Disguise 1

64 4 1
                                    

Disguise 1: The Encounter

Daniella's POV:

Nag eempake ako ngayon. Nalate kasi ako ng gising dahil sa dami kong ginawa kagabi kaya nakatulog ako.

Tapos na mag empake sina mom at dad.

"Faster Danni were going to miss our flight!" Sigaw ng mom ko.

"Coming mother" sigaw ko din pabalik sakanya. Naka disguise na pala ako. NERD

It's for my own good. Mahirap na.

Pababa nako ng may naiwan ako.

"Wait mom! Im going to get my box." At nagmadali nakong pumunta sa room ko.

Kinuha ko ang box at bumaba na. Importante kasi tong box. Dito ko naitago lahat ng mga memories ko. 
"What are you wearing?" Madiin na sabi ng mom ko. Hindi ba niya nahahalata na nag disguise ako?

"Disguise" walang ganang sagot ko naman.

"Ok? Let's go then" kinuha na ng mga katulong ang mga gamit namin.

Pumasok nako sa loob ng kotse at isinaksak ko ang earphones sa tenga ko at ng soundtrip.

Boung byahe papuntang airport ay nagsaSoundtrip lang ako.

Ako nga pala si Daniella Noelle De Williams. Isa akong model sa Paris. May kakambal akong babae. Siya si Noella Danielle De Williams. Galing no?? Iniswitch lang nila ang pangalan namin. Si Noella or Ella for short ay isang Vice chairman sa companyang Williams Fashion. Isa siyang sikat na fashion designer sa Paris. At ako naman ang Chairman. Well. Ngayon na nag disguise ako, kailangan ko ng fake na pangalan. So kung sa Philippines ang pangalan ko ay Xiara Wills. Fake name ko iyan. Pilipino naman talaga kami. At nakatira kami noon sa Philippines. Lumipat lang kami sa Paris dahil...... sabihin nating gusto ko mag bagong buhay. Dahil gusto ko din makalimot. Sa mga memories na mahirap iwanan at kalimutan. Dahil lang ito sa isang tao----

"Danni, wake up. Nangdito na tayo sa airport." Kinalabit ako ng dad ko. Nangdito na pala kami.

Nag stretch muna ako at inayos ang salamin ko.

Lumabas na kami at pumasok sa airport. Naghihintay kami na itawag na ang mga pasahero na sasakay papuntang Philippines.

"Good morning. All the passengers that are going to Philippines please proceed to the plane. Thank you."

Nung tinawag na kami, mabilis kaming naglakad.

Meron naman kaming private plane pero sabi ko sakanila na hindi kami sasakay sa private plane dahil malalaman nilang pupunta ako/kami ng Pilipinas.

Ng nakasakay na kami, nagsoundtrip lang ako at natulog na.

*****

"Good evening passengers. Welcome to Philippines. We are now landing in NAIA airport. Please don't take off your seatbelts. Parisian Airlines is always here for your trip. Thank you for being with us in this trip. Have a nice day."

Nagising ako ng nagsalita ang flight stewardest. Inayos ko ang laman ng bag ko dahil nagulo ito. Kinuha ko muna ang cellphone ko at tiningnan ang mukha ko kung ok na ba. Inayos ko lang saglit ang salamin ko and there! okay na. Ginising ko na sina mom and dad. Pag gising nila ay agad naman silang nag ayos.

"You may now take off your seatbelts. Thank you."

Nung nag land na kami, agad naman kaming bumaba sa eroplano.

Namiss ko naman ang Pilipinas kahit papaano. Kahit madaming memories ang iniwan ko dito.

Pagpasok namin sa airport pinalibutan na agad kami ng mga reporters. Akala ko hindi nila malalaman?!?!

Muntik ng masubsob ang mukha ko sa sahig dahil sa mga nag tutulakang mga reporters ng may nakahawak sa braso ko at tinulungan niya akong makatayo.

Ano banaman iyang mga reporters nayan! Hindi ba nila nakita na malapit nakong madapa?!?!

"Ahm miss are you okay?" Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng narinig ko ang boses na matagal ko nang hindi naririnig. Hindi ako makatingin sakanya ng maayos.

"U-uhm, i-im o-okay" sabi ko at yumuko ako ng konti para hindi niya masyado makita ang mukha ko.

Bakit parang ang init init dito??? Hindi ba nila ini-on ang aircon?? Pinagpapawisan nako dito.

Sumulyap ako sakanya pero iniwas ko agad ang tingin ko dahil nakatingin pala siya sa akin.

Sheeems...  Mas gwapo na siya ngayon. :"> ay! Lande ko!!

"Have we met before?" Tanong niya kaya napaangat ako ng tingin sakanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil kinakabahan ako.

Nakikilala ba niya ako??? Eh diba nag disguise ako na pang nerd??? Hindi na nga ako nag make up. Lip balm lang gamit ko. May malaki akong salamin. May brace na din ako. Straight na hair ko dahil ang tip ng hair ko ay curly. Color hazel brown na buhok ko. Hindi na siya scarlet. Ano pa ba ang kulang para hindi nila ako mapansin??!?!

Umiling lang ako. Kailangan ko ng umalis dito. Baka makilala niya ako.

"Uhm. T-thank y-you. But I n-need to g-go." Ba't ba nauuutal ako?!?!?

Aalis na sana ako ng hinawakan niya kamay ko.

"Ahm, im Troy by the way. Troy Cullins. And you are?"

Tinignan ko ang nakahawak na kamay niya sa kamay ko.

Binitawan naman niya agad. Ano bang sasabihin kong pangalan? Hindi niya pweding malaman na ako si Daniella.

Think think think....  teka..  diba may fake name ako?? Aissh Daniella naman oh! Hindi ka nag iisip. Tsk tsk!

"Ahm. Sorry but I need to go." Hindi ko sinabi sa kanya ang pangalan ko kahit fake yun. Naglakad na ako at hindi ko na siya nilingon muli. Nasaan nga ba sila mom?

Hanap dito

Hanap doon

Lingon dito

Lingon doon

Sulyap dito

Sulyap doon

Pero wala eh. Baka iniwan na nila ako?!?!?!

"Ahm miss sinong hinahanap mo??"

"Ay butiking ahas!" Muntik ng lumabas ang puso ko sa gulat. Jowk. Parang kabuti tong lakaking to kung maka sulpot!

Tiningnan ko lang siya at umalis na. Wala na kong pakealam sakanya. And its none of his bussiness right?

Kinuha ko phone ko at nagdial. Pero hindi sumasagot eh. Try ko ulit. *Kriiiiing* *Kriiiiing* hindi parin sinasagot eh. Wala nakong choice. Sasakay nalang ako ng taxi. Haaay ang malas !

Lumabas nako sa airport. Sumusunod pala si Troy. Uuwi na yata siya.

"Sige. Alis nako. Bye! Sana mag kita tayo uli!" Sabi ni Troy habang kumakaway at nag para ng taxi. Hindi ko nalang siya pinansin. Feeling close lang te??!?! 

Nagpara narin ako ng taxi. Hindi naman tumagal, nakasakay nako ng taxi.

Friendly parin siya. Sana hindi na kami mag kita ulit. Ayaw kong makikita siyang nasasaktan at ayaw ko rin masaktan. Gusto ko man ibalik ang dati upang ma tama ang mga mali ko pero natapos na eh. Hindi na mababalik yon. Kamusta na kaya siya?? Nagbago ba ang pagmamahal niya saakin?? Pero sana, hindi pa nawala ang pagmamahal niya saakin. I still  love him. At sa tatlong taon na iniwan ko siya, I missed him. Did he felt the same way too??

------------------------------------

Kamusta naman ang chapter 1??  Sana nagustuhan niyo.. :)

Vote and comment! :))

In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon