Chapter 6

13 2 0
                                    

Sinadya kong agahan ang pasok ko ngayon dahil yung mabait kong kapatid bukod kay Sheena ay tinext ako ng tinext na agahan ko raw para walang makahalata.

So ako namang si mabait (naks!) ay sumunod sa feeling panganay kong kapatid.

Of course, mas matanda ako sa gunggong na yun ng 18 minutes. Sabi nga ng nanay ko, hirap daw siyang ilabas si Clein kasi ang likot. Namasyal pa raw siguro sa sinapupunan niya bago lumabas.

Siguro nga, totoo yun dahil si Clein yung tipo ng tao na hindi pwedeng mananatili lang sa isang lugar.

Pinaglihi ata siya sa sili kaya yung pwet niya para laging sinisilihan!

And speaking of Clein...

"Kuya... Palit na tayo ng pwesto ha?" pabulong niyang sabi sa akin.

Tinanguan ko na lang siya at pumunta na sa mismong upuan niya. Ayoko mang gawin 'to pero kailangan kasi...

"Pwede bang palit muna tayo ng upuan bukas?"

Napatigil ako sa pag inom ng kape. Gusto ata ng batang 'to na mabugahan ulit.

"Yun lang ba? Sige. Pagpalitin mo yung upuan natin bukas. Basta ba, wala ng nakasulat dun na mga landian niyo ng mga katabi mo." sabi ko sa kanya habang ngiting ngiti.

Alam ko naman kung anong tinutukoy niya pero gusto ko muna siyang paglaruan.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh! Doon ako sa upuan mo..."

Hinigit niya yung upuan niya at inilipat sa tabi ko sabay upo.

"... at uupo katabi ang aking mahal na prinsesa." kasabay ng pagkakasabi niya nun ay ipinulupot niya ang dalawa niyang braso sa isa kong braso at nagbeautiful eyes pa.

Kilabutan! Agad ko namang inalis yun.

"Kahit anong gawin mo, my answer is still a big no!" sigaw ko sa kanya.

Para naman siyang batang nagpout at nakatungong bumalik sa upuan niya.

After few seconds, nagsalita ulit siya habang ako prenteng nakaupo at umiinom ng di maubos ubos na kape.

"Promise ko, Kuya, magbebehave ako habang katabi ko siya. Tawagin mo na akong malandi, haliparot, kaladkarin, at lalaking umaapaw sa kapogian at kamachohan pero mababa ang lipad. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito." this time, tumunghay na siya habang turo turo ng isa niyang daliri yung tapat ng puso niya. Napangiwi na ako. Iba na ang amats ng isang 'to.

Kinuha ko yung iniinom niyang kape para icheck kung may alcohol content ba 'to o drugs. Ininom ko pa nga para makasigurado pero sigurado akong wala. Shit! Nakahithit ata ang kapatid ko.

Sa ngayon, gusto ko ng umuwi at iwan ang kakambal ko.

Pano ba naman kasi! Yung uto uto kong kapatid ay tumayo, pumunta sa counter, hiniram ang mic ng nasa front desk at nagtalumpati.

"Mga minamahal kong co-costumers ng coffee shop na ito..." ayan na.

Gusto ko sanang pigilan pero bago pa ako makapagsalita ay may mga babae at mga beki ng sumagot sa kanya ng, "Yes? Papa Clein?"

Yuck lang! As usual, wala namang di nakakakilala sa kanya sa lugar na 'to. Ginagamit lang naman niya ang kinopya niya sa aking magandang mukha sa pangchichicks!

"Sorry girls and mga feeling girl kasi itong pogi (sabay kindat) at macho (sabay taas ng damit at pakita ng abs with matching kagat labi) ay nagmamahal na."

Yung ibang audience, (audience talaga?) ay natuwa lalo na yung mga taga school naming lalaki, pero yung mga babae at alam niyo na ay parang mga nasa sabungan na nagwawala at mga mukhang na-columbia zone.

Kailangan ko na talagang pigilan ang kapatid ko sa mga style niyang 'to. Baka mamaya makabuntis na siya o magka-AIDS sa dami niyang babae. Pero napailing iling na lang ako. Alam ko naman kasing di siya seryoso dun sa exchange student na yun.

Gusto niya lang na may bagong paglilibangan. Yung kalandian kasi niyang taglay ay nagmana sa sinilihan niyang pwet. Hindi manatili at makuntento sa iisang babae.

May lumapit naman sa kanyang  babaeng nerd na medyo maliit pero maamo at maganda ang mukha. Sino naman kaya 'to?

"Anong kailangan mo, Bea?" walang ganang tanong ng kapatid ko dun sa babae.

Tiningnan ko yung facial expression nung babae. Katulad ng iba, galit siya. Pero may nakikita akong mas malalim na dahilan sa mga tingin na yun.

"FYI, I'm Quera! Ang babaeng niloko at sinaktan mo ng paulit ulit pero eto minamahal ka pa rin."

Nakangisi ng nakakaloko yung babaero kong kapatid. Para naman akong nanunuod ng pelikula habang umiinom ng hay naku! Isang litro ata 'tong kape kaya di maubos ubos.

"So anong ginagawa mo rito, Quera, ang babaeng niloko at sinaktan ko ng paulit ulit pero ayan nagmamahal pa rin?"

"Gusto ko lang malaman mo na ganito kasakit ang magmahal (sabay sampal na dagundong sa buong shop)" medyo OA pero promise ang lakas kasi napangiwi na ang kapatid ko.

Nagulat lahat ng nasa shop maliban sa akin. Yung kapatid ko naman ay halatang naiinis na ng sobra sobra.

Tiningnan ko ulit yung babae. Kitang kita ko sa kanyang mapaglarong labi ang yes-nakaganti-rin-ako-sa-malandi-smile.

"Sorry, dear, ginawa ko lang yun para malaman mong nasa likod mo na si Karma. Handa kang saksakin kapalit ng lahat ng panloloko at sakit na ginawa mo sa akin. Yun ay kung totoong nagmamahal ka na. Bye!" malandi niyang sabi sa kapatid ko habang hinihimas himas pa ang pulang pulang pisngi nito.

Halos lahat nganga. Mukhang napahiya naman ang kapatid ko at bumalik na sa upuan niya.

"Ano?! Matapos ang lahat ng nakita mo, hindi mo pa rin ako papayagan?" inis na inis niyang tanong sa akin.

"Hindi..."

"Tsk. Simula ng mawala siya, nawalan ka na rin ng puso. Balak ko pa naman sanang hiramin si Sheena tapos dalhin sayo kapalit ng hinihingi ko."

Tsk. He got me there!

"Pero mukhang hindi mo pa rin ako pagbibigyan, Kuya." pinagdiinan pa talaga ng mokong ang salitang Kuya!

Itinaas ko ang magkabila kong kamay bilang pagsuko.

"Oo na. Oo na. Basta si Sheena ha."

Kahit pulang pula na yung pisngi niya ay hindi pa rin mawala sa mukha niya ang ngiting tagumpay!

Syempre, miss na miss ko na agad si Sheena at hindi ko rin naman matitiis ang baliw kong kapatid. Wag lang sana kaming mahuhuli ng adviser namin kasi pareho kaming malalagot.

At wag lang sana akong landiin ng mga katabi niya kasi baka kahit babae sila ay di ako makapagpigil na upakan sila.

Author's note:

Sorry readers (sus! Parang may nagbabasa nga. Haha) kung may mga part na sumusubra naman sa seryoso. Yun kasi talaga ang character ni Ced. Medyo dull and boring. But don't worry. Chapter 6 pa lang naman. Malay niyo, masapian at biglang maging clown. At kung may mga parts man na naguguluhan kayo wag ulit kayong mag alala kasi gusto ko talagang mag isip kayo at macurious pero hindi ko naman hahayaang matapos ang kwentong ito na hindi nasagot lahat ng tanong niyo. Take note: random po ang genre ng story na 'to *teen fiction, action and mystery/thriller.

Must do:
*Read
*Vote
*Comment
*Share if you want

Love Behind The Death MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon