Chapter 29.1.4

33.6K 582 8
                                    

Published:  October 20, 2013

CHAPTER 29.1.4

KATIE's POV

Grabe ang sarap nang tulog ko. Nag-inat inat ako bago bumangon at agad na hinanap si Ricky. Nasaan na kaya si baby? Tiningnan ko ang desk clock sa side table at seven o'clock pa lang nang umaga. Medyo maaga pa a, nasaan na 'yun? Kaya kahit gusto ko pa sana humirit nang tulog ay pumunta muna ako sa comfort room at kanina pa rin ako naiihi.

Matapos ko makapag-CR ay lumabas na rin ako ng kwarto para hanapin si baby. Agad ko rin naman siyang nakita sa may veranda at may kausap sa cellphone. Grabe sa gwapo talaga nitong baby ko. Parang mas lalo pa siyang naging tisoy ngayon at sobrang ganda ng balat niya.  Iyon siguro ang namana niya kay papa.  Ang ganda at kinis ng balat.

"Yes, please. Thank you." Iyon na lamang ang narinig kong sinabi niya sa kausap niya whoever that is.

"Good morning." Malandi pang bati ko sa kanya. Yes, take note, malandi! E kasi naman todo effort ako sa nighties ko kagabi tapos tutulugan lang din pala ako. Mas lumapit ako sa kanya because I wanted him to take a clear view of me over the sunrise of New York.

"Good morning." He smiled heavenly.  But wait, anong araw nga ba ngayon?

"Anong araw ngayon?" Hindi ko na rin napigil ang magtanong.

"It's Friday morning, last time I checked." Sagot naman din niya. Still not looking on my nighties. Masyado 'tong taong 'to! Hmp! Sexy ko kaya sa suot ko. Hindi man lang makapuri kahit kaunti.

"Do I look pretty wearing this?"

"Yeah, it looks good on you." Iyon lang ang sabi niya pero hindi naman tiningnan! Kainis talaga!

Lumapit ako sa kanya at mahigpit na yumakap sa baywang niya. Inakbayan rin naman niya ako kaagad habang nakatingin sa kagandahan ng view sa ibaba. Well, New York is one fine view. Sayang at sobrang pagod na kami kagabi.  Mas maganda kasi ang night view. Anyway, we have all the time in the world.

"Babalik muna ako sa office today ha. May tatapusin lang ako." Sabi pa niya.

"What about me?" Tiningala ko pa siya.

"Ipinagpaalam na kita kay Courtney. Sa Monday ka na lang pumasok sa office." Hinawi-hawi pa niya ang buhok ko habang matamang nakatitig sa akin. "I'll just call you as soon as I'm done with work, okay?"

"Akala ko ba lilipat tayo sa apartment mo?"

"Yes. Nagpalinis na rin muna ako."

"Hmm, are you that rich now?" Pabiro pang tanong ko.

"No. Sagot ng company ang tinitirhan ko ngayon. But I won't deny, maganda talaga ang kita ko dito."

"Saan bang apartment mo?"

"Archstone Camargue. Iyon nga lang one bedroom lang 'yun." Napakamot pa siya ng ulo. "But I'll check if my available pang two bedrooms."

"No need." Umiling pa ako. "Sabi mo nga, sagot naman ng company n'yo ang tinitirhan mo. Dagdag gastos lang kung kukuha pa ng two bedrooms."

"Kailan ka pa natutong magtipid?" Natatawa pang tanong niya.

"Nung makasama kita." Sagot ko naman. "And besides, alam ko naman kung gaano kamahal ang apartment dito. Iyon nga lang, kung hindi mo ako feel kasama, wala naman akong magagawa." Madrama ko pang sabi at malakas lang siyang napahalakhak.

"Ako nga ang nag-invite sa'yo diba?" Nakangiti pa siyang umiling. "Ang drama mo..."

"Hmp!" Umirap lang at huli na naman niya ang acting ko.

"I need to go. Kailangan ko pang dumaan sa apartment. Wala akong pamalit dito." Tiningnan pa niya ang suot niya kagabi.

"Don't worry..." Ibinaon ko pa ang mukha ko sa t-shirt niya at inamoy ko talaga siya! "...you smell really good!"

Napangiti lang siya sa ginawa ko at hinawakan niya ako sa pisngi.

"We'll go out later okay? Promise saglit lang ako sa office today. Samantalahin mo muna ang time na makapagpahinga ka."

"Can I just come?"  Malambing ko pang tanong.

"You'll get me fired if you do." Natatawang sabi pa niya.

"E bakit kahapon puwede?" Maipilit ko talaga.

"Masama rin naman ang umabuso, okay?" Pinisil lang niya ang pisngi ko at naglakad na palayo sa akin. Napasunod na lang ako sa kanya sa kwarto at isinuot lang ulit niya ang hinubad niyang coat at nagsuot ulit ng sapatos. "Ligpitin mo na rin ang ibang gamit mo at daraanan kita dito mamaya."

Tumango lang ako habang pinapanood ko siya.

"Stop staring." Dinilatan niya ako nang makatapos na siya sa ginagawa niya. Binggong-binggo na ako dahil kahit noon pa lang palagi niya akong nahuhuling nakatitig sa kanya.

"I am just looking." Ngumiti ako at malagkit na tumitig sa kanya.  Hindi man lang ba siya naaakit sa suot ko? Seriously?

"I'll catch you later." Noon na siya lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. Lola lang?!

"Fine!" Umirap lang ako sa kanya. Nakakainis! Hindi ba talaga ako gan'un kaganda para wala man lang akong maging dating sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit parang napailing lang siya sa akin and then without warning he kissed me a little harder. Oh jeez...

"I wanted to take that nighties off you. But I need to work." Bulong pa niya at agad akong pinamulahan ng pisngi.  Akala ko ay hindi man lang siya naaakit.  Nagpipigil lang pala. "I'll see you later, baby." and then, he gave me a quick kissed again before leaving my room.

"See you."  Malambing pang sabi niya.  Mariin ko lang kinagat ang labi ko at hindi ko mapigil ang kilig. The fact na napansin niya ang ganda ko, okay na 'yun!  Masaya na ako!

Kaya naman tulad nga ng sabi ni baby ay inayos ko na ulit ang mga gamit ko. Excited na akong lumipat sa apartment niya. Titira na ulit kami sa iisang bubong. Ano pa bang mas sasaya sa araw-araw na makikita ko siya? Excited much!

Nang maayos ko na ang mga gamit ko sa suitcase ay tsaka ko na lang din inayos ang bed. Sayang naman ang laki n'ung bed. Tulugan ba naman kasi ako. Ay nako, Katie! Lumabas na naman ang pagiging pervert mo! E ano bang gagawin ko?  'Yung nangyari sa amin ni Ricky ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko. Iisang beses lang naman nangyari 'yun at 'di na naulit. Nanghihinayang lang ang peg ko ngayon. Jeez, get a grip!

Nang hinila ko ang comforter ay may biglang nalaglag sa bed.  Singsing ba 'yun? Wala naman akong suot na singsing a. Agad kong dinampot ang singsing at tinitigang maigi. Sa tingin ko pa lang ay mukhang mamahalin na. If I am not mistaken, mukhang sa Tifanny binili ito a. Pero paano magkakaroon ng singsing dito? Oh my gee...  Natigilan ako at napaawang na lang ang labi ko.  Could it be? Oh God, could it be mine? Magpo-propose na ba si Ricky sa akin?!

Ewan ko ba kung OA lang ako or what, pero naiyak talaga ako.  Magiging misis na niya ako? Ano pa bang mas sasaya pa d'un?! Bipolar lang yata ako dahil habang umiiyak ay tumatawa din ako. Lukaret ko lang diba? Hindi ko kayang ipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Feeling ko ba nanalo ako sa lotto! Kailan kaya niya balak gawin ang proposal? Mamayang gabi ba? O bukas kaya? Next week? Next month? Oh no, hindi na ako makakapaghintay pa! But wait, kung nasa akin ang singsing paano niya magagawang mag-propose sa akin?! Oh shit! Dapat maibalik ko sa kanya 'to nang hindi niya nalalaman! Mahirap na at baka bigla niyang i-postpone ang proposal! No way!

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon