Chapter 8

17 0 0
                                    


Teka nga. Si Jor ba talaga yung nakita ko? pero bakit nandito sya?

'School to teh! Baka mag aaral!'

Napabuntong hininga na lamang ako. Nasasanay narin ako na may bumubulong sa isip ko. Sa katunanyan natutulungan nya naman ako. Kahit na minsan ay nakakagulat parin.

"Lliah ayos ka lang ba?" pag aagaw ng atensyon ni Dennise.

"Ha?.. Ano kasi.." sabay kamot ng ulo.Ano bayan lliah!

"Ano?" tanong nya pa.

"Ano.."

ISIP LLIAH ISIP!

*Pikit mata.


*Mulat mata.

"Cr.." Tanging yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Ano? Gusto mong mag cr?" litong tanong ni dennise.

Hindi ko alam pero natagpuan ko nalang ang sarili kong naglalakad papuntang kung saan.

"Hoy lliah! Hindi dyan yung daan papuntan cr!" habol na sigaw ni dennise.

Ewan ko kung anong nang yayari sa katawan ko. Patuloy parin ako sa pag lalakad. Hangang sa pabilis nang pabilis na ang lakad ko.

"Lliah! Saan ka ba pupunta? Lalabas kana nang school!" sigaw parin ni dennise.

Napansin ko ding nakalabas na kami nang back gate ng school. Pero may nakikita akong hindi ko maintindihan.

"Lliah anong bang nangyayare sayo?" tanong nya pero nakatalikod parin ako sa kanya.

Ipinikit ko aking mata. Pinakiramdaman ko ang sarili ko ng may mapasin at maramdaman akong kaluskos.

Kahit na nakapikit ay napasin kong nasa paligid lang sya. muli kong iminulat ang mata ko at iginala ang aking paningin.

Wala naman! Wala naman akong makita! Ano bang nang yayare? Napahawak ako sa noo ko ng biglang sumakit ang ulo ko.

"Lliah ayos kalang ba? Lliah!"

---

Muli kong binukasan ang mata ko. Iginala kong muli ang mga paningin ko. Pero sa pagkakataong ito, ay napako na ang tingin ko sa isang aninong pansin kong kanina pa nakasulyap sa amin.

Sa akin..

Pinagkatitigan ko siyang mabuti. Hindi ko mawari kung anong itsura nya. Dahil narin siguro ay nasa malayong parte siya.

Gusto ko syang makita..

Gusto ko siyang lapitan..

Ihahakbang ko palang sana ang aking paa ng bigla siyang mawala sa paningin ko. Sinubukan kong hanapin siyang muli pero hindi na siya maabot nang aking paningin. Umikot akong muli upang hanapin ang taong iyon pero wala na akong makita.

Nawala na lamang siyang parang bula.

Napailing na lang ako sa frustration. Napahawak ako sa noo ko ng muling sumakit ang ulo ko. Lliah ano bang nang yayari sayo?

Imunulat kong muli ang mata at nagbadyang tatalikod nang bilang may nagtakip sa aking mga mata.

Sa gulat ko ay hindi ko magawang gumalaw. Nasa ganoong pwesto kami nang mauniligan ko siyang bumulong at nag sabi nang katagang..

"Labis ko'ng ikinatutuwa ang ating pagkikita.."

'Si-sino ba siya?' Tanong ko sa isip ko.

Pero sa sandaling ito ay hindi ako nagawang sagutin ng utak ko.

Gusto kong malaman kung sino siya.. pero..

Wala akong makita dahil sa pagkakatakip nya sa aking mga mata. Hindi ko magawang tanggalin iyon sa aking paningin dahil alam ko na sa oras na gumalaw ako ay maglalaho na naman siyang parang bula.

Naglakas loob akong tanungin siya kahit na sigurado akong hindi nya naman ako sasagutin.

"Si-sino ka?"

Ngunit isang nakakabinging katahimikan lang ang namutawi sa pagitan naming dalawa. Inaasahan ko na ang ganito..

Pero bago pa man ay naramdaman ko na ang pagluwag at unti unting pagtanggal ng mga kamay niya na nakaharang sa aking mga mata.

Bago pa man matapos iyon ay bumulong siya..

"Nais mo ako'ng masilayan.."

Isanb napaka luwalting tinig na wari ko'y nagmula sa isang malamyosang babae.

Pakiramdaman ko ay narinig kona ang mga tinig na iyon...

Ang mga tinig na sa para bang nagpapaulit ulit sa aking pandinig..

Ang mga tinig na wari ba'y masayang masaya sa aking piling..

At..

Ang mga tinig na nag sasabing ligtas ako..

Ngunit pagbukas na pagbukas pa lamang ng aking mga mata ay kabalikataran ang aking nasilayan..

Isang nakakatakot na nilalang ang bumulaga sa aking patingin..

Isang nakakatakot na nilalang...

Titig na titig siya sa aking mga mata na animo'y may inagaw akong pag aari niya..

Lumapit pa ang nakakatakot na nilalang sa akin.

Lumapit.

Lumapit.

At Lumapit.

Pero kahit anong lapit nya ay hindi niya ako maabot.

At doon nag simula na siyang tumakbo. Pabilis ng pabilis ang kanyang pagtakbo. Pakiramdam ko galit na galit sya sa uri nang kanyang pag kakatingin.

Nakakatakot ang itsura nya.

Malaking nilalang na kung sa unang tingin ay aakalain mong ingkanto pero pag pinagkatitigan mo ay mapapansin mong isa itong anghel..

Pinagkatitigan ko siya amimo'y kinakabisado ang bawat kabuoan niya. Pero laking gulat ko nang dumako sa kanyang mukha ang aking mga mata.

Nag aalab ito sa inis at nag aapoy sa galit..

papalapit na siya ng papalapit sa akin. Hindi ko magawang kumilos dahil sa nerbyos at takot.

Malapit na malapit siya. Malapit na. Malapit na..

"MAMAMATAY KA!" sigaw nang nakakatakot na nilalang sabay tama sa akin nang isang matulis at nakakatakot na malaking bagay...

Bago pa man ako makaatras ay tumama na sa akin ang bagay na iyon. Napahawak ako sa tiyan ako. Kung saan ako may tama. Nag uumapaw ako sa srili kong dugo.

Unti unti akong mapaluhod dahil sa panghihina.

Nawawalan narin ako ng lakas at hininga..

Ito naba ang katapusan ko?...

Bago pa man ako mawalan ng hininga ay nauniligan kong nagsalita ang nakakatakot na nilalang na iyon..

"Akin lang sila.."

At doo na nabalot sa kadiliman ang aking paningin.

KADILIMAN.

----

Lame. Sorry. Vote and comment lang.

Fence to SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon