Aaron's Commandment

7 0 0
                                    


Papasok na ako sa school nang sabayan ako ni Alex at Aaron na papasok narin sa school.

"Sabay na kami sayo" nakangiting sabi ni Alex

"May naalala kaba kahapon" tanong ni Aaron na seryosong naglalakad kasabay ko

"Wala ehhh" sabi ko sabay batok sa sarili at inilabas ang dila nang kaunti

"You'll be Our SLAVE for two months right?" Tanong ni Aaron saakin na ipina alala ang kasunduan namin kahapon sa basketball court

"Ahh!!! Oo nga pala" sinabi ko nang sumagi sa isip ko ang Deal na iyon

"Don! May ipinabibigay nga pala si Aaron na napagkasunduan namin kagabi" sabi ni Alex na may inaabot na isang pirasong papel

"Ano ito?" Tanong ko sa kanila sa sabay basa sa papel na binigay saakin ni Alex

Aaron's Commandments for His Slave

-Ibibili mo kami ni Alex nang Lunch sa tanghali

-Ibibili nang meryenda sa oras na nagugutom sila

-Igagawa nang assignment kapag may assignment

-Lilinisin ang Kwarto na tinutulugan namin ni Alex

-Mamasahihin ang katawan tuwing MWF

-Igagawa nang Project kung may Project

-Makikipaglaro nang basketball saamin tuwing weekend

-Dapat lagi mo kaming nirerespeto at inaalagaan at inaaruga.

----End of Commandment's----

"Eto lang?" Tanong ko sa kanila na hindi makapaniwala sa nabasa

"Yan lang" mabilis na sagot ni Aaron

"Anong LANG andame nito! kulang nalang Ipagsulat ko kayo kung napapagod na kayo ehh!" Sabi ko sa kanila na nakapagtaas nang boses

"May Problema?" Tanong ni Aaron

"Wala, Walang wala!" Bulyaw ko kay Aaron

"Andito na tayo sa Gate sakay na tayo ng Tricycle" singit ni Alex

Hindi ko namalayan na nakarating kami nang gate na hindi ko napapansin. May dumaang tricycle at sumakay na kami upang makapunta na kami nang School. Sobrang tahimik namin habang nabyahe.

Nakarating kami nang school na wala ni isang nakibo sa loob nang tricycle.

"Hi!!!" Sigaw ni Cheska nang makita ako mula sa loob

"Bakla bilisan mo!!!" Sigaw naman ni Bea mula sa Loob

"Hello!!! Guysss!!!" Kaway ko sa kanilang dalawa at lalapi sana ako ngunit.....

"Hep hep!!! Saan ka pupunta?" Tanong saakin ni Aaron

"Sa mga kaibigan ko" nagtatakang tanong ko

"Saamin ka sasama!" Walang emosyong sabi niya

"Ano problema nun?" Tanong ko kay Alex sabay nguso kay Aaron

"Ewan ko?" Kibit bakikat na sabi saakin ni Alex

Ano ba problema nitong kupal na to ayaw akong palapitin sa mga kaibigan ko. Dahil utos ito nang aking mahal na Kamahalan sila na lang ang papalapitin ko

"Hey!!!" Sigaw ko sa kanila at sumenyas na lumapit

"Baket?" Tanong ni Bea nang makalapit sila ni Cheska

"Naalala niyo yung kasunduan namin ni Aaron kahapon sa may Basketball Court" walang ganang sabi ko

"Oo, you'll be slave right?" Sagot ni Cheska na parang hindi sigurado sa sagot

"Right and...." Sabi ko sa kanila sabay abot nang papel na ibinigay saakin ni Aaron

"...Yan ang kapalit nang Ice Cream ko" nang hihinayang na sabi ko

"Kawawa ka naman" nakangusong sabi ni Cheska

"Wawa" gaya ni Bea

"Kaibigan ko ba talaga kayo?" Tanong ko sa kanila sabay Cross Arm

"Ano ba!!! Tara na!!!" Sigaw ni Aaron na naghihintay sa tapat nang hagdan

Tinulak na ako ni Alex para mas mapabilis ako nang lakad. Ang kamay nya ang mas malake pa sa kamay ko!

Sumabay na saamin sila Cheska at Bea na umakyat nang hagdan dahil nagagalit na saakin si Aaron

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon