To Ms. IceCream11 thank you po for supporting me to continue writing my imagination :-)
---------
Pagkatapos namin mag-ayos ng sarili, I mean ayusan nila ako nang pagkatagal-tagal dahil halos hindi ko mahawakan ang gamit dahil natatakot ako sa maaring mangyari, bumalik na kami sa silid na may maaromang amoy.
Isang maikling red spaghetti-strapped body-hugging dress ang pinasuot nila sakin. Ngayon palang ako nakapagsuot ng ganito sapagkat wala naman akong okasyon para sa gantong damit, isa pa wala akong pambili para sa damit na di ako komportable.
"Oh diba, ang ganda ng fit sayo. Mas sexy ka pa sakin. Virgin ka pa ba?" Namula naman ako sa tinuran ni Beth. Di ko alam kung dapat ko ba syang sagutin, ipinilig ko nalang ang ulo ko bilang sagot.
Umupo ako sa pinakadulong parte ng kama dahil yun ang pinakamalayong parte mula sa pinto. Habang ang tatlo ay tila komportable na sa pagkilos kilos dito. Kanina pa sila pa-ikot ikot dito na tila ba batang excited sa unang araw ng pasukan.
Hindi ko na sila pinansin pa at nag-isip nalang ako. Kelangan kong makapag-isip ng way para makaalis ako dito. Aalamin ko kung sino sino ang mga taong responsable sa nangyayaring ito. Pero paano ba? Sabi nila Kay maraming guard sa labas ng kwarto at kalat din ang mga tauhan sa buong yate.
May casino kasi pala sa labas at bigating tao rin ang naririto sa yate or mas dapat sigurong sabihing cruise ship. Pagmamay ari daw ito ni Mr. Choi. Jiston Choi. Ang walang hiyang boyfriend ni Gel.
Si Gel.
Paniguradong alam ng babaeng iyon ang ginagawa ni Mr. Jiston. Kakilala kaya nila si Gel?
"May itatanong ako. Nakita nyo yung kasama kong babae nung sumakay ako sa van? Si Gel. Kilala nyo ba sya?" Nagtinginan naman ang dalawang babae. Si Gina at Beth. Mag bestfriend siguro sila. O kaya naman partners in crime, halos magkabuntutan kasi sila. Pumunta sila sa harap ko, mga isat kalahating metro ang layo.
"Ah, si Gel or Angel. Sya ang rank one bugaw sa Pilipinas. Sya nga yung nagrecruit samin dati. Sabi nga ng ibang tauhan, personal pokpok daw yun ni Mr. Choi. Mukhang totoo naman kasi hindi lang limang beses ko silang nakita nagse-sex. Feeling ko nga ang sarap ni Boss. Ang lakas umungol ni Angel. Exhibitionist sila, grabe mag experimento."
Diyos ko. Ni hindi ko naisip ang sarili kong may pag-aalayan bukod sa magiging asawa ko. Kailangan kong isalba ang sarili ko bago pa mahuli ang lahat.
Pero bago iyon, kailangan magkaroon ako ng kakilala bukod dito sa tatlong babae. Kung kailangan kong kumapit sa patalim, tutal wala na akong iba pang pagpipilian. Mas mabuti na mababaw lang ang pagbagsak kesa naman hindi ako maka-ahon.
Nakapag-isip na ako ng stratehiya para malaalis ako dito.
Pumasok ulit ako sa loob ng banyo dahil ito lang ang lugar na kaya kong gumalaw na hindi gaano natatakot. Mas makakapag-isip din ako ng mas kongkretong paraan para maging matagumpay ako.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Buti nalang kahit hindi ako kaputian, pantay naman ang kulay ng balat ko. Medyo makapal ang make up sa akin pero imbes na magmukha akong clown, feeling ko mas nadepina pa nito ang mukha ko. Experto na talaga sila sa mga gantong gawain.
Tila bumagay din ang damit sa akin. Sa totoo lang, maganda nga ang kapit ng damit sa akin kahit pa tila kinapos ito sa tela. Payat naman kasi ako at halos di kitaan ng taba, pano ba naman, wala naman akong sobrang makakakain at subsob pa ako sa gawain sa bahay, paaralan, at trabaho.
Kailangan kong gamitin ang utak ko kung gusto ko pang makalabas dito.
Kaya mo yan, Lea! Sigaw ko sa utak ko.
Tama na ang pag-iyak. Magpakatatag ka lang.
Ilang beses pa akong nagpalakad lakad dito at nag-isip.
Naisip ko si Nanay. Marahil dalawang araw na kami dito at paniguradong nag-aalala na iyon, di pa kasi ako nakakapag-text manlang sa kanya.
Kung kausapin ko kaya si Jiston. Baka naman payagan nya ko kasi sabi naman nina Beth, nakokontak naman nila ang pamilya nila, yun nga lang di personal na nagkakaharap.
Nahinto ako sa pagmumuni muni nang makarinig ako ng mga boses sa labas. Boses ng lalaki. Mga lalaki.
Bumalik ang kaba sa puso ko. Kahit anong gawin kong pagpapalakas ng loob, tila naupos pa rin ako. Natatakot ako. Nangangatog ang mga tuhod ko. Ang sikmura ko ay tila bumabaliktad sa kaba. Sumasakit din ang ulo ko sa pag-iisip.
Nagitla pa ako nang may kumatok sa pinto. Tatlong malalakas na katok.
"Lea, ano bang ginagawa mo jan? Aba lumabas ka na!" Si Beth.
Nanginginig man, pinihit ko na ang saradula para makalabas ng banyo.
Bumungad sakin ang tatlong babae.
"Akala namin nagpakamatay ka na. Wag mong gagawin yun kundi kami ang malilintikan dito." Si Gina naman sabay irap.
"Oo nga pala, kailangan mo ng Stage name. Mag-isip ka na dahil yun ang ipapakilala mo sa labas. Hindi ka na si Lea, naintindihan mo?" Tumango ako kay Beth. Nauna nang umalis si Beth at sumunod na si Gina dito na pumunta sa pinaka bungad ng kwarto.
"Wag kang mag isip tumakas, baka patayin ka lang rin nila." Nagulat ako sa sinabi ni Kaye.
"Rin? I-ibig sabihin may nap-patay na sila?" Mas lalo akong nangatog.
Tinanguan nya lang ako at lumabas na rin ng banyo.
Sa bawat isang hakbang, yung kabog ng puso ko mas lumalakas at tila maaalis na ito sa dibdib ko.
Pagpasok ko sa kwarto, natulos ako sa kinatatayuan ko.
Ang daming tao. Ang daming lalaki. Mababa ang 20 sa bilang nito. Pulos naka-amerikana itong damit at mukhang mga bigatin nga. Karamihan ay singkit pero mayroon din namang mukhang tubong Espanya o Amerika. Mas may edad din sila sakin. Karamihan ay mukhang 50+ pero meron ding mukhang 30+.
Nangilabot ako sapagkat makikita ang pagkangisi ng ilan sa akin, yung iba nakatingin ng malisyoso sa buo kong katawan. Nakakaasiwa. Nakakatakot.
"So, what you are seeing right now is the newest member of our family! Introduce yourself." Hinawakan ako ni Jiston sa kanang balikat at pinisil iyon ng sobrang diin para mapangiwi ako.
Pinilit kong pigilan ang luha ko, sa halip ay huminga ako ng malalim para humugot ng lakas.
"Hell. Call me Hell and I'll give you the best experience you can get from me." You will experience my kind of hell.
TBC
Thank you for reading :-)
BINABASA MO ANG
Hell's Wrath
General FictionAng gusto ko lamang ay umangat sa buhay. Ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking magulang at mga kapatid ang aking unang prayuridad. Lahat ginagawa ko para maging matagumpay. Lahat pinapasok ko para kumita. Nagkaroon nga ako ng isang oportun...