Episode 5

1.1K 20 1
                                    

Sobrang nalito si Tao sa sinabi ni Luhan kaya umalis ito. Narealized ni Luhan na si Tao pala ang nawawala niyang kapatid na matagal na niyang hindi nakikita. Pag uwi ni Tao, agad na pinuntahan ni Tao ang isang cabinet at kinuha niya ang naka picture frame na picture ni Master Ziang at sa tabi ng picture frame na iyon ay ang isang mababasagin na jar na naglalaman ng ashes ni Master Ziang.

"Master, ama sino si Luhan? Sino si Lu Hai? Bakit hindi ko maalala na may kapatid ako? Ama, bakit hindi niyo sinabi sakin to?", medyo naluluha na sabi ni Tao. Ilang araw ang lumipas napansin ni Luhan na hindi na pumapasok si Tao sa school. Sa classroom ay nakaupo lang si Luhan at tahimik ito ng naririnig niyang nag uusap sa likod niya sina Chen at Xiumin.

"Absent nanaman si Tao. Ilang araw ng hindi pumapasok yun", sabi ni Chen.

"Alam mo yun kapag aabsent ng matagal yun ibig sabihin may problema yun", sabi ni Xiumin. Lumingon si Luhan sa likod niya para kausapin sina Chen at Xiumin.

"Kaibigan niyo ba si Tao?", sabi ni Luhan.

"Oo bakit?, sabi ni Chen. Yung oras na iyon, nagkaroon ng chance si Luhan para makilala si Tao sa tulong nila Chen at Xiumin.

"Alam niyo ba kung saan siya nakatira?", sabi ni Luhan. Maya maya ay hinanap ni Luhan kung saan nakatira si Tao sa address na binigay sa kanya nila Chen at Xiumin. Ng nahanap na ni Luhan ang bahay ni Tao ay nakita niya sa bakuran ng bahay ni Tao na nag prapractice ito ng wushu gamit ang isang mahabang stick (Sa mga hindi nakakaalam ng wushu isa siyang kind of martial arts) at nilapitan ni Luhan si Tao para kausapin.

"Anong ginagawa mo dito?", seryosong tanong ni Tao.

"Ilang araw ka ng hindi pumapasok sa klase at ang dami narin naghahanap sayo", sabi ni Luhan.

"Yun lang ba ang pinunta mo dito? Papasok at babalik lang ako sa klase kapag wala ka na. Ikaw? Buti nakakayanan mong pumasok araw araw sa klase sa pagsisinungaling na ginagawa mo sa mga kaklase natin", sabi ni Tao.

"Hindi mo maiintindihan kung bakit ko to ginagawa. Ginagawa ko to dahil--", naputol ang sinabi ni Luhan ng nagsalita si Tao.

"Ano? Na kakaibiganin mo sila sa una? Magbabait baitan ka? Tapos ano gagawin mo sa huli? Ipapakain mo sila sa mga angkan mong lobo? Yun balak mo diba?", sabi ni Tao.

"Nagkakamali ka sa mga sinasabi mo, Tao. Ni sang beses sa isip ko hindi ko naisip ang mga sinasabi mo sakin. Mahal ko mga kaklase ko dahil lahat sila mga kaibigan ko", sabi ni Luhan.

"Mahal? Mahal?! Alam mo ba ang ibig sabihin ng mahal?! Kapag mahal mo ang isang tao hindi ka dapat nag sisinungaling sa kanila! Nakalimutan ko nga pala hindi ka pala tao, lobo ka! Taong lobo ka, isang halimaw!", sabi ni Tao.

"Magkapatid tayo, Tao. Hindi dapat tayo nag aaway", sabi ni Luhan.

"Yun na nga yun! Nalito ako sa sarili ko! Bakit hindi ko kilala ang sarili ko? Bakit hindi ko maalala na may kapatid pala ako. Wala akong maalala", umiiyak na sabi ni Tao. Yung araw na iyon, nag usap ang dalawa para ayusin kung ano ba talaga ang nangyari kung paano sila nagkahiwalay. Pumunta si Luhan sa bahay ni Tao at napansin ni Luhan na maraming cabinet doon na puro bote at lumang luma narin ang bahay. Sinabi ni Tao na ang mga bote sa mga cabinet na iyon ay mga gamot na ginagawa ni Master Ziang ng pinakita ni Tao ang litrato ni Master Ziang at pinakilala niya ito kay Luhan.

LoboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon