Disguise 10

11 2 0
                                    

Disguise 10: He Saved Me

Xiara's POV


3rd day na namin dito sa boracay at mamaya after lunch, uuwi na kami. Ang dali lang ng araw no?

Nag enjoy naman ako sa trip namin kaya lang nakakabitin eh. Tapos na kami sa lahat naming activity at ngayon na ang day na makapag enjoy kami.

"Tara na Xiara at magbihis ka na ng swimsuit mo. Maliligo tayo sa beach!" masiglang sabi ni Tori

Nag re-ready na sila habang ako ay nakahiga pa ako sa higaaan.

"Sige na Xiaraaaaa! Gusto ko ng maligoooo!" naiinip na sabi ni Keith habang nag-lalagay ng sunblock sa buong katawan niya

"Chill girls, eto na nga oh, magbibihis na" at kinuha ko na ang swimsuit ko at pumunta na sa cr para makapag bihis.

Nang natpos na ako, lumabas na ako sa cr at napalingon naman sina Tori at Keith sa kinaroroonan ko.

Gulat na gulat sila ng makita nila ako habang nakanganga pa. Parang hindi iyung first time na nakita nila ako na nakaganito.

Na remember niyo pa ba iyung namiili kami sa mall ng swimsuit? Diba nakita na nila ako sa fitting room non?

"Oh? bat ganyan itsura niyo?" sabi ko habang kinuha ang manipis na tela na ibabalot ko sa katawan ko.

Lumapit naman sina Tori at Keith habang nakangiting mapanloko.

"Eh ganda ganda mo naman kasi eh!" sabi ni Tori na parang naiingit

"Saan ka ba ipinaglihi? at makapang lihi na nga rin ako" sabi naman ni Keith at natawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila.

"Naglilihi ka na Keith? Buntis ka ba?" tatawa-tawa kong sabi sakanya. Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko

"Anooo?! Hindi pa nga nawala V-card ko!" inis na sabi ni Keith habang namumula. Haha!

"Joke lang naman." sabi ko at naglagay na rin ng sunblock sa buong katawan ko.

"Teka lang" sabi ni Keith tsaka lumapit saakin at kinuha ang eyeglasses ko, agad ko naman binawi sakanya ang eyeglasses ko.

"Eh, ang ganda mo kapag wala kang eyeglasses. Kunin ko na nga iyan!' sabi ni Keith at pilit niyang kinukuha ang eyeglasses ko

"Wag! H-hindi kasi ako masyadong nakakakita k-kapag hindi ko s-suot ang e-eyeglasses ko" pinipigilan kong hindi mautal. Baka mahalata pa ako ng mga ito eh

"Ay ganun ba? Sige" sabi ni Keith at ngumiti na lamang. Pero parang ang weird yata ng ngiti niya?

"Let's go na girls!" sigaw ni Tori at lumabas na kami sa room namin. Sumakay na kami sa elevator since nasa 2nd floor ang room namin.

Ang gaganda rin nina Tori at Keith sa mga swimsuit nila. Mapuputi naman sila.

Ang suot nga pala ni Tori ay isang 1 piece na navy blue swimsuit pero backless ito at makikita mo ang magkabilang tagiliran niya. At nagsuot rin siya ng hat

Si Keith naman ay naka 2 piece na color red iyung underwear nga lang niya ay highwaist at mas lalo siyang pumuti. Naka round sunglasses lang siya.

Habang ako naman ay naka 2 piece rin na color black pero magkaiba kami ng underwear ni Keith kasi hindi naman naka highwaist iyung underwear na suot ko. 

As usual, naka eyeglasses parin at naka braces para nerdy look parin. May suot naman akong manipis na saplot na nakabalot sa katawan ko.

Ng nakarating na kami sa lobby, agad na kaming lumabas sa hotel at nagtungo sa beach. Nasisilayn na namin ang mga kaklase namin sa beach

In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon