Chapter 8.1.3

31.6K 596 11
                                    

Published: August 24, 2015

CHAPTER 8.1.3

 

RICKY’s POV

 

            Almost a week na rin kaming hindi nakakapasok sa school.  Hindi ko alam ang dapat na maramdaman.  All of a sudden, bigla na lang naging obligasyon ko si Malditz.  Wala naman din akong magawa dahil ang bait naman kasi ng papa niya. Ngayon nga, hinihintay ko na lang ang pagdating ng señor.  Hindi ko sinasabi kay Malditz at iyon ang bilin ng papa niya sa akin.  Hindi ko rin alam kung totoo ang sinabi niya, pero helicopter daw siya sasakay.  Jeez, ganun sila kayaman. 

            “Hoy pangit!”  As usual, sino pa ba 'yun?  Si Malditz lang naman ang nag-iisang babae na tumawag sa akin ng pangit. 

            “What?”  Kumunot ako at matamang tinitigan sa mukha. 

            “Walang water sa C.R. n'yo.”

          “Ah, oo.  May inaayos na tubo daw diyan sa harapan kaya pinatay muna.”

          “Paano ako maliligo?  Init na init na ako!”  Nakasimangot siya at bahagya pang pumapadyak.  She’s still the same whiny Malditz.

            “Mag-igib ka sa balon.”  Tumingin ako sa direksyon n'ung balon.

          “Igib?  Ako?”  Gulat pang tanong niya.  See?

          “Yes, ikaw.”  Umiling ako at wala akong balak na ipag-igib siya ng tubig.

          “Ang sakit ng mga kamay ko!  Ilang araw mo na akong pinagtatanim ng kung anu-ano!”  Simangot na simangot siya.  Actually, minsan naaawa na rin ako kapag nakikita kong nahihirapan siya pero ewan ko ba, pakiramdam ko ay  kailangan niyang matuto ng leksyon sa inuugali niya. 

            “Okay, ganito na lang,”  Tiningnan ko siya nang diretso sa mukha. Damn it.  Kagat niya ang kanyang labi at hindi ko alam kung gusto ba niyang ipaalala na hinalikan ko siya?!  I must admit nabigla ako sa ginawa ko sa kanya noon.  Nag-pretend akong parang wala lang.  But  I knew, may nabago sa pagtingin ko sa kanya.  “Mamili ka, ipag-igib kita ng tubig sa balon pero hindi na ako magbantay sa may banyo?  Or magbabantay ako sa banyo pero ikaw ang mag-iigib ng tubig mo.”  Nagtaas ako ng kilay at napanguso lang siya.  Ang lakas kasi ng imahinasyon ng babaeng ‘to.  Hanggang ngayon natatakot pa rin sa banyo namin.  Para daw may mumu!  Parang bata… Haist!

            “Ang daya naman e!”  See?  gan'un siya kaduwag para hindi makapagdesisyon agad.

            Umismid lang ako at itinuon ko ulit ang atensyon ko sa cp ko. 

            “Fine!  Ako na mag-iigib!”  Padabog pa siyang lumapit sa balon at panay ang busa.  Napailing lang ako at muli akong nagpipindot sa cp ko.  Actually, ka-text ko kasi si Alexa.  Mukhang pupunta rin siya dito sa Isabela.  Wala na rin akong naging choice kundi sabihin sa kanya na nandito rin ako.  Sobrang worried na daw niya sa akin.  Hmmm, I am happy that she's worried about me.  Bestfriend ko si Alexa.  Kababata ko rin siya.  Siya nga lang ang nag-iisang kaibigan ko simula pa noon.  Liligawan ko na sana talaga siya noon kaso naman pakiramdam ko ay hindi talaga ako trip ng mommy at daddy niya.  At kahit nga friends lang, medyo malayo ang loob nila sa akin.  Siguro nga dahil mahirap lang ako.  Pero alam kong gusto rin ako ni Alexa at alam ko ring sasagutin niya ako.  Pero ang dami kong pag-aalangan bukod sa sobrang tutok ko sa pag-aaral ay hindi ako sigurado kung ano pa rin itong nararamdaman ko para sa kanya.  Basta’t ang alam ko, namimiss ko na rin ang company niya.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon