Chapter 12

8 2 0
                                    

Rex

Three days na rin akong nasa kwarto lang.

I miss this ambiance!

Niyakap ko ang sarili ko para di ko masyadong maramdaman ang lamig dito sa park.

Walang tao rito maliban sa akin. Kung iiyak man ulit ako, tanging buwan lang ang makakakita nun.

I heaved a sigh and closed my eyes.

"You look sad..."

Bigla akong napamulat nang may marinig akong boses ng isang batang babae.

"Hey, what are you doing here?" lumuhod ako para maging magkalevel kami. Siguro mga 6 or 7 years old na siya. Nakasuot siya ng red dress na may maliit na white ribbon sa may bewang. Ang cute!

"It's already late at night. You should go home, young lady." I said while pinching her cheek softly.

"I was lost. But I know this place." ngiting ngiti niyang sagot sa akin.

I was stunned by her smile.

Napatitig ako sa mukha niya. Mukha siyang anghel at yung dimple niya, nakakatuwa. Pero nagulat ako nang mapansin ko ang braso niya.

Mukhang napansin niya rin na nagulat ako dahil nginitian niya ulit ako.

Yung ngiti niya, parang sinasabing ang sarap mabuhay.

I smiled back at her.

"Wait, you know this place, and you were lost?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Yah. I was accidentally lost in the mall then I found out that my Kuya's condo is just nearby. But I don't know exactly where it is."

"Okay, I get it. So what's the name of your brother?"

"He's Kuya Yen."

Ced

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo, Clein?"

"Yes, Kuya, sumugod dito ang tatay niya para hanapin siya."

Shit!

Napahilamos ako sa mukha dahil sa sinabi sa akin ni Clein mula sa cellphone.

May mangyari lang talagang masama sa kapatid ko, di ko mapapatawad ang pabaya niyang ama.

Dali dali kong kinuha ang susi ng kotse ko at patakbong pumunta sa parking lot.

Ced, relax! Hindi makakatulong ang pagiging paranoid mo.

But she's my sister!

Fuck!

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko palabas sa condo building.

I have to find her.

Pero bigla akong nakapagpreno nang makita ko si Rex na nakaluhod habang may kinakausap na batang babae sa park.

Nakahinga ako ng maluwag at napangiti.

Thanks God. She's safe.

Rex

"Come to Ate and let's find the condo unit of your Kuya." masigla kong sabi sa kanya. Kahit papano nakalimutan ko ang rason kung bakit nandito ako sa park nang mag isa.

Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko. Bagong grass cut kasi ang park so maraming damong dumikit sa damit ko.

Nang matapos na ako sa pagpapagpag, hinawakan ko ang kabilang kamay ng cute na batang 'to.

Love Behind The Death MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon