Sumakay na kami sa isang tinted van, hinatid lang ako ni Gel tapos umalis na rin sya. Wala na si Sir Jiston kasi daw may importante pa daw syang lakad.
Mayroon pa nga akong kasamang 4 na babae na halos kasing edad ko rin. Kaparehas ng trabaho ata ang papasukin din nila. Tapos may 5 lalaking malalaki ang katawan. Baka sila naman yung gagawing life guard or bouncer dun.
Tahimik lang ako kasi yung tatlong babae mukhang magkakilala na tapos tahimik lang rin yung mga lalaki. Yung dalawang babae nasa likod ko tapos yung isa naman katabi ko. Nasa likod na part kmi ng van tapos yung mga lalaki naman ay nasa may harap. Malapit sa pinto.
Sabi naman ni Gel mahaba-habang oras daw ang byahe namin tapos bahala na daw yung manager sa amin pagdating namin. Ung mga gamit nga namin nasa isang kotse para daw hindi kami mahirapan gumalaw dito sa loob ng van. Tanging maliit na pouch lang ang dala ko. Wallet, cellphone, tissue, suklay, pulbos at lipbalm lang ang laman.
"Hay, excited na ako. Ngayon lang ako makakalabas ng bansa. Sabi pa ni Mr. Choi ite-train nya daw ako para humusay pa. Shocks, excited na ako!" Impit na sabi ng babae sa likod ko.
Anong lalabas ng bansa? Tsaka sinong Mr. Choi? Si Sir Jiston ba yun?
Napalingon naman ako sa babaeng nagsalita.
"Uhm, excuse me. Ano po yung sabi nyong lalabas ng bansa?" Tinaasan naman ako ng kilay nito. Anong problema?
"Bakit? Hindi mo alam?" Anong hindi alam? Eh alam ko naman na ang trabaho ko ay sa resort.
"Alam ko naman. Pero wala saking nabanggit na lalabas ng bansa. Ang sabi sa akin ay sa Zambales yung resort. May iba pa bang resort si Sir Jiston?" Tumawa naman ng pagak yung dalawang babae. Napatingin na rin sa akin yung mga lalaki.
Teka, anong meron? Naguguluhan talaga ako.
"Anong resort ang tinutukoy mo? Ano ka turistang gagala? Beh, Korea ang destinasyon natin. Hahanap ng fafa. Hihihi." Nagulat ako. At mas lalong naguluhan.
"A-anong Korea? Ang sabi sa akin, sa Z-zambales ang trabaho ko." Napatingin naman ako sa harap, iiling iling lang ang mga lalaki.
"Teka lang, bababa nalang ako. Paki hinto naman yung kotse." Ngunit, tila walang naririnig ang driver kaya't binalak kong tumayo.
"Miss, maupo ka nalang dyan kung gusto mong mabuhay pa. Malilintikan kami kay Boss kapag di ka tatahimik." Napaupo ulit ako dahil naglabas sya ng baril at kinasa iyon. "Gusto mo pa namang mabuhay, diba?"
Hindi ko maintindihan. Mali ba ang pinasok ko.
Bigla ring kinuha ang pouch ko ng lalaking nasa harap ko.
"Hoy, akin na yan!" Sigaw ko. Pero napatikom naman ulit ako ng bibig nang itaas ng isa pang lalaki yung kanyang baril.
Lahat ba ng lalaki dito may baril?? Legal kaya yun? Pero for sure hindi, so ibig sabihin illegal din itong gagawin namin.
Shit!
Shit!
Shit!
"Kung ako sa iyo, bhe, manahimik na ka nalang. Sumunod ka sa gusto nila dahil kung hindi ay baka hindi ka na abutan ng liwanag." Bulong sa akin ng babaeng katabi ko.
"Manahimik? Gago ba kayo? Pano ako mananahimik kung illegal to. Anong gagawin nyo samin??" Nangangatal na sabi ko. Sana pala ay nakinig na ako kay Nanay.
"Beh, wag kang maarte. Magugustuhan mo rin yung gagawin natin. Nako, baka hanap-hanapin mo yun pag nagkataon." Nagpalitan naman ng tawa ang mga babae at ilang lalaki sa tinuran ng babae sa likod ko.
Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak nalang hanggang sa makatulog ako.
----------------
Nagising ako nang may sumampal sa aking pisngi. Yung babae kanina.
Tumulo ulit ang luha ko nang maalala kung nasaan ako. Akala ko masamang panaginip lang. Totoo pala.
"Hoy, wag kang maarte. Lumabas ka na jan. Ikaw nalang ang hinihintay." Nagpalinga linga naman ako at nakitang umaga na pala at ako nalang ang nandito sa loob. Hinanap ko ang pouch ko pero mukhang nasa lalaki pa rin iyon.
May sumungaw na lalaki at hinila ako palabas. Wala akong magawa dahil nakatutok ang baril sa may tadyang ko.
"Please, pakawalan nyo na ako. Hindi ako magsusumbong sa pulis. Please naman, maawa ka..." ngunit tulad kagabi, wala parin akong natanggap na sagot mula sa kanila.
Halos ako lang ang kinaladkad ng lalaki dahil yung apat na babae ay tila panatag naman. Ano yun, hindi manlang ba sila nababahala sa mangyayari sa min?
Umakyat kami sa isang may kalakihang yate tapos pinasok kami sa isang kwarto. Kwarto na maaroma ang amoy. Iniwan din kami pagkatapos pagsabihan na mag ayos kami para sa guest.
Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi malaman ang nangyayari at maaaring mangyari kapag hindi ako nakatakas dito.
"Beh, ano bang pangalan mo?" Sya yung babaeng tahimik lang kanina na katabi ko.
"Lea po. Ate, hindi ba tayo talaga tatakas? Prostitution at human trafficking to. Alam nyo ba yon?"
"Hay nako, Beh, kung ako nga nakarating na sa iba't ibang bansa pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagawang makalabas. Mahigit isang taon na ako dito sa organisasyon. Sanayan lang yan." Nagulat ako. Napakatagal na niya dito pero walang nangyaring maganda.
"Lea, diba? Alam mo, mabilis ang kita dito. Basta ba behave ka, masunurin at magaling magperform, malaki ang parte mo. Lalo ka na, mukhang fresh na fresh ka pa, diba Gina?" Tumango naman ang isa pang babae.
"Pano ang pamilya nyo? Hindi ba kayo nag-aalala sa kanila na baka nababaliw na yun dahil di kayo nagpapakita? Pano na ang buhay ko?" Halos bulong nalang ang huling parte ng sinabi ko.
"Pinapakausap kami sa pamilya namin, nagpapadala rin sila para sa pamilya namin para hindi kami magrebelde. Alam mo na." Kinindatan ako ng Gina na babae.
"By the way, ako si Beth, tapos yun nga si Gina at si Kaye naman." Pagpapakilala nung tumatawag saking Beh. Yung babaemg medyo tahimik, sya si Kaye.
"O sya, tumigil na tayo kaka-chika baka dumating na si Boss. Kelangan na magpa-beauty para malaki ang bonus." Pumalakpak pa si Beth at hinila na ako papuntang CR.
"Hoyy, t-teka lang. Anong gagawin nyo?" Bigla kasi akong itinulak sa tapas ng shower at binuksan ito. " Ahh. Ang lamig..."
"Bilisan mo magbasa para makapagbasa rin kami." Sabi ni Gina at magsimula na silang maghubad.
"Oy, teka. Sabay tayong maliligo?" Tanong ko. Wala pang nakakakita ng katawan ko.
"Wag kang maarte. Masanay ka na sa katawang hubad. Hahaha." Tapos yun nga, nasihubad na sila habang ako ay nanatiling nakatunganga.
"Ano, nga nga parin? Gusto mong kami ang maghubad sayo?" Umiling naman ako at walang nagawa kundi maghubad nga.
Napapikit naman ako habang naliligo. Tahimik akong umiiyak sapagkat hindi ito ang gusto kong mangyari. Bakit ba ako tila pinaparusan ng ganito? Wala naman akong ibang hiniling kundi maging maayos lang ang buhay ko. Ang buhay ng pamilya ko.
TBC
Thank you for reading :-)
BINABASA MO ANG
Hell's Wrath
General FictionAng gusto ko lamang ay umangat sa buhay. Ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking magulang at mga kapatid ang aking unang prayuridad. Lahat ginagawa ko para maging matagumpay. Lahat pinapasok ko para kumita. Nagkaroon nga ako ng isang oportun...