"Wufan, ako nga pala si Sehun at saka may isa pa kaming kaklase na magiging kaklase mo din ayun si Luhan", sabi ni Sehun kay Wufan ng nilapitan ni Wufan si Luhan.
"Hi, I'm Wufan. Nice to meet you and it's nice to see you again", naka ngiti na sabi ni Wufan kay Luhan pero seryoso lang siyang tinignan ni Luhan.
"Parang ayaw ata sakin ng kaibigan mo", biro pa na sabi ni Wufan kay Sehun. Maya maya ay dumating narin ang mga ibang late na estudyante sa klase ng biglang nabangga ni Kai si Wufan pero agad lang na umalis si Kai.
"Hindi ka ba mag sosorry sa pagkaka bangga mo sakin?", seryosong sabi ni Wufan.
"Kasalanan mo harang ka sa daan", sabi ni Kai kay Wufan. Hindi nagustuhan ni Wufan ang ginawa ni Kai at tinitigan lang niya ito. Hindi napansin ni Kai na naging dilaw saglit ang mata ni Wufan.
"May bago na naman tayong kaklase. Kabago bago palang akala mo kung sino na", sabi ni D.O kay Kai. Wala parin alam si Luhan kung ano nga ba ang ginagawa ni Wufan sa klase nila ng nilapitan niya si Tao.
"Luhan, ano ginagawa ni Wufan dito?", tanong ni Tao.
"Hindi ko alam, Tao pero masama ang kutob ko na hindi maganda ang mga binabalak ni Wufan sa pagpunta niya dito sa school natin", sabi ni Luhan. Break time na ng nakasalubong ni Luhan si Wufan sa hallway ng school nila.
"Anong ginagawa mo dito, Wufan? Kung ano man ang binabalak mo umalis ka na", seryosong sabi ni Luhan.
"Kung hindi mo kayang gawin ang inutos ko sayo noon ako ang gagawa. Baka sakali makahanap ako ng tao dito na may connection sa babaeng pumatay kay ama at sa lahi nating mga lobo at kapag nahanap ko sila dito baka pati mga kaklase at kaibigan mo dito damay pagkatapos ng pagtakwil mo sakin", seryosong sabi ni Wufan. Si Maru naman ay nasa library para maghanap ng libro ng nilapitan siya ni Kai.
"Maru, kausapin mo ko please at patawarin mo na ko", sabi ni Kai pero hindi parin siya pinapansin ni Maru.
"Wala na ba talaga akong pag asa ulit sayo, Maru?", malungkot na tanong ni Kai.
"Kai, alam kong mali ang nagawa ko sayo pero sinagot lang kita dahil gusto kong makalimutan si Lay. Yung oras na yun naisip ko na ikaw yung solution ko para makalimutan si Lay. Naisip ko din na alam ko matutunan din kitang mahalin balang araw pero nagkamali ako", sabi ni Maru.
"Pero ano? Hindi mo ko natutunang mahalin?", naluluha na sabi ni Kai habang hindi na nakasagot si Maru.
"Alam mo, Maru mas masakit ang ginawa mo sakin kung ikukumpara ko sa pag iwan sakin ng tatay ko sakin dati. Bakit kaya palagi nalang ako iniiwan ng mga mahal ko?", naluluha na sabi ni Kai at umalis na ito. Maya maya ay pumunta sila Kai, D.O at ang iba nilang mga kaibigan para mag laro ng billiard ng nasalubong nila sina Yongguk, Himchan at ang iba nitong mga kasama, ang mga nakalaban nila noong football championship game ilang buwan ang mga nakaraan.
"Pagkakataon nga naman at nagkasalubong tayo", sabi ni Yongguk.
"Hanggang ngayon ba hindi niyo tanggap na mga talunan kayo at kami ang nanalo?", sabi ni D.O. Babatuhan na sana ni Yongguk ng suntok sa muka si D.O pero inawat lang ito ni Himchan.
"Bukas sa may lumang factory, magkita kita tayo. Tignan natin kung sino mananalo sa laban. Suntukan? Sapakan? Kaya niyo kaya yun? Magkapatayan na pero tignan natin sino mananalo", sabi ni Himchan kay Kai at umalis na sina Yongguk at ang mga kasama nito. Hindi magpapatalo sina Kai, D.O at ang mga kasama nito sa laban nila Himchan kaya agad nila itong sinabi sa mga iba nilang mga kaklase lalo na sa mga miyembro ng football team na sina Lay, Suho, Chanyeol, Chen, Xiumin at Tao pero nakalimutan nilang sabihan sina Luhan at Sehun tungkol sa laban na mangyayari bukas sa lumang factory. Nasa school garden naman sina Luhan at Sehun kausap si Maru.
BINABASA MO ANG
Lobo
WerewolfThis story was made by imaginations only. Please don't plagiarize this story and don't translate it to other languages.