Karamdaman

7 0 0
                                    

Nagkukumahog na iniligpit ni Tatay Antonio ang mga dokumentong nakakalat sa mesa. Mga billing statements para sa mga klehente niyang Intsik. Isang tawag mula sa Mother Seton Hospital ang natanggap niya. Pinagmamadali siyang pumunta sa ospital dahil andun daw yung anak niya kasalukuyang naka-confine.

'Is this Mr. Antonio Ademis?'

'Yes po. Sino po sila?'

'Ah Sir, I would just like to inform you na andito po ngayon sa Mother Seton Hospital yung anak ni'yo. Buti na nga lang po at may dala siyang I.D. kaya nacontact ko kayo.'

Sa pagmamadali ni Tatay Antonio, 'di na nitong nakuhang palitan ang damit pambahay na soot. Sando at maong shorts. Tsinelas. Pera at ang Green Card ni Tony.

Abala ang mga nurses nang dumating siya ng ospital pero dahil sa pakikisuyo niya sa isang gwardya, mabilis din niyang natagpuan si Tony. Nasa accident and emergency area. Kasama ang ibang pasyente na inatake sa puso, naaksidente sa motorsiklo, nasaksak at nakaramdam lang ng sakit ng tiyan.

'Kailangan lang natin siyang idaan sa series ng diagnostic testings at blood tests para masuri kung anong naging sanhi ng pagkakahimatay niya.'

'Ganun po ba.' litong pagkakasagot ni Tatay Antonio sa doktor.

'May dati na po ba siyang karamdaman? O may mga iniinom po ba siyang mga gamot?'

'Ngayon lang po ba sa kaniya nangyari 'to?'

'May mga episodes po ba siya ng pagkakahilo at pagsusuka?'

Marami pang tanong ang doktor pero walang ibang nagawa si Tatay Antonio kundi pagmasdan ang anak. Alam niya kung ano ang naging rason ng pangyayaring ito. Nangangamba siyang baka bumalik na naman ang karamdaman ng anak.

Apat na taon na ang nakakalipas mula nung mga panahong pabalik-balik sila sa psychiatrist para magpasuri. May mga pagkakataon na nagpapalipat-lipat sila ng doktor dahil sa kakapusan sa pera. At bawat lipat ng doktor, nag-iiba din ang diagnosis kay Tony. 

Sa nauna, Anxiety Disorder. Laging nagkakaroon ng panic attacks si Tony. Nahihirapang huminga at nanunuyo ang lalamunan. Mabilis ang tibok ng puso at tinatamaan ng matinding pagkahilo. Sa isipan ni Tony, parang kinakalawit na siya ni Kamatayan pero para ring iluluwal pa lang siya sa mundo. Nagkandaloko-loko na ang pagpoproseso ng impormasyon ng ulo niya.

Sa pangalawa, Major Depressive Disorder. Ilang buwan bago magtungo sa Psychiatrist, nakararamdam ng matinding bigat sa pakiramdam si Tony. Wala siyang ganang kumain kahit pa lumampas na siya ng pananghalian na 'di pa din nag-aalmusal. 'Di siya dinadapuan ng antok subalit lagi naman siyang nakahiga maghapon. Paulit-ulit na pinaglalaruan sa isipan niya ang 'di mabilang na pagsisisi at pangamba. Nakikipagtaguan pung sa mga katanungan at hiwaga ng buhay. Maiging magkaroon ng hiwaga ang buhay ngunit ang umabot sa puntong magkawindang-windang kana't 'di mo na mapagtagpo  ang katotohanan at ang ilusyon, ibang usapin na iyon.

Ang pinakahuling diagnosis sa huling doktor na napuntahan nila,Paranoid Schizophrenia. Aminado sa sarili si Tony na may mga hallucinations na siyang nararanasan. Nakakakita siya ng mga aura sa mga taong nakakasalubong niya kahit pa nga 'di siya nagpapaniwala sa mga spiritualist at para-psychologists na nagsasabing may third eye sila. Mayroon na din siyang delusions. Pakiramdam niya, nagaganap na lang ang araw-araw para bumuo ng istorya niya. Sa isipan niya, lahat ng kaganapan sa mundo ay para sa isang malawakang panlilinlang sa kaniya na 'di siya nag-iisa sa uniberso. Maliban sa mga karanasang ito, maraming beses pang inaatake si Tony ng mga bangungot na sa t'wing gising lang siya dumadalaw.

'Tay.' 

'Nak, ano ba nangyari sa'yo? Sa'n ka na naman kasi nagpunta?' bagamat galit, hawak ni Tatay Antonio ang kamay ng anak habang ang isang kamay ay inihahaplos sa ulo ni Tony.

'Wala. Pagod lang siguro ako.'

'Sige na, magpahinga kana't mamaya may pupuntang nurse dito. Kailangan ka raw i-undergo sa ilang tests para malaman kung anong nangyari sa'yo.'

'Wag na. Pipirma na lang ako ng waiver, gastos lang yan.'

Alam ni Tatay Antonio na tapos na ang kanilang usapan. Kahit noon paman, mahirap nang mapaki-usapan ang anak niya. Parang pader na kahit tibagin mo ng maso eh 'di nabubuwal.

Maghahating gabi na nung maka-uwi sila sa bahay. Pumasok na si Tatay Antonio sa kwarto nito at naiwan si Tony sa sala.

'Alam ko. Alam ko kung anong huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.'

'Bumalik siya para ibigay sa'kin yung liham at pagkatapos nun, saka lang ako tumumba at nanghina.'

Panay pa din ang pakikipag-usap sa sarili.

Akmang bibihis na siya nung biglang malaglang ang isang maliit na envelope mula sa bulsa ng polo niya. Silyado pero may initials.

"H.A."

Totoo ang ala-ala niya.

Huling DalawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon