Yummy Breakfast

9 0 0
                                    


Nasa loob ako nang bahay nang kumag na tinext ako para ipagluto ko sila nang kanilang almusal dahil nag dayoff daw ang yaya nila!

"Bibili ka ba o hinde!?!" Galit na tanong ni Aaron saakin

"Bakit hindi ikaw ang bumile! Biniyayaan ka nang Diyos nang paa at kamay tapos hindi mo gagamitin!" Bulyaw ko kay Aaron

"Eto na!!!" Sigaw ni Alex habang taas ang mga kamay na may hawak na Hotdog. Grabe naman kame ni Aaron kung mag away sobrang tagal pala

"Eto" sabi ni Alex sabay bigay saakin nang Hotdog na kanyang binili habang nag aaway kaming dalawa ni Aaron

"Thank you!" Nakangiting sabi ko sabay kuha nang ipipritong hotdog

Habang piniprito ko ang hotdog na binili ni Alex ay nagsasaing narin ako..... Grabe ako talaga ang naisipang magluto at pagsaingin nang mga to!!! Eh hindi pa ako nakapagluto sa buong talambuhay ko!!! Bahala sila kapag may tutong ang kanin at sunog ang ulam

Takte!!! Kakaisip ko nasunog yung niluluto kong hotdog shit!!! Ka badtrip naman ehhh.

IpiniFlip ko yung hotdog para maluto naman yung other side. Grabe sigurado akong mapapagalitan ni Aaron...

***John Aaron Penolio***

Ambagal naman magluto ni Don kainis naman gutom na talaga ako gusto nang magwala nang halimaw sa tiyan ko!!!

"Gutom ka na?" Tanong ko kay Alex

"Konti na lang malapit na yan" naka kalumbabang sabi ni Alex

Biglang may kumatok sa pinto at ako naman ang tumayo para alamin kung sino ito...

"Tita!" Nanlaking matang sabi ko

"Andyan ba si Don?" Tanong sakin ni Tita

"Opo" magalang kong sagot

"Pakisabi naman kakain na kami" nakangiting sabi ni Tita

"Dito na daw po siya kakain nang Almusal at pwede po bang dito muna siya hanggang sa dumating yung yaya namin" nakangusong sabi ko

"O sige ba! Basta pakabait kayo" nakangiting sabi ni tita habang naglalakad palayo sa akin

Ang bait talaga nang nanay ni Don grabe parang anghel na may sampung halo.

Sinarado ko na ang pinto at narinig ko si Don

"Kakain na!" Sigaw niya

Kumaripas ako nang takbo dahil gutom na gutom na ko!

Umupo na ako sa laging kong kinauupuan kapag kakain ngunit may takip ang ulam at ang kanin... Baka gusto nyang mabighani kami sa luto nya hihihihi baka masarap to!!!

"Sino yung kausap mo sa pinto?" Tanong ni Don saakin

"Ahh mama mo sabi ko dito kana kakain nang almusal at dito ka muna titira hanggang wala pa kaming yaya" mayabang na sabi ko

"Ano!!!" Nanlaking matang sabi niya

"Wala nasabi ko na eh kaya dito kamuna at pagsilbihan mo kami hanggang wala kaming yaya!" Nakangising sabi ko

"Osige na nga" nakangising sabe nya

Binuksan nya yung taklob nang ulam at bumulagta sa harap namin ni Alex ang sobrang itim na hotdog at binigyan kami nang kanin na malata at may tutong sa ilalim!!!

"Gusto mo ba kaming lasunin?" Nagtatakang sabi ko

"Wala kainin nyo yang hinanda ko sa inyo inabala abala nyo ko eh! Kainin nyo yan ha!" Mariing sabi ni Don at ngumise with some evil glare. Tinakot mo na ko non ha?

"Kumain na tayo" sabi ni Alex habang pilit na kinakain ang niluto ni Don at inom din naman nang tubig

"Kainan na!!!" Nakangiting sabi ko...

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon