Chapter 4

39 2 0
                                    

Kahit hindi ako lamunin ng lupa ay magkukusa na akong maghukay para ilibing ang sarili ko.

Shit naman kasi!

Sa lahat ng babaeng mamake up-an ko, sa kanya pa ako napunta. At kailan pa naging pangmodel ang babasaging 'to?

Ano ba yan! Namamana ako sa panlalait ng mga beking make up artist dito.

"Wag ka sabing malikot." inis na inis kong sabi sa kanya. Pano ba naman? Sobrang likot niyang ayusan. Tapos ko na siyang lagyan ng foundation and cream. Hindi ako masyadong nahirapan sa pagpili ng tamang color na babagay sa kanya dahil maputi naman siya pero dahil malikot ang babaeng 'to, inuna ko ng lagyan siya ng light pink blush on at konting contour sa mukha. No nose line kasi kasing tangos niya ng ilong si Liza Soberano. Nakakabakla ba 'tong ginagawa ko?

Well, for me, it's not. It's passion and I'm proud of it. Alam na 'to ng buong school kaya nga grabe kung mambully sa akin ang buong basketball varsity players at ang mga cheerleaders na pinamumunuan ng walang utak at puro yabang na si Gian Rafael de Asis. At pag nga naman minamalas! Tinadhana kaming maging magpinsan. Gigil na gigil kong idinukdok ang brush na hawak ko sa may mesa dahil sa bwisit na yun. Napatigil lang ako nung may nagsalita sa tabi ko.

"A-Ahm... Sorry."

Ayan na naman siya! Kanina pa siyang sorry ng sorry.

Eh kasi lagi mong pinapagalitan.

Hoy! Konsensya! Pwedeng manahimik ka?

Nababaliw na ata ako. Tss.

"Ok. Wag kang malikot." mahinahon kong sabi sa kanya. Baka umiyak pa ito at masira ang make up na ginagawa ko.

This time, tumingin na siya sa akin ng diretso at seryoso.

Bigla naman akong nailang at nakaramdam ng takot. Bigla rin kasing nagbago ang aura niya. From being fragile, she became spine-chilling.

Napailing ako. Guni guni lang siguro yung nakita kong paniningkit ng mga mata niya kasi biglang mukha siyang naguguluhan kaya medyo napakunot ang noo niya.

"Lalo kang pumapangit. Wag mong lagyan ng guhit yang noo mo."

Nahiya na naman ata siya kaya napatungo. Hayyy... Sa lahat ng minake up-an ko, sa kanya ako nawawalan ng pasensya.

Tsk. Lumapit ako sa kanya ng mas malapit at dahang dahang hinawakan ang baba niya para mapatunghay siya. Tinitigan ko siya sa mga mata ng ilang segundo saka siya mahinahong pinakiusapan.

"Wag ka ng malungkot dyan, let's finish this, ok? Sunod ka na sa sasalang doon at ayokong napapahiya lahat ng inaayusan ko."

Tumango lang siya at di na naglikot. Para siyang batang inaayusan para sa prosisyon tuwing flores de mayo. Di nga siya gumagalaw. Pati ata paghinga, pinipigil niya. Dahil sa nakakapagconcentrate na ako ng maayos sa kanya, narealize kong tama ang descriptions ng kapatid ko sa kanya. Kahit di ako bolero katulad niya, masasabi kong maganda ang babaeng nasa harap ko. She possesses brown chinky eyes that seems she's smiling even she's not.

Natapos ko ng ayusin ang mga mata niya. Ginawa ko itong tiger look para kahit normal lang ang magiging tingin niya sa camera ay magmumukha pa rin itong sopistikada.

Sadya kong ipinanghuli ang labi niya kasi dito ako pinakanahihirapan. Sa dahilang hindi ko rin alam. Siguro dahil nakakailang? Hayyy... Trabaho ko ito eh kaya kailangang panindigan.

Kinapa kapa ko yung lipstick sa loob ng make up kit ko.

Pero sheettt! Di ko mahanap!

"Ahm... May dala ako ritong lipstick pero kailangan nito ng brush."

Kukunin ko ba? Bawal naman akong manghiram ng lipstick sa mga katrabaho ko kasi nasa rules yun.

Hindi niya ako pinipilit pero halata sa mga mata niya na gustong gusto niya akong pahiramin.

Kaya kinuha ko na.

Kaso wala rin akong brush. Ang malas ko naman oh!

No choice. Kailangan kong idutdot ang hinliliit kong daliri at gawing stick ng lips niya. Di kasi ako marunong maglagay kapag stick yung gamit. Laging lampas.

Nang ilapat ko na daliri ko sa manipis niyang labi, napatigil ako.

Ang lambot.

Shit naman Ced! Kailan pa nagkaroon ang mga labi ng buto. Syempre malambot yan.

Mukhang naguguluhan na naman siya kaya minadali ko ng tapusin ang ginagawa ko sa labi niya. Para akong inahon mula sa pagkakalunod nang matapos na ang lahat.

"You're the next, Miss Rex."

Huminga siya ng malalim at kahit nakamake up siya, halata pa rin ang kaba sa mga mata niya.

Tumingin muna siya sa salamin at mukhang nagulat kung gaano siya kaganda. Hindi naman talaga siya pangit, sabi ko nga kanina. Actually, siya yung pinaka may itsura sa lahat ng model dito.

"Camera lang yun. Hindi nangangagat."

Tumingin siya sa akin mula sa salamin. Ngumiti siya ng alanganin tapos tuluyan ng lumabas sa dressing room.

------------------

Di ako nanood ng photoshoot ng mga models. Nag stay lang ako sa loob ng dressing room at hinintay ang pagtawag sa akin ng manager ko. Pinangakuan ko siya na mag uusap kami pagkatapos ng shoot.

Kinse minutos bago mag alas onse ng gabi ay tumawag sa akin yung manager ko. Dali dali naman akong lumabas ng room para napuntahan siya pero napatigil ako sa paglalakad.

Sila nung Rex nagtatawanan. Magkakilala ba sila?

"Ehem..."

"Oh! Anak andito ka na pala. Siguro naman nakilala mo na si Rex?"

Tumango lang ako habang malayo ang tingin sa taong sinasabi niya.

"Suplado talaga ng batang 'to!" marahan akong hinampas ni Madame.

In my peripheral vision, Rex smiled.

"Iho, wag mo na akong intindihin tungkol sa kanina. Nagkaproblema lang kami ng walang puso kong ex na hanggang ngayon mahal ko pa. Bwisit talaga yun! Inanak pa ng nanay niya!"

"Hahahahaha!"

Pareho kaming napalingon ni Madame sa babaeng tumatawa.

"Sorry po. N-Nakakatawa po talaga eh."

"Hahahahahaha" dun palang tumawa si Madame. Teka, ano bang meron? Nababaliw na ba ang mahinang babaeng 'to kaya natutong tumawa ng ganitong kalakas?

"Nakakatuwa ka talagang bata ka, alam mo, Ced, Rex is my niece at ako ang nagpasok sa kanya rito. Dahil ikaw ang favorite ko sa lahat ng mga artist ko, sayo ko siya ipinagkatiwala."

Nanlaki naman ang mata ko. Halos 2 years ko nang kasa kasama si Madame pero ngayon ko lang nalamang may pamangkin siya.

Maliit talaga ang mundo.

"Buwelo, Ced, ipagkakatiwala ko ulit sayo itong maganda kong pamangkin."

"Po?" nalilito kong tanong kay manager. Mamake-up-an ko ulit siya? Oh! No!

"Please, safely bring her to her condo."

Love Behind The Death MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon