Chapter 11.3.3

31.6K 650 14
                                    

Published: September 4, 2013

CHAPTER 11.3.3

KATIE's POV

After ko makapagbihis ay agad na akong sumama kay Ana. Iyon ang sinabing pangalan ni aling Teresita. Where the hell did I get the name Empress?! Oh well, nakasimangot si pangit sa akin noong madaanan ko siya sa may taniman nila ng calamansi. Kung pinagbigyan niya ako sa simpleng request ko, 'di sana kami nag-aaway ngayon!

Malayo-layo nang kaunti 'yung bonding place daw namin. Isang malaking bahay na gawa sa bato ang pinasukan namin at hindi pa fully furnished. Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa akin ang mga babaeng kasama sa bonding. I don't know any of them.  Like I said before, may pagka anti-social ako.  Makikipagplastikan ba ako sa mga babaeng ito?  Pero mas naiinis akong manatili sa bahay so maybe mas okay nang makipagplastikan sa kanila.  Hoping eventually ay ma-enjoy ko ring makipagbonding sa kanila.

As expected, ipinakilala ako ni Ana sa kanila. I think nasa fifteen silang lahat. May maganda, may pangit, mukhang katulong at extra. Oh well, nandito na 'to. Bahala na nga.

Tulad nga nang sabi ni Ana, naggayak muna kami ng mga pagkain. Gusto ko sanang magtanong kung wala man lang bang contribution dahil parang nakakahiya kasi na bigla na lang ako napasama sa kanila. Pero infairness, super friendly naman nilang lahat. Ako lang talaga ang hindi comfortable sa ganitong set-up. Eversince naman I am not very easy to please. Pero tulad nang sabi ko kanina, ako 'yung umarte kaya wala akong choice kundi panindigan 'to. Nakitulung-tulong ako sa paghihiwa ng mga rekados at kahit paano ay may formal training na ako kay pangit. Pero wala akong talent sa pagluluto. Dala ko pa rin ang aking pagiging prinsesa at hindi ako sanay sa gawaing bahay.

Padilim na noon nang makatapos kami sa pagluluto. To my surprise, nadagdagan pa kami. Halos sampu pa ang dumagdag at ang ipinagtataka ko ay bakit parang mukha silang mga prostitute? Seriously? Mayroon bang gan'un dito sa bundok? Nagkakapalan kasi ang mga make-up nila at nakasuot ng mga sobrang revealing na damit.  And as expected, sobrang curious pa rin nila sa akin kaya para akong may pa-presscon na tanong dito, tanong doon. It's irritating and uncomfortable, pero wala akong magawa. I should have stayed home.

"Boyfriend mo si Ricky? Totoo ba 'yun?" Tanong n'ung isang girl na sobrang ikli nang suot. Kita ko na nga ang mumurahin niyang panty dahil sa pagkakaupo.

"Y-yeah..." Matabang na sagot ko lang at kanina pa puro 'yeah' and 'no' ang mga sagot ko. Wala akong balak ipaalam ang buong profile ko sa kanila.

"Ang suwerte mo naman! Alam mo bang lahat kami pinapantasya namin siya?!" Sabi n'ung isang girl na halos makita ko na ang nipples sa baba ng neckline.

Siniko lang ako ni Ana at kumindat. Binigyan niya ako ng I-told-you-ang-daming-may-crush-kay-Ricky look.

"Nagtabi na ba kayong dalawa? Delicious siya?" Nalaglag ang panga ko sa tanong niya.  Tama bang itanong pati 'yun?!

"N-no..." Umiling lang ako. Lasing na ba itong mga ito?!

Inabot na ulit sa akin ang baso at parang ang bilis nang tagayan nila? At kadiri talaga! Gusto ko na magsuka kanina pa! Iisang baso lang ang pinag-iinuman naming lahat! It's too unhygienic! Kung makakauwi lang ako, kanina pa ako umuwi! Aish! Nahihilo na nga ako. Hindi ko alam if sa alak 'to or dun sa pandidiri ko.

"Alam mo, masarap 'yang si Ricky. Sobra!" Sabat pa n'ung isa at parang nang-iinis na tumitig sa akin. She's the prettiest among the girls. But of course, I am prettier.  Maputi lang siya.

"Are you referring to my Ricky?" Pinilit kong ngumiti kahit na 'di ko type ang tabas ng dila niya.

"Oh yes." Tumango pa siya at maluwag na ngumiti. "Ako 'yung una niya." Kinindatan pa niya ako sabay tawanan nilang lahat. Pinaglululuko ba ako ng babaeng 'to?! E halos doble ng edad niya si Ricky a!

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon