Chapter 10.1.2

32.3K 661 19
                                    

Published:  August 31, 2013

Jeez... don't know kung papaano kayo mag-react dito...

********

CHAPTER 10.1.2

 

RICKY’s POV

 

            Nahilot ko ang sentido ko at mas lalo yatang sumakit ang ulo ko.  Bakit mo sinabi 'yun, Ricky?  You’re an asshole!  Obviously, in love si Katie sa’yo!  Pero anong ginagawa mo?!  Damn it!

            Sa totoo lang, kanina pa masakit ang ulo ko kakaisip.  Alam ko naman ang nararamdaman ko.  Hindi naman na bago ang ganitong pakiramdam sa akin.  Naramdaman ko na rin kay Alexa ito noon.  In love ako kay Katie.  Mahal ko siya. I don't how or when, basta ko na lang naramdaman. Mahal ko siya sa kabila nang hindi magagandang katangian niya. Sa kabila nang kasungitan, kamalditahan at pagiging matapobre niya.  Pero alam ko rin ang realidad na langit at lupa kami. Parang kami lang din ni Alexa.  At alam ko, kahit pa mabait si Don Alonzo, hindi niya gugustuhing ako ang makatuluyan ng anak niya.  Hinding-hindi.

           

            Halos magdamag akong hindi pinatulog nang sakit ng ulo ko.  At si Katie, hindi na ako kinibo n'ung gabi pa lang na 'yun.  At ngayong pupunta ako sa palengke ay hindi ko tuloy malaman kung isasama ko ba siya. Baka naman hindi lang din niya ako pansinin. Pero ayoko rin namang ganito kami.  I am so full of doubts but I want her near me.

            “Malditz, gising na.”  Bahagya ko pa siyang niyugyog.  Halos kakabangon lang din ng mga kapatid ko.  Wala naman silang pasok sa school ngayon dahil holiday pero siguro ay nakasanayan na lang din talaga nila ang paggising nang maaga para tulungan si nanay.

            “I am not coming!”  Tinabig pa niya ang kamay ko.  She’s angry…

            “Gusto kong sumama ka para mabili mo ang gusto mo.”

          “Wala akong gusto!”  Hmm, she’s angry at ako lang din naman ang may kagagawan.

            “Come on, bumangon ka na d'yan.  'Wag ka na umarte.” 

          “Ako?  Maarte?!”  Bumaling siya sa akin at gayon na lang ang gulat ko nang masalubong ang nagluluha niyang mga mata.

            “Hey,”  Bigla tuloy akong nag-alanganin.  We were okay. We’re doing okay.

            “Umalis ka na puwede ba?!  Gusto ko pang matulog!”  Masungit pa siyang tumalikod habang yakap-yakap ang unan ko.  She’s unaware na unan ko pala ang yakap niya.

            “Ano bang ikinakagalit mo?” Maang-maangan ko pang tanong.  Of course alam ko naman kung bakit gan'un siya.  I was only pretending not to know.

            Hindi siya sumagot at alam kong masama ang loob niya sa mga sinabi ko kahapon.

          “Okay fine.  Ano man ang nagawa or nasabi ko, sorry na.” 

            Wala pa rin siyang reaksyon.   She's a stubborn woman and I'm fully aware of that.

          “Sige na, Malditz.  Bumangon ka na.”  Sabi ko pa sa mas malumanay na paraan.  

            “Leave me alone!”  Sabi pa rin niya habang nakatakip ang unan ko sa mukha niya.

            “Gusto ko ngang sumama ka para mabili mo ang mga kailangan mo.  May papaya soap ka pa ba?”   I knew that she’ll be more pissed off, pero baka 'yun ang mas effective na paraan para humarap siya sa akin.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon