Disguise 8

18 3 0
                                    

Disguise 8: Cutest Couple in 'Future'

Xiara's POV

Goodmorning! Rise and shine dahil ngayon na ang trip to Boracay namin! Well hindi naman halata na excited ako no? Naligo na ako tsaka ng bihis. Nakapag prepare na rin kasi ako sa mga gamit ko kagabi. Pumunta na ako sa dining table to eat my breakfast.

"Goodmorning princess" bat ng dad ko at hinalikan ako sa noo

"Goodmorning Dan" bati rin ng mom ko, medyo nawala narin ang galit ko sakanya

"Goodmorning" bati ko sakanila at umupo na.

"Nay Mae?" tawag ko kay nay Mae

"Ano po mam?" agad naman siyang lumapit saakin

"Ikuha niyo nalang mga mga bagahe ko sa kwarto ko please"

"Ah sige mam ipapakuha ko." at umalis na si Nay Mae

"Anong mga bagahe? Aalis ka Daniella?" may pag-alalang tanong ni mom saakin

"Where are you going? Galit ka parin ba saakin kaya ka maglalayas?" tanong ni mom at hinawakan ang kamay ko. Napatawa nalang ako ng bahagya dahil sa sinasabi niya. Hindi ko pa kasi nasabi sakanila na may trip to Boracay kami, sasabihin ko sana kay dad nung nasa mall kami nina Tori kaya lang binangga ako ng mga BuClowns -,-

"Oh? may nakakatawa ba? Aalis ka na nga tsaka pinagtatawanan mo pa ako?" dagdag ni mommy tsaka na talaga ako tumawa ng malakas

"HAHAHA"

"What?!" galit na si mommy kaya pinipigilan kong tumawa.

"Ano ba kayo! Hindi ako lalayas no!" sita ko kay mommy napatawa narin ng bahagya si dad.

"Eh bat pinapakuha mo ang mga bagahe mo?" parang naguguluhan na tanong ni mommy

"May trip to Boracay kasi kami, 3 days and 2 nights lang naman. Tsaka ngayon na kami aalis." sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Natahimik nalang bigla si mommy

"Oh? bat tulala ka diyan hon?" tanong ni daddy habang pinipigilan niyang hindi matawa.

"Eh siya kasi!" parang bata na sigaw ni mommy nako naman oh

"Bat hindi ka kasi nag sasabi? Nagiging war freak na tuloy ako. Pinakaba mo naman ako Dan!" sabi ni mommy at uminom ng coffee niya.

"Hay naku, ang exaggerated mo naman kasi eh" sabi ni dad at uminom rin ng coffee niya

"Bahala na nga kayo kay mom, dad. Alis na ako baka mahuli ako sa kanila. Sige bye" sabi ko at hinalikan silang dalawa sa pisngi.

Nasa loob na ng sasakyan ang mga bagahe ko. At hindi pala ako magmamaneho ngayon, hindi ko dadalhin ang baby ko sa Bora no!

Sumakay na ako sa sasakyan at nagmaneho na ang driver namin. Inihatid niya ako malapit sa park kasi don mag hihintay ang bus na sasakyan namin papuntang airport.


"Sige kuya, alis na ako. Salamat sa paghatid" bumaba na ako sa sasakyan at nakita ko sina Tori na mukhang kanina pa nag hihintay.

"Bat ang tagal mo naman?" tanong ni Tori, tiningnan ko ang wrist watch ko at 6:50 am pa nga eh ang aga pa

"Ang aga pa nga oh, tingnan mo *pinatingin kang Tori ang wrist watch* 6:50 am pa nga, ang aga aga pa. 7:15 kaya tayo dapat na nandito." sabi ko naman at napakamot na lang ng ulo si Tori

"Ang aga kasi naming pumunta dito, excited na kasi kami" sabi naman ni Keith at nagkatinginan sila ni Tori. Parang may pina[arating ssi Keith kay Tori? I don't know

In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon