Kasalukuyan kaming nakasakay sa tricycle, papunta kami sa bayan para mamili lang nang gamit nang may tumawag kay nanay.
"Ngayon na ba?... sige sige dederetsyo nako dyan" agad din namang tinapos ni nanay ang tawag at binalingan ako.
"Lliah" napansin kong may inilabas si nanay sa pitaka nya.
"Lliah, kaylangan ko nang umalis, may mahalagang gagawin ang nanay. Pagpasensyahan mona ang nanay." sa sandaling iyon, I felt sad. Hindi ba ako mahalaga kay nanay? Hayy..
'Umi-english ha' napatuwid ako ng upo ng marinig kona naman ang himig na iyon. Katulad na katulad ng sa akin, pero hindi ko naman yun sinasabi.
Napabuntong hininga na lamang ako, masasanay narin siguro ako. So, back to reality, matapos kong mag emote emote ay iniabot na ni nanay ang perang gagamitin ko pambili ng mga gamit. Napansin ko naman ang supot na nakaipit doon. Ano to? Inilabas ko ito para malaman kung para saan, at nang itatanong ko sana kay nanay ay..
"Manong! Para na po!" Hala, andito na agad kami? Mabilis lang pala eh! Sabagay, kanina lang mabango pa ang simoy ng hangin, ngayon samut-saring amoy na ang nalalanghap ko.
Agad ding bumaba si nanay at nagbayad. Akmang bababa na ako nang pigilan nya ako,
"Lliah, hindi pa dito ang bababaan mo" paliwanag pa nya. Kung hihindi pa dito, saan? Eh marami na nga akong nakikitang pamilihan dito!
"Pero may tindahan na po akong natatanaw mula dito nay!" Kunot noong tanong ko.
"Wag ka nang matanong lliah, ihahatid ka na ni manong doon" sabay suot nang kanyang salamin. Yun lang at umalis na si nanay.
Napadako naman ang tingin ko kay manong. Naka sun glasses din siya? At din tulad ng kay nanay. Ang taray ha! Summer na summer ang dating! Choss lang. Hangang sa nagpatuloy na muli sa pag andar ang sinasakyan ko.
Nabalik ako sa riyaledad nang mapansin kong hawak ko parin ang papel na dapat ay itatanong ko kay nanay.
"Hala! Para saan ba to? Naku naman! Wala na si nanay nyan eh" pag wawala ko pa sa loob ng sasakyan.
Napansin ko namang huminto na ang sinasakyan ko. Teka dito naba?
'Try mo kayang magtanong' gosh! Hindi pa rin talaga ako nasanay. Ano ba to. Namamaligno na ata ako.
"Manong, dito na po ba?" Magalang na tanong ko. Pero bago pa man nya ako sagutin ay tinitigan muna nya ako ng matagal, mula ulo hanggang paa.
Teka, wag nyong sabihin minamanyakan ako nito? Wala namang ka manyak manyak sakin eh!
Kaya naman napasulyap din tuloy ako sa sarili ko. Ayos lang naman ako ah! Bistidang lagpas tuhod, pares ng doll shoes, isang shoulder bag at naka lugay ang itim kong buhok na aabot lang sa aking bslikat.
Nagpabalik balik pa ang tingin ko kay manong at sa sarili ko. Anong problema nito? Napansin naman ata nya ang kunot kong noo kaya agad nya akong binalingan.
Ngumiti pa ito bago magsalita..
"Malaki ka na nga" makahulugang lintaya pa nya.
Pero teka, magakakilala ba kami? Hindi ko naman sya natatandaan o naalala. Siguro isa sya sa mga kapit bahay namin. Hayy.. lliah, kailangan mo na nga sigurong matutong makisalamuha sa iba.
Napansin ata nyang hindi ko sya maintindihan kaya nagpaalam na ito at umalis.
Ngayon, mag isa nalang ako dito. Saan ba ako mag sisimula? Binukasan ko yung papel na nakaipit sa pera ko kanina. Sinubukan kong basahin ang mga nakalagay doon pero hindi ko maintindihan kung anong mga ibig sabihin nito.
Hello? Marunong naman akong magbasa pero kung ganitong mga salita, ayy pakamatay na!
Sinubukan kong itapat sa araw ang papel na iyon, umaasang maiintindihan ko. Pero sa halip na makatulong ay lalo lang akong pinahirapan nito. Bakit? Hinangin lang naman ang papel na yun! Hay! Nako naman oh! Napabuntong hininga na lamang ako.
Wala akong choice kung hindi ang habulin iyon habang hinahanggin sa ere. Mapapasabak pako sa takbuhan nito eh!
Hingal na hingal nakong napahinto sa kakahabol pero hindi ko pa din mahabol at maabot.
"Hayy! Nakakapagod!" huminto ako sa may gilid dahil sa pagod. Now, i am in the middle of know where. Napayuko ako. Nakapatong ang dalawang kamay ko sa mga binti ko.
Napaangat ako nga tingin kung nasaan na ang papel na iyon. Laking gulat ko nang unti unting bumaba sa tapat nang isang shop. Agad ko naman itong nilapitan at pinulot. Hindi ko parin maintindihan kung para saan ito. Siguro'y ipag tatanong ko nalang.
Equivoque Supplies
Iyon ang nakalagay na pangalan ng shop. Pati name hindi ko din nagets. Pumasok nalang ako at agad din naman akong sinalubong ng isang crue. Ibinigay ko nalang ang papel na iyon upang ipahanap sa kanya.
Iiwan ko na sana sya ng maramdaman kong nay nakatitig sa akin. Napabalik sulyap ako, at tama nga ako. Naktitig sya sakin na hindi ko malaman ang dahilan. Hindi ko nalang sya pinanasin at naghanap na ng mga kailangan ko.
Malaki ang shop nila. Marami nakahelerang bookshelves. Matami ding books at notebook.
Habang namimili ako hiindi ko maiwasang basahin ang nilalaman ng mga ito. So habang binabasa ko ay lumalakad din ako. Sayang din kasi oras.
Hindi pa man nakaka kalahati ay napatigil na ako. Wanna know why? May nakabangga lang naman ako. Nalalaglag pa ang librong binabasa ko. Matapos kong pulutin ay tiningna ko sya. Pero hindi nya ko tinitingnan!
'Malamang nakatalikod lliah!' pshh. Ayan na naman!
Hindi manlang nagsorry tong damuhong to! Hindi manlang ba nya ko napasin? Grr. Bwisit to ah.
"Hoy kuya!, hindi ka manlang ba magsosorry dyan!?"
"..."
At talagang! Hindi manlang ako pinansin! Nakatalikod parin sya sakin at naglakad pa palayo! Grrr!
Tingg!
*insert light bulb*
Lintek lang ang walang ganti! Bumwelo pako para batuhin tong bruhong to!
Ready, get set, GO!
BUGSHH!
Boom! Head shot! Ayan. Quits na tayo. Napansin kong napahinto sya at unti unti lumingon sa direksyon ko.
O to the M to the G!
Galit na sya. Hindi ko man makita sa mga mata dahil naka salamin ito pero mahahalata mo sa kanyang bibig. Isang deretsyo lang kasi ito.
Yan napapala mo. Hmp! Tatalikod na sana ako ng unti unti nyang tanggalin ang salamin nya. Maya maya pa'y..
"IKAW!"
"IKAW!"
At talagang nananandya ang panahon at nagkita na naman kami!..
BINABASA MO ANG
Fence to See
FantasyThis story is all about the battle between love and Sacrifices. How would you fight for your youth, if the one you'll being hurt is the person you truly loved and the one who thought you the word " love" Would love exist? What would you choose b...