"Maru, hayaan mo kong magpaliwanag", lalapitan sana ni Luhan si Maru pero lumalayo si Maru dahil sa itsura ni Luhan na kulay pula ang mata, may mga matutulis itong ngipin at pangil, may mga puting balahibo at matutulis na kuko.
"Wag mo kong lalapitan", naluluha na sabi ni Maru.
"Hindi mo dapat inaaksayahan ng panahon ang babaeng to, Luhan. Nakikita mo ba ang kwintas na suot niya? Eto ang suot na kwintas ng babaeng pumatay kay ama at sa mga lobo na kalahi natin! Kiniwento niya sakin kanina na isang hunter ang nanay niya, ang nanay niya ang pumatay kay ama at sa mga lobo na kalahi natin! Ngayon, Luhan kaya mo parin ba mahalin ang isang tao galing sa pamilya ng mga pumatay sa lahi natin? Makakaya mo ba?! Luhan, tayong dalawa nalang ang lobong natitira sa mundo. Oras na para tayo naman ang maghiganti sa mga taong pumatay sa mga kalahi natin at kay ama! Luhan, kahit ampon ka ni ama kahit hindi tayo magkadugo mahal kita bilang kapatid ko. Mag isip ka, Luhan kapag pinatay mo si Maru at lahat ng mga tao na nandito sa harap natin, napag ganti narin natin si ama at ang mga lahi natin at kapag nangyari yun mas matatahimik at mas mamumuhay sila ng mas mapayapa kung saan man sila naroroon ngayon. Makakamit narin natin ang hustisya na ilang taon nating hinanap! Mag isip ka, Luhan ang lahi nating mga lobo o si Maru at ang mga kaibigan mo?", seryosong sabi ni Wufan at sobrang naguguluhan narin si Luhan.
"Patayin mo si Maru, Luhan", sabi ni Wufan.
"Hindi, Wufan. Ang may kasalanan kay ama, sayo, sakin at sa mga lahi natin ay ang nanay ni Maru, hindi si Maru at ang mga tao na nandito. Wufan, pakawalan mo sila at handa akong sumama sayo para hanapin mismo ang mga taong may kasalanan sa pagkamatay ng ama mo at sa mga lahi natin. Wag natin idamay si Maru at ang mga kaklase at kaibigan ko na walang kasalanan at sigurado akong iba si Maru sa nanay niya, Wufan. Kung hustisya ang hanap mo at hanap ko, hindi paghihiganti ang tamang sagot sa hustisya na hinahanap natin. Wufan, dapat din tayo matuto magpatawad", sabi ni Luhan habang sinamaan lang siya ng tingin ni Wufan. Biglang inatake ng taong lobo na si Wufan si Luhan pero mabilis si Luhan at natulak niya si Wufan ng malayo. Nahilo ng konti si Wufan kaya naisip na ni Luhan na habang medyo nahihilo pa si Wufan ang at habang may oras pa ay pinaalis na niya sina Maru at ang mga kaibigan at kaklase nito.
"Umalis na kayo! Umalis na kayo bago pa kayo maabutan ni Wufan!", sabi ni Luhan kay Maru at sa mga kaibigan niya. Si Maru naman ay parang hindi kayang iwan si Luhan kaya hinila nalang siya ni Sehun para umalis. Tumakbo silang lahat para umalis palabas ng lumang factory. Takbo ng takbo sila hanggang sa wala na silang mahanap na pwedeng pagtaguan kaya bumalik sila sa loob ng kanilang school para magtago. Dahil gabi na ay wala ng tao sa school nila at hindi rin napansin ng mga tao na malapit nakatira doon na mayroon palang nangyayaring gulo sa labas.
"Umalis ka na dito, Tao!", sabi ni Luhan sa kapatid na si Tao na matapang na gustong harapin si Wufan. Hindi nakikinig si Tao at matapang niyang nilapitan si Wufan.
"Tao, umalis ka na! Hindi mo kaya ang lakas ni Wufan!", sabi ni Luhan ng biglang inatake ni Tao si Wufan gamit ang alam nito sa martial arts pero dahil isang lobo si Wufan ay mas malakas parin siya kay Tao.
"Luhan, umalis ka na!", sabi ni Tao habang nakikipaglaban siya kay Wufan.
"Hindi ako aalis, Tao", medyo naluluha na sabi ni Luhan.
"Luhan, umalis ka na! Iligtas mo sarili mo at si Maru! Umalis ka na!", sabi ni Tao. Umalis si Luhan ng hinagis ng taong lobong na si Wufan si Tao sa malayo. Sugatan na si Tao hanggang sa nawalan na ito ng malay. Sa classroom ay doon saglit nagtago sina Maru, Sehun, Kai, D.O, Lay, Chen, Xiumin, Suho, Baekhyun at Chanyeol sa takot ng iba na baka saktan sila ng mga lobo na sina Luhan at Wufan. Si Maru naman ay sobrang hindi mapakali ng lumapit si Maru sa may pintuan.
BINABASA MO ANG
Lobo
WerewolfThis story was made by imaginations only. Please don't plagiarize this story and don't translate it to other languages.