ama pero bigla siyang inawat at hinila ni Luhan.
"Wufan! Umalis na tayo! Hindi na natin sila kaya! Madami sila at mas matapang sila ngayon baka mapatay at maubos tayo!", sabi ni Luhan ng nakita nila sa malayuan na may nakatutok na baril sa kanilang dalawa. Tumakbo paalis ang dalawa habang hinahabol sila ng mga putok at bala ng baril. Sa sobrang laki ng gubat ay hindi na nahanap ng mga lobo hunters ang dalawang lobo na nakawala na sina Wufan at Luhan. Sa isang malayong kuweba ay nagtatago ang mga taong lobo na si Wufan at Luhan. Sa mga namumulang mata ni Wufan ay makikita sa kanyang mga mata ang galit na ginawa ng mga tao sa lahi nila at lalo na sa kanyang ama.
"Gaganti ako, gaganti ako! Matitikman ng taong pumatay sa ama ko ang bagsik ng galit ko, ang ganti at ang kamatayan sa buong pamilya niya. Gaganti ako! Gaganti ako!", galit na sabi ni Wufan.
-- YEAR 2013 PRESENT --
Sa isang high school na eskwelahan, sa bakuran ng school ay may binubully na naman ang mga tropa ni Maru.
"Ano? Magbibigay ka ng pera o sasabihin ko sa buong school na bakla ka? Ano?", siga na sabi ni Maru habang tumatawa si Sehun at ang mga kasama ni Maru. Agad na binigay ni Baekhyun ang pera nito kay Maru at agad narin tumakbo si Baekhyun. Habang nagtatawanan ang mga kasama ni Maru habang binibilang ang pera na nakuha nila, sa hindi medyo kalayuan sa kanila ay may nakita silang dalawang lalaki na nag uusap.
"Maru, mga bagong students ba yun dito?", tanong ng kasama ni Maru.
"Ang tanong may pera ba sila?", sabi ni Maru at napatawa nalang ang mga kasama nito. Pagkatapos ay agad na bumalik sila Maru sa klase nila. Hindi alam nila Maru na ang dalawang lalaki na nag uusap kanina ay ang mga taong lobo na sina Wufan at Luhan. 33 taon na nakakalipas pero dahil sila ay isang lobo hindi nagbabago ang kanilang itsura na muka paring mga teenagers.
"Dito, dito sa eskwelahan na to may nakapagsabi sakin na maraming intsik ang mga nag aaral dito. Baka dito mahanap natin ang pamilya ng pumatay sa ama natin", sabi ni Wufan habang tinitignan nito ang eskwelahan. Inenroll ni Wufan ang kapatid nito na si Luhan sa eskwelahan kung saan marami ang intsik na nag aaral doon at nagbabaka sakali sila na may makikilala silang pamilya ng pumatay sa kanilang ama.
Kahit ayaw ni Luhan pumasok sa eskwelahan ay wala siyang magawa kung hindi ang sundin ang utos ng nakakatanda nitong kapatid na si Wufan. Sa klase nila Maru, maingay at madami ang nagbabatuhan ng mga papel. Maya maya ay biglang pumasok sa classroom si Chen at nagmamadali ito.
"Tumahimik na kayo! Nandyan na si Sir! Nandyan na si Sir!", sabi ni Chen at agad na nagbalikan sa mga kanya kanyang upuan ang mga estudyante. Pumasok na ang guro nila na parang may kasamang bagong estudyante.
"Magandang umaga po", bati ng mga estudyante. Nag bubulungan ang ibang klase sa isa't isa dahil may kasama ang guro nila na bagong estudyante. Binati din ng guro ang klase at agad na pinakilala ng guro ang bagong estudyante sa klase nila.
BINABASA MO ANG
Lobo
WerewolfThis story was made by imaginations only. Please don't plagiarize this story and don't translate it to other languages.