Disguise 26

7 0 0
                                    

Disguise 26: I miss you

--

Noella's POV

Nako ha naloloka na ako dito sa kambal ko, kanina pa ako tawag ng tawag pero hindi naman niya sinasagot.

"Hell--"

[The number you have dialed is out of coverage ar-] inis kong inend iyung tawag. Pinatay pa talaga niya ang phone niya? Ngayon pa talaga na may problema pa kami dito sa kompanya?

Biglang bumukas ang glass door ng office ko kaya napalingon ako at nakita kong pumasok ang secretary ko.

"Ano?!" inis kong bulyaw sakanya, mukhang nagulat naman siya at hindi niya ata ang naintindihan ang sinabi ko. Of course hindi niya talaga maiintindihan dahil nagtagalog ako tsk

"Sorry I mean what do you need?" mahinahong tanong ko.

"Mam, tomorrow is your show and we got a problem of our guest, she cannot go because she got injured and she's in the hospital right now." napasapo nalang ako sa noo ko.

Paano nalang ito ngayon? Find a new guest and change the measurements of the gown? Makakaya ko pa kaya iyong gawin eh bukas na ng hapon ang show? O baka naman change the gown and the measurements ang gagawin ko? Eh mas lalo namang magkakaprblema talaga kami.

"Okay you may leave" umalis agad ang secretary ko pagkatapos non. Nasan na ba kasi iyong magaling kong kambal?

Mikey calling...

Aba at ba't tumawag tong si Mikey?

"Yes?" sagot ko

[I saw your twin here in my bar, I thought it's you but it was your twin] nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman ko kung nasan si Daniella

"Okay okay, please keep an eye on her okay? I'll send someone to fetch her there"

[Sure thing]

"Thanks Mikes, lovelots!" tsaka ko binaba ang tawag.

Mikey is my friend here in Paris. I met him in his bar, he's the bartender that time and we got chitchats until we make out but make out lang ha? hindi make love.

So ganun nga, then one day, he confessed that he loves me but I dumped him. Why? Because him so serious and me just for fun. I was just flirting that time.

Teka nga at may gagawin pa akong importante, mamaya na ang chikka. 

 Dali dali kong tinawagan si Troy. And yes, girl scout kaya ako kaya lagi akong handa at nakasave na rin ang number ni Troy dito. Malaki kasi ang pag-asa ko kina Troy at ni Daniella.

[Hello? Who is this?] I smiled nung sinagot niya ang tawag niya

"Hello dearest soon to be my brother-in-law"

[Ella?]

"Eh sino pa ba?" mataray kong sabi

[Why did you call?]

"Oh, It's about my lovely twin, but I guess you're not interested so I guess I have to hang up now"

[Wait!] there, I love it when he's fighting for my twin. Love will finds its way hindi ba? So I'll be their bridge or their cupid to bring them back together. To lead them the paths for them to see each other and to be together.

"Yes?"

[What about her?] see? Kita niyo pag sa kambal ko interesado agad siya.

"She's in a bar right now and I want you to go there and fetch her" walang sumagot sa kabilang linya kaya nagsalita ako

"will you fetch her Troy?"

[Of course I will] agad naman niyang sagot.

"Then good. This is your chance Troy, don't let it pass you by. Grab it. Fight for your love because I want you to be my soon-to-be-brother-in-law okay? Kung alam mo lang sana ang side ni Daniella"

[What?]

"Nothing. Go fetch her before someone grabs her" tsaka ko siya binabaan ng tawag. Okay operation help Troy and Daniella to be together again.

Troy's POV

I immediately ran to my car and started the engine. I headed my way to the bar where Daniella is right now. Hindi ko rin naman kasi siya matiis lalo na't nasa bar siya. Baka mapano siya doon at walang magliligtas sakanya?

Nung araw na sabi ko I'll leave ginawa ko iyun, pero hindi lang ako agpapakita sakanya, kahit nasan siya magpunta, sinusundan ko siya para lang masiguradong ligtas siya. I had an eye on  every move she makes

And now, she's alone and she's in a bar. I can't just watch her there, I need to fetch her as what Ella told me. She needs me right now.

Agad kong pinark ang kotse ko at lumabas. Patakbo kong pinuntahan ang entrance ng bar. As I enter the bar, nalawan agad ako ng pag-asa na magkaroon ng salitang 'kami or us' saamin. Gusto kong magwala, sana pala dinalian ko nalang ang pagpunta dito. O sana nalang hindi nalang pala ako pumunta dito.

Masaya ako dahil nakita ko siya. Masaya ako na nakita ko siyang masaya sa piling ng iba. ang sakit lang, sandali lang akong nawala, may iba na agad siya?

Kung sabagay pinagtabuyan naman niya ako. May magagawa pa ba ako para makuha ko siya ulit?

Nakita ko siyang kayakap ng isang lalaki. Susugurin ko sana kaso nakita ko ang mga ngiti niya sa labi. Eto na ba ang panahon para mag give up? Sa halip na kukunin siya, tumalikod nalang ako at pumasok sa kotse ko.

Pinaghahampas ko ang manibela ng kotse ko dahil sa galit. Bakit? Bakit naging ganto tayo? Akala ko ba walang iwanan? Bakit iniwan mo ko at may iba ka na agad?

Pinaandar ko nalang ang kotse ko at umalis sa lugar na iyon.

*ring* *ring*

Sinagot ko agad ang tawag kahit hindi ko tingnan kung sino ang tumatawag.

[Are you with my sister right now? Ihatid mo nalang siya dito sa off-] I cut her off

"Ask that to the guy she's with right now"

[Wait wha-] hindi ko na siya pinatapos na at binaba ko na ang tawag. Pumunta ako sa lugar na last naming pinuntahan ni Daniella. Nung kami pa.

Naalala ko pa na pumupunta kami dito kapag may problema kami. Nung last naming punta dito, nag picnic kami. Naalala ko pa ang sinabi niya nuong araw na iyon

"Sure ka bang hindi mo ako iiwan?" tanong ko sakanya.

"I'm 101% sure my love. Hindi kita iiwan, no matter what happens" tsaka siya ngumiti, iyung ngiti niyang nakakapanghina.

"Walang iwanan? Promise?"

"Walang iwanan. Promise"

Nasaan na ang pinangako mo? Nasaan na ang walang iwanan mong sabi? Ba't mo ko iniwanan? Nangako ka saakin nuon, pero ikaw pa itong nang iwan saating dalawa. Sabi mo hindi mo na ako mahal, pero ako mahal na mahal pa kita. Mukhang naka move on ka naman dahil meron ka ng iba agad. Pero ako, hindi pa ako naka move on at umaasa pa ako sayo. Ang daya mo naman Daniella.

You know, I miss you so much and I still love you but I think we both need space. But I'm not giving up on you. Remember what I said? I'll come back and I'll get you.

---

Author's Note:

Sorry if ngayon pa ako nakapag update ng In Disguise. Busy po kasi ako and supposedly, kahapon ko pa talaga i-ud tong chapter na ito kaso lang ho, may kailangan po kasi akong puntahan kaya hindi ko naituloy at ngayon ko lang nai-update.

Simula na po ng class namin bukas so hindi ko po masisigurado sainyo na makakapag-update po ako everyday. But I'll make sure na makakaupdate ako kahit once or twice a week lang.

Thank you po :)

-Ms. Pat









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon