Ilang araw ang lumipas hindi na nakakapag usap sina Maru at Luhan. Sa football field, naka upo lang si Maru para suportahan si Kai sa practice nito sa football para sa nalalapit na championship game nila laban sa kabilang school na kaaway ng school nila. Magkasama sa isang team sina Kai, Luhan, Lay, Sehun, D.O, Tao, Chanyeol, Chen, Xiumin, Suho at ang iba nitong mga kaklase.
Maya maya ay binigyan saglit ng break time ang mga naglalaro ng football at nilapitan ni Maru si Kai para bigyan ito ng tubig. Bumalik din agad sa football field sina Kai, Sehun at ang iba nitong kalaro ng nilapitan ni Maru si Luhan para bigyan din ng tubig.
"Hindi okay lang ako", sabi ni Luhan. Nalungkot si Maru dahil nga kaibigan niya si Luhan ay hindi na siya nito kinakausap. Nakatayo si Maru sa gilid ng football field ng bigla itong natamaan ng bola sa may mata nito. Nasaktan si Maru habang hawak hawak niya ang kanyang kaliwang mata na natamaan ng bola. Nilapitan agad ni Luhan si Maru para tanungin kung okay lang si Maru. Hindi alam ni Luhan pero parang agad nalang siya dinala ng mga paa niya para puntahan si Maru at agad din siyang nag alala kay Maru. Maya maya ay naglalakad sa labas ng school sina Maru at Kai.
"Pwede bang itigil mo na yang kakasigarilyo mo?", sabi ni Maru.
"Bakit ba hanggang ngayon hindi ka parin tinitigilan ni Luhan?", seryosong tanong ni Kai.
"Natamaan ako ng bola ni Xiumin kanina nung naglalaro kayo ng football. Nilapitan ako ni Luhan para tanungin kung okay ako", sabi ni Maru.
"Bakit ba kasi palagi ka nilalapitan ng Luhan na yan?!", sabi ni Kai.
"Kai, kaibigan ako ni Luhan at kaibigan ko siya. Parang si Sehun na nag aalala lang sakin", sabi ni Maru.
"Iba si Sehun kay Luhan, Maru! Si Sehun kaibigan na alam ko magpakakatiwalaan ko pero si Luhan? Sa tuwing nakikita ko siya parang unti unti ka niyang nilalayo sakin! Ayokong nakikita na nag uusap pa kayo ni Luhan, Maru. Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko aabangan namin siya ni D.O at ng mga kaibigan ko mamaya sa kalye. Iba ako magalit, Maru hindi mo magugustuhan magagawa ko kay Luhan kapag di mo ko susundin", sabi ni Kai at agad na itong umalis.
Ilang araw ang lumipas, gabi na at pauwi na si Luhan galing eskwelehan. Ang kalyeng palaging dinadaanan ni Luhan dumaan si Luhan. Habang naglalakad ay nararamdaman at naamoy ni Luhan na may parang may sumusunod sa kanya. Tumigil sa paglalakad si Luhan at tumingin ito sa likod pero wala itong nakita. Maya maya ay ramdam at naamoy parin niya na may sumusunod sa kanya kaya umikot ito sa isang kanto. Agad din na umikot sa kanto na yun ang sumusunod kay Luhan pero hindi na niya nakita si Luhan. Maya maya ay nagulat nalang ito ng biglang sumulpot si Luhan sa likod niya.
"Bakit mo ko sinusundan?", seryosong tanong ni Luhan.
"Ang bilis mo talaga. Nasa paningin lang kita kanina, segundo lang nawala ka na agad. Ano ka ba talaga?", sabi ni Tao.
"Ano ba gusto mo?", sabi ni Luhan.
"Gusto ko makilala ka. Yung totoong ikaw. Kung saan ka galing, taga saan ka, saan ka nakatira at yung totoong ikaw. Normal lang naman yun sa mga taong bago mo lang nakikilala diba? Yun ang gusto ko, ang makilala ka dahil iba pakiramdam ko sayo na hindi ko maintindihan. Sige gabi na pala at bilog ang buwan baka may mga umaaligid ligid dyan sa tabi tabi. Iba na panahon ngayon", sabi ni Tao at umalis na ito. Napasimangot nalang si Luhan dahil hindi niya alam kung ano talaga ang meron kay Tao.
"Awoooooooooooo!", sabi ni Luhan na nag anyong puting lobo sa isang gubat sa ilalim ng bilog na buwan. Nung gabi na iyon sa gubat ay madaming naiisip na problema si Luhan at hindi na niya alam kung ano ang tamang gagawin. Tuwing nagiging lobo si Luhan, isang maputi at mabalahibong lobo si Luhan, mapula ang mga mata nito at may matutulis na pangil ito sa kanyang ngipin.
BINABASA MO ANG
Lobo
WerewolfThis story was made by imaginations only. Please don't plagiarize this story and don't translate it to other languages.