Chapter 8

3 0 0
                                    

Ace's pov

I'm doing my best para ipakita lang sayo na hindi mo dapat ako mahalin, dapat panindigan ko na ito, dahil nagkamali rin ako.

Dapat hindi nalng kita niligawan, dapat hindi mo nalang ako nakilala, dahil sa huli hindi ko rin maibibigay sayo ang gusto mo, mas mahihirapan ka lang sa akin. Andyan si ian, mas kaya ka nyang pangalagaan. Nung oras na nakita ko sya, ginising nya ako, dapat malaman ko kung saan ako lumugar at hindi yoon sayo!.

Dito sa hospital, dito dapat ako, nung mga nakaraang araw, pinahirapan ko ang sarili ko, lahat ng bawal sa akin ginawa ko, kinain ko. Bilang kabayaran sa nagawa ko sayo,, yun nalang ang tanging naisip ko, ang pagpapahirap sa sarili ko, upang mabayaran ang kasalanan ko sayo. I'm sorry mika.

Ilang araw akong nasa hospital na pero nagtext ka sa akin na magkita tayo. Tumakas ako sa hospital makita ka lang. Kahit hinang hina ako, kinaya ko.

Nung makita kita, gusto kitang yakapin at sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Pero pinigilan ko.

Ineexpect ko na sasampalin mo ako, o sasaktan pero nagulat ako nung tinanong mo ako kung ok. Lang ako.

Naiiyak ako, and it's so gay, but i don't fuc*ing care, pero pinigilan ko.

Ang sama na ng pakiramdam ko! Lalo akong nagalit sa sarili ko! Dapat magalit ka din sa akin yung tipong sinusumpa mo na ako. Please, magalit ka sa akin, saktan mo ako, sampalin, lahat,, parang awa mo na.

" i'm fine, pakisimulan na kung anong dapat nating pagusapan may pupuntahan pa ako. I don't want to waste my time"

Sinabi ko yan sayo kahit na ang totoo eh walang naman akong ibang pupuntahan at gusto ko pangmanatili sa tabi mo, sa mga natitirang oras.

Pero kapag ganyan ako, alam ko masmagagalit ka pa sa akin.

" dati rati hindi kanaman ganyan eh! Ano bang nangyari sayo? You've change a lot, impossible! Ilang araw lang nung hindi tayo magkita tapos nagkakaganyan ka na! Nagawa mo pang lokohin ako after how many years na magkasama tayo. Ngayon, hindi na kita kilala!!"

" hahahhahahhahaha,, really? Sorry ha?! Mr. Bleshgreg ano bang ginawa ko sa inyo? Lahat kayo! Kayo na nga itong minahal kayo pang may ganang mangiwan, mga gago pala kayo eh! Sa susunod kung magpapaasa lang kayo ng babae. Sa simula palang pakiinform na ha? Nang sa gayon eh mapaghandaan naman namin."

" akala ko ikaw na yung taong tutulong na umahon ako pero isa karin pala sa mga taong magpapabagsak sa akin!
I always ended up falling inlove with person who never catches my heart."

Bawat salita na binabanggit mo alam kong nasasaktan ka, ilang beses kong hiniling na kahit sa huling pagkakataon na huwag kang umayak, na lahat ng sakit na nararamdaman mo ay malipat nalang sa akin, lalo akong nagalit sa sarili ko ng makita ko yung mga luha mo na pumapatak galing sa mga mata mo.

Ang sakit

Sobra

Pero mas masakit nung nagsinungaling ako sayo,

" minahal mo ba ako?" 

Natigilan ako nung tinanong mo yan sa akin.

" hindi"  hindi kita mahal, mahal na mahal na mahal kita.

Ok. Na you are finally mad at me and i'm verry glad, kahit sa ganyang paraan ay masaktan mo ako kapalit ng sakit na binigay ko sayo.

"Ok" nung umalis ka, gusto kitang habulin at sabihin sayo na pls, wag mo muna akong iwan pero hindi ko na kaya, kasalanan ko kung bakit ka nanaman nasasaktan ngayon ang sakit na, hilong hilo na ako.

May tumulong luha sa mga mata ko. Dapat masaya na ako hindi ba? Nang sa ganon eh lubayan mo na ako"

Pero bago ka mawala sa paningin ko

" i-i lov-ve you mik-a, sorr-y" then everything went black.

Love Me or Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon