Disguise 21

6 1 0
                                    

Diguise 21: The Arrange Marriage

Xiara's a.k.a Daniella's POV

Gulat parin ang rumihestro sa mukha ko, inis rin at the same time. They decided without my permission!

Mom just smiled at me at ngayon magkatabi na sila ni Axel.

"You just set an arranged marriage for me?!" hindi makapaniwalang tanong ko sakanila.

Ngumisi lang si mom na mas lalong nagpa-inis saakin. I can't believe this! Nagawa niya talaga to saakin?

"Darling, I can see a better future in you if you and Axel will be married. Can't you see that I'm doing this for your own good?" tanong ng mom ko na naka smile parin. Iniinis ba ako ng mom ko? Dahil kung oo effective siya!

"For my own good? Hah! Can't you hear yourself mom?" galit na tanong ko sakanya. Hindi ako papayag sa arrange marriage nato!

"Aren't you happy darling? Mother knows best Daniella, I'm doing this for you because I know better than you" sabi niya na mukhang nagtitimpi ng galit.

"No mom! You don't know anything! I know what's best for me! This is my life and you just can't decide for me! I will not marry that guy whether you like it or not!"galit na sigaw ko sakanila. Nilapitan naman ako nina Ella at Carl.

"Don't you dare back off Daniella! Everything is settled and you cannot back off! Not this time! Whether you like it or not!" galit na saad ng mom ko, nilapitan naman siya ni dad.

I looked at dad at nag iwas lang siya ng tingin.

"Mom! I can't marry a man that I don't even know! and especially, I can't marry a man that I don't love! Hindi mo ba ko naririnig mom? Nasasaktan ako sa mga desisyon mo mom!" I stopped for a bit at nagpatuloy ako sa pagsasalita ng walang nagsalita.

"Ginawa ko naman ang mga sinabi niyo mom. Pero bakit idadagdag mo naman itong arrange marriage mom? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para sainyo mom?" sabi ko at anytime iiyak na ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko


"Bakit? Anong gusto mong mangyari? Na babalik ka kay Troy? Na sakanya ka magpapakasal? No way!" galit na saad ni mom at pinakalma siya ngayon ni dad.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingala para hindi tumulo ang mga luha ko. Napatigin ulit ako kay mom ng magsalita siya

"Magpapakasal ka kay Axel. And that's final" mom said in a deadpan tone, tila ayaw na niyang makipag away.

"But mom--"

"No buts Daniella Noelle!" sabi niya na nagpatikom ng bibig ko.

"Oh, and there's one more thing" sabi niya habang nakataas anng isang daliri niya. What now?

"Sasama si Axel sa pag uwi mo ng Pilipinas. He'll be staying with you there. Both of you will live together in one roof. We bought you a condo near your school at doon sa unit mo siya makikitira, hindi muna permanent dahil magpapagawa pa kami ng bahay para sainyo, para doon na kayo titira pag kasal na kayo" she said and smiled.

What the actual fck is this?! Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit si mom.

"You don't have to worry about your things, nasa condo niyo na ang mga gamit niyong dalawa. So while you're here in Paris, Axel will be with you everywhere para mabantayan ka. Sino namang future husband ang gustong may mangyaring masama sa future wife niya diba Axel?" binalingan niya si Axel ng tingin at ngumiti. Ngumiti lang ito at tumingin saakin, tiningnan ko siya ng masama.

"Mom, this is impossible! And you're being impossible!" sabi ko at humahakbang paatras.

Mom gave me an apologetic smile.

In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon