Chapter 7

16 2 0
                                    

"Good morning, Grade 11!" masiglang bati ng adviser namin habang ngiting ngiti.

"Good.. Morning..." walang gana naman naming tugon. Pero bilib din naman ako kay Sir Pab. Kahit na boring siya para sa amin ay pinipilit niya pa ring maging alive ang klase pero ang boring niya lang talaga. 😒

"Sana naman walang absent sa inyo. Teka, wala nga ba?" tanong niya habang kakamot kamot pa sa ulo. Wala naman siyang buhok para magkakuto ah! Feeling din tong si Sir eh.

Hindi ko alam kung may sumagot ba sa tanong niya o wala kasi sumubsob na lang ako basta sa upuan ko. Di ko alam kung dala ba 'to ng pagkaboring ni Sir o yung puyat ko kagabi. 2 hours lang akong nakatulog. Dala siguro 'to ng pagkaexcite kong makasama ulit si Sheena.

O dahil sa curiousity mo kay Rex?

Marahan kong nasapok ang sarili ko. Ano bang pinag-iiisip ko? Bakit naman ako macucurious sa kanya? Isa lang naman siyang plain na babaeng nagmula sa kung saang lupalop. Tss.

Hindi ko alam kung anong tumulak sa akin para kunin yung cellphone ko.

Napansin kong walang tao sa upuang nasa harap ko. Malamang absent.

Nilagay ko dun yung cellphone ko at binuksan ang front cam. Sakto, kuhang kuha ang mismong upuan ko at ang katabi ko sa likod.

Kukunin ko na sana ang cp ko nang biglang may binting humahaplos sa binti ko. Kilabutan! Ano 'to?

Nagdekwatro ako para di niya na ahasin ang binti ko pero ang landi talaga, yung kabila naman ang pinagdiskitahan.

Hindi na ako nakatiis kaya nilingon ko siya.

"ANO BA?!"

Napatingin ang buong klase. Shit! Napalakas ata ang sita ko sa malanding 'to.

"May problema ba, Mr. Clein?" tanong ni Sir habang pinupokpok niya ng marker ang kanyang desk at todong taas ang kilay. Halatang naghihintay siya ng explanation. Feeling naman niya naabala ko ang napakasaya niyang pagtuturo. Tss.

Sasagot na sana ako ng biglang...

"Bakit po, Sir?"

Boom! Buko!

Wala talagang sekretong hindi nabubunyag. Ang bobo mo, Clein!

"Opssss. Kaya pala di ka kumakagat sa alindog ko, ikaw pala ang baklang si Cedrick. Hahaha. But nice legs, huh." malanding bulong sa akin ng babaeng nasa likuran ko.

"Hindi ako bakla. Ayoko lang talagang pumatol sa babaeng mukhang kuto sa sobrang itim at kati." bulong ko rin sa kanya with husky voice.

Akala niya ha! Pahiya tuloy siya sa banat ko. Pwe!

Akala ko di na siya iimik pa sa sobrang kahihiyan sa kagwapuhan ko pero hindi. Gumawa pa ng eksena ang gagang 'to.

At dahil dun galit na galit sa amin si Sir dahilan para ipatapon niya kami sa labas ni Clein. Bwisit na babae yun!

Si Clein naman parang sira. Tuwang tuwa pa dun sa sinabi nung babaeng bruha.

Niyaya niya akong tumambay sa gym. Pumayag na rin naman ako. Ayokong maghintay sa labas ng room namin ng tatlong oras 'no!

Langyang babaeng yun. Kapag nakita ko ulit yun, titirisin ko siyang parang kuto!

"Ayos talaga si Veron, di ba?" pagputol ni Clein sa iniisip ko. Dumaan muna kami sa canteen para bumili ng soft drinks tapos dumiretso na kami sa gym.

"Anong ayos dun? Narinig mo ba talaga ng malinaw ang sinabi ng kutong may sungay na yun?" tanong ko sa kanya habang nanonood ng mga nagbabasketball.

"Haha! Of course!"

Tumayo si Clein at nameyawang. Anong kabaklaan na naman ang sumapi rito?

"HOW DARE YOU, CLEIN!? SABI MO PANANAGUTAN MO KAMI NG MAGIGING ANAK NATIN TAPOS NGAYON NAKIKIPAGBREAK KA?"

Inirapan ko lang siya. Eksaktong eksakto sa sinabi sa akin ng reyna ng mga kuto.

Umayos siya ng tayo. Yung usual na Clein.

"Ha? Kailan naman may nangyari sa atin? Next week pa natin gagawin, di ba? Masyado ka namang advance."

Naalala ko na naman ang katangahan ni Clein. Dahil dun sa sinabi niyang yun ay napatunayan ni Sir na nagpalit kami ng upuan which is according to his rules, BAWAL.

"Get out of this room! It's not a motel!" galit na galit na sabi ni Sir. So yung mga kumakain ng popcorn na fumifeeling nasa loob ng sinehan ay pigil na pigil sa pagnguya. Iba pa lang magalit ang adviser namin, sagad sa nerves!

Lumabas na si Clein at Veron. Late ng narealize ng gago ang katangahan niya kaya kakamot kamot sa ulo. Si Veron naman, tinaasan pa ng kilay si Sir at kumagat labi. At si Sir, napalunok na lang.

Yung mga kaklase ko, napapalunok din. Yung totoo? Gandang ganda na sila sa lagay ng kutong yun?

"Ehem... Ehem..." inayos ni Sir ang kanyang salamin at biglang tumingin sa gawi ko. "...bakit nandito ka pa, Mr. Cedrick? Get out!"

"Haha. Lakas ng trip niya 'no?" bumalik na ulit sa tabi ko si Clein. Feeling naman niya naging best actor na siya sa paggagaya.

"Lakas din ng trip mo para pumatol sa babaeng naninirahan sa ulo." sinipsip ko yung softdrinks kong iniinom sabay dighay.

Napatawa naman si Clein.

"Di no! Ganda naman niya para patulan ko. Si Princess Rex lang ang nilalaman ng puso ko. Grabe! Ang ganda niya pala lalo sa malapitan, Brad!" sabay siko sa akin.

Alam ko. Gusto ko sanang sabihin pero baka mamisinterpret niya lang kaya 'wag na.

"O, tapos?" walang gana kong tanong habang nananalangin na sumablay si Gian sa pagshoot ng bola. Team Captain siya ng St. Clark basketball team kaya malamang puspusan siyang nagprapractice dito. I wonder if may naaabsorb pang kaalaman ang maliit niyang utak bukod sa paglalaro ng basketball.

"Pero ang nakakapagtaka lang, Bro, pagkaupong pagkaupo pa lang tinanong niya na agad ako kung bakit tayo nagpalit ng upuan."

Napatingin ako sa kanya. Mukha rin namang nag iisip ang unggoy. Pwe! Di bagay, Dude!

Nagulat ako sa sinabi niya pero agad din namang nawala. Naalala ko kasi ang sugat ko sa kamay. Malamang, may palatandaan siya pero di na ako nagbalak pang ikwento yun sa kapatid ko. Magtatanong lang 'to ng magtatanong kung bakit ko kasama si Rex kagabi at ayokong malaman niyang magkapitbahay lang kami. Baka pati sa condo ko ay makipagpalitan siya.

Ayoko ngang maging motel ang mahal kong condo!

At ayoko na ring bumalik sa bahay kung saan nandoon ang pinakakinasusuklaman ko.

Sabay kaming napabuntong hininga ni Clein at saka nagkatinginan. Kambal nga kami. Walang duda.

Love Behind The Death MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon