Chapter 21

28.6K 593 20
                                    

Published: October 01, 2013

CHAPTER 21

KATIE's POV

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nagkukulong sa kwartong 'to. Hindi na rin ako nakarinig kay Ricky since that night. I've been trying to call him pero hindi ko na makontak pa ang number niya. Natanggap na kaya niyang half-sibling niya ako? Just that thought made me cry again. Sobrang sakit na ng mga mata ko. Pagtingin ko sa salamin ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko. I looked pale. My eyes are swollen and red. I also have dark circles around my eyes. I totally looked pathetic! And, I don't look pretty at all!

"Katie..." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Liz...

Pagkakita ko pa lang sa kanya ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong maiyak. She immediately run towards me and hugged me so tight.

"Sssshhh..." She was tapping my back like she's trying to calm a baby.

"Liz... si Ricky..."

"Sssshhh..." Pinigilan niya akong magsalita. Naramdaman kong nabasa ang balikat ko at siguro ay naaawa rin siya sa akin.  Sino bang hindi maaawa sa kalagayan ko? Na-inlove lang naman ako sa taong hindi ko naman pala dapat mahalin.

Bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin at hinila niya ako palapit sa bed at pinaupo.  Naawang tumitig siya sa akin at mariin ko lang kinagat ang labi ko para maampat ang pagbuhos ng luha.  Wala na nga siguro akong gagawin kundi umiyak.

"Please don't be like this. I hate to see you like this, Katie." Sabi pa niya at hinagod hagod lang niya ang aking braso.

I actually don't know what to say.  She probably knew why I am like this.

"Have you seen Ricky?" Finally, nagawa kong itanong ang gusto kong itanong. Pero kahit pagbanggit pa lang sa pangalan niya ay parang binibiyak na ang puso ko.

"Y-yes..." Bahagya pa siyang tumango. Pinunasan niya ang luha niya at  tinitigan niya akong mabuti na para bang tinatantiya niya ako.

"May sinabi ba siya? Did he hate me?" Magkasunod pang tanong ko. 

Umiling lang si Liz at para bang she's lost too. 

"He loves you, Katie,"  mapait pang sabi niya. "Pero alam na rin naman niya ang sitwasyon ninyong dalawa."

"He does now, huh?" Pinigilan ko ang maiyak ulit.  So, natanggap na pala niya? That hurts but I know he's hurting too.

"He quit school.  Kanina lang."

Panandaling huminto ang paghinga ko sa sinabi niya. Iniwan na niya ako...

"I'm sorry, Katie..."  Malungkot pa niyang sabi.

Mabilis na naglandas ang luha ko nang hindi ko namamalayan.  Pakiramdam ko ay kinakapos na ako nang hininga.  So, eto na pala 'yun. At dahil magkapatid kaming dalawa, wala akong ibang choice kundi tanggapin rin ang katotohanang hindi kami magkakaroon ng happy ending naming dalawa. Hindi kailanman...

Sinubukan kong ikubli ang luha ko.  Masyadong masakit ang nangyari sa amin ni Ricky.  Alam kong hindi madali sa kanya ang desisyong mag quit sa school.  At kung ano ang sakit na nararamdaman ko ay gan'un din marahil siya.  How I wish my bed will just swallow me. It hurts too much. I am hurting too much.

Niyakap lang ulit ako ni Liz nang mahigpit na mahigpit. We're both crying. Crying for my pain and crying for my lost too.  He can never be mine anymore. Never.

********

RICKY's POV

It's been days, that I've been in hell. Yeah, hell. Sobrang sakit pa rin ang nararamdaman ko. Felt like I have a fvcking hole in my heart! Parehas may benda ang dalawang kamao ko gawa nang pagsuntok ko d'un sa kawawang puno sa mansion. Somehow nakatulong na may iniinda akong masakit na sugat dahil kahit papaano nababawasan ang bigat na namamahay sa dibdib ko.

I decided to quit school. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko. Walang pumapasok sa utak ko. Noon, palaging may direksyon ang buhay ko pero ngayon, ito ang unang pagkakataon na nagkaganito ako. Walang plano... Walang direksyon... At higit sa lahat, walang buhay...

Naglalakad ako sa kahabaan ng campus with just my faded jeans, white t-shirt, rubber shoes and yeah, a fvcked up hair. Nag drop-out na ako without even having second thoughts. Sinubukan pa rin nung Dean na kausapin ako pero I've decided already. Alam kong hindi makakabuti para sa amin ni Katie ang magkita pa.   Kumusta na kaya siya?  Ugh, quit it, Ricky! Half-sister mo si Katie! And you have to stop loving her more than just a sister! I am so pathetic.  The thought that I slept with her made me even more than just pathetic.

"Ricky..." That voice made me stopped. Lumingon ako sa likod ko at nasalubong ang malamlam na mga mata ni Don Alonzo. Katie's father. And, my father too...

Hindi ko alam kung paano ko ba dapat siyang pakitunguhan. Pero alam ko namang naging mabuting tao siya sa akin. Hindi ko man naranasan ang maging ama siya, pinakitunguhan pa rin niya ako nang maayos. At sa kabila ng estado ko sa buhay, tinanggap niya akong boyfriend ng anak niya, na so happened half-sister ko pala.

"Can we talk?" Malumanay pang tanong niya.

Tumango lang ako at bahagya kong hinawi ang medyo magulong buhok ko. I think hindi ko yata nakuhang magsuklay kanina. Wala talaga ako sa sarili. I am such a loser.

Naupo kami sa stone bench na hindi naman kalayuan sa amin. Hindi siya kaagad na nagsalita. Siguro ay  tinatantiya rin niya akong maigi.

"What happened with your hands?" Tanong pa niya at tangka sanang hahawakan ang kamay ko pero iniiwas ko na lang. Hindi pa ako handa sa family bonding! Damn it!

"Nothing that will concern you."  Seryoso ko pang sabi at nag-iwas nang tingin.

"You're my son and I am your father."  Sabi pa niya.

Sarkastiko lang akong natawa sa sinabi niya sabay umiling.

"Hindi mo nga ako hinanap diba? Now your acting like a good father all of a sudden?" I could have been polite with him but I am not in the mood right now... or ever.

"No, Ricky... you're wrong. Ipinahanap ko kayo ng nanay mo. Pero n'ung malaman kong masaya na siya kay Dante, mas ginusto kong hindi na makigulo." Napabuntong-hininga pa siya. "I did try to pay her a visit in Pampanga. Iyon nga lang lumipat na pala sila. Wala naman ding nakaalam kung saan sila lumipat."

"Hindi mo siya ipinaglaban."

"I know. Hindi ko kayang tanggihan ang parents ko. I am young and  unaccomplished at that time. I just don't know what to do." He sounded sincere.  Nang tumingin ako sa kanya ay may lungkot sa mga mata niya. "Kung may control nga lang ako sa mga bagay, mas pipiliin kong ibang lalaki ang maging anak ko kaysa makita ko kayo ni Katie na parehas na nasasaktan."  Napayuko ako at para na namang dinaganan ang puso ko sa sakit.  My Katie...

"H-how is she?" Alalang tanong ko pa at hindi madaling kalimutan kung papaano siya nasaktan sa nangyari.  I hope she's okay...

Napabuntong-hininga lang ulit siya at napatingin sa malayo. "S-she's broken as you..."

Parang mas lalong piniga ang puso ko sa sinabi niyang iyon.  Paano nga ba magmove on?  Paano nga ba makakalimot sa sakit kung ang nag-iisang taong puwedeng makawala nang sakit na iyon ay ang taong nagdudulot din noon.  I missed her. I love her. I still do.  I don't think I will be able to move on.

"Can you do me a favor?" A spark of idea just pop in my head.

"Anything..." Mataman pa siyang tumitig sa akin.

"Can you get me out of the country?"

Doubts suddenly crossed his face.

"What about school?"

"I just drop-out." Seryosong sagot ko pa.

Nabigla siya at malalim lang na napabuntong-hininga.

"Is that what you really want?"  Paniniguro pa niya. 

"Yes." Wala ako sa sariling napatango.  Hindi ako sigurado sa sagot.  I don't know how to live without Katie. But I need to do this. Para sa amin din ni Katie 'to. Para mas madali niya akong makalimutan. At sana makalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Sana.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon