Before I knew Hell(Prologue)

26 2 3
                                    

"Nay, nandito na po ako!" Sigaw ko pagkapasok ko palang ng aming munting tahanan. Kasama ko sa buhay ang aking inang tumataguyod sa amin sa kabila ng kahirapan sa buhay lalo na ngaun, pumanaw na ang aking tatay. Tatlo kaming magkakapatid, ako ang panganay, sinundan ng kambal kong nakababatang kapatid-- isang babae at isang lalaki. Nakatira lamang lkami sa isang barong barong, gitnang parte ng iskwater dito sa Maynila.

Isa akong working student. Gusto kong maging isang chemist kaya naman kahit anong hirap ang ibato sa akin, hinaharap ko. Nag-aaral ako sa state university dahil iyon laamng ay may maliit na tuition fee at nakapagbibigay pa ng allowance kung scholar ka. Ako, 50% off lng ang nakuha ko sapagkat hindi naman ako tipong subsob na subsob sa pag aaral, tipong nerd ba. Sa totoo lang, nagpa parttime ako para pandagdag sa gastusin.

Ngayon nga ay kakatapos ko lang sa part time ko sa isang gasoline station. Pang 2nd shift ako. 6-10 pm araw araw. Ang klase ko kasi ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Dalawang taon na lang ang bubunuin ko pagkatapos ay maari na akong makapag exam para maging registered chemist. Gagawa ako ng panlunas para sa sakit na cancer, hindi lang immunization vaccine tulad ng meron sa mga hospital.

Sapagkat ito ang dahilan kung bakit kami iniwan ni Tatay. Cancer, wala pang lunas kundi puro mamahal lang na vaccine, na hindi rin naman ganon ka-epektibo.

"Oh, Lea, kumain ka na jan at magpahinga. May klase ka ba bukas?" Tanong sakin ni Nanay.

"Wala po. Pero may pupuntahan po ako bukas ng maaga. Pakigising po ako ng alas-6." May bagong raket daw kasing ibibigay yung boyfriend ng kasama ko sa trabaho ngayong bakasyon. Isang linggo nalang kasi ay tapos na ang klase para sa sem na ito. Malapit na mag-summer break. Ibig sabihin, kakailanganin ko ang extrang trabaho para mapaghandaan ang susunod na sem.

"Saan ang punta mo?" Tanong naman pbalik ni Nanay.

"May trabaho ho kasing inaalok sa akin ung kasama ko sa Shell. Sayang din yung kikitain." Tumango nalang ang nanay ko at magpaalam ng matutulog. Ako naman ay nagmadali nang kumain para makapahinga na rin at maaga pa ako bukas.

-----------

"Gel, dito!" Sigaw ko nang makita ko ang kasamahan ko. Naging medyo close na rin kami kasi parehas kami ng shift sa Shell kahit pa halos 15 taon ang tanda nya sa kin. Sa higit isang buwan nyang pagtratrabaho sa Shell, ako palagi ang kanyang nakakasama.

Pumunta naman sya sa kinaroroonan ko kasama ang isang lalaking singkit. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong koreano o japanese. Mukhang mayaman ito kahit pa nakasuot lang ito ng gray poloshirt na mamahalin at walking shorts na sa Amerika pa ata nabili.

"Lea, si Jiston, boyfriend ko. Jis, si Lea, friend ko. Sya yung sinasabi ko sayo." Pagpapakilala saming dalawa. Nginitian nya ako at tumugon din naman ako ng munting ngiti. Umupo na kami para makapagsimula na ng usapan.

"So, ito nga. Sabi mo kasi sakin dati diba na kelangan mo ngayon nang trabaho pang school?" Tumango naman ako kaya nagpatuloy sya. "Meron kasing beach resort itong si Jis sa Zambales, baka gusto mong maging attendant ngayong summer. Alam mo na, maraming turista ang dadayo kaya kelangan ng dagdag na tauhan."

Nagalak naman ako kaso may mga pag-aalinlangan pa rin ako. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa Zambales. Ni hindi pa nga ko nakakalabas dito sa Metro.

"Kung iniisip mo na baka maligaw ka, wag kang mag-alala kasi may service pag papunta na kayo dun. May tour din kayo at briefing para malaman nyo yung pasikot sikot. Tapos sweldo naman is 15,000 pesos monthly kaya naman ung three months na pupunuin mo dun ay malaki talaga ang kikitain mo. Kasama na sa trabaho mo yung pagkain tsaka tulugan kaya hindi mo rin magagastos ang sweldo mo."

Napaisip naman ako. Mukhang maganda nga. Sayang naman yung kikitain ko dun kasi sa Shell, 5500 lang ang sweldo ko buwan buwan. Tapos sariling pagkain at pamsahe pa araw araw kaya naman konti lang rin talaga yung nauuwi ko.

"Sige, sasabihin ko sa Nanay ko tapos ipapaalam ko sa inyo. Ok lang ba yun?" Tanong ko. Ang problema nga lang ay malayo yun dito sa Metro. Baka hindi ako payagan ni Nanay kasi hindi pa talaga ako nalalayo sa kanila kahit kelan. Ngayon lang kung papayagan ako.

"Kelangan namin yung oo mo ngayon kasi pinupunuan na yung slots. Actually, 2 nalang yung slot tapos may imi-meet din kaming 4 pa mamya. Inuna lang talaga kita kasi alam kong kelangan mo. Pero kung di ka pa sigurado, baka mapunta ka sa waiting list. Kung may magbackout sa listed na, saka palang magkaka chance ung waiting diba. Alam mo naman yun diba?" Tumango ako ulit Sayang naman kung magiging chance employee pa ako. Ito na yun eh, sayang opportunity.

"Sige, payag na ako. Ako na ang bahala sa nanay ko. Thank you, Gel ah. Thank you rin Sir Jiston." Ngumiti naman sila sa akin at pina-fill up na ako ng registration form at contract.

"Take my card, I look forward in seeing you working for me, Miss Abalos." Nakipag shake ako kay Sir Jiston tand ng kontratang pinirmahan ko. Ito na to, wala ng back out.

Pagtapos, umuwi na rin ako.

-------------
"Nay, payagan nyo na kasi ako. Sayang talaga yun eh. Nakapirma na rin ako ng kontrata kaya baka kasuhan pa ako kung hindi ako sisipot." Sabi ko ulit sa nanay ko. Kanina pa kasi kami nagtatalo hinggil sa pagtratrabaho ko sa beach resort. Binigay ko pa mga yung calling card ni Sir Jiston para lang payagan nya na ako.

"Tumigil tigil ka, Lea. Ang layo layo nun. Di biro ang Zambales, isipin mo. Tapos tatlong buwan kang mawawala? Abay, baka naman pagrerebelde ang ginagawa mo. Hindi ako papayag." Pinal na sabi ni Nanay.

Bagsak ang balikat na pumunta ako sa higaan namin.

Pano ko kaya mapapa-oo ung nanay ko? Eh kung papuntahin ko kaya si Gel dito para sya yung kumausap kasi sya yung magiging guardian ko dun. Kaso nakakahiya naman, sya na nagbigay sakin ng trabaho, bibigyan ko pa sya ng problema.

Bahala na.

Tinext ko sya kaya naman tumawag sya sa akin.

"Lea, pwede kong kausapin ang mama mo pero thru cp lang. Nandito ako ngayon sa Pampanga." Sagot nya sa kabilang linya.

Inabot ko naman ang cp ko sa Nanay ko.

"Sino ito?... Ikaw ang nagbigay ng trabaho kay Lea?... Alam ko naman yon kaso nga lang masyado talagang malayo... Oo, naiintindihan ko... Aasahan kita sa sinabi mo. Siguraduhin mong safe ang anak ko... Sige na, papayag na ako basta ba lagi nyo akong i-update... Sige, salamat." Napangiti naman ako kasi alam kong payag na sya.

"Basta, Lea, magtext ka kung may time. O sya, sa susunod na linggo na pala kayo aalis. Magsimula ka nang maghanda."

At yun nga, pagtapos ng sem namin ngayon ay nagsimula na kong maghanda para sa bago kong trabaho.

Sana talaga maging maayos ito para naman hindi ko na maging problema ang pera next sem.

TBC

Thank you for reading :)

Hell's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon