Love Rival!

12 0 0
                                    


***John Aaron Penolio***

Nasa loob kami nang kwarto na tinutulugan namin ni Alex at dadalawa lang ang kama dito kaya gusto ko tumabi sakin si Don ang cute niya kaya hindi lang pansin nang iba mas lalo na kapag naiinis.

Humiga na sa sariling kama si Alex at nahiga narin ako

"Saan ako matutulog?" Tanong ni Don saamin. Edi sa tabi ko san paba? Kaso iinisin ko na muna siya

"Edi sa Saheg" mayabang kong sabe. Syempre aawayin ko muna siya

"Hindi niyo ako mapapatulog sa saheg!" Mariing tanggi ni Don

Parang ang sarap mag laro nang pillow fight. Hihihi! Alam na this.

Kinuha ko yung unan ko at binato ang mukha ni Don. Naku! Solid lagot ako dito

Pinulot nya yung unan ko at mabilis na lumapit saakin at !!! Hinampas ako!!! Kaso mabiles ang instict ko kaya naka ilag ako...

Nabitawan nya yung unan kay Alex na nanonood lang saming dalawa at solid sa mukha nya ang nabitawang unan ni Don.....

Kinuha nya yung unan niya at akala ko ay si Don ang inaasinta at nasolidan ako sa mukha! Shit ka inis naman oh! Ang saket

Okay galawang breezy mode!!!

Niwresling ko si Don at Sumali si Alex. Grabe ang haba pala nang kuko ni Don! Ang saket nakalmot ako sa muka at sa katawan kaso si Alex nakalmot lang sa braso. So ako lang ang kinakalmot nya...

Nakakuha nang unan si Don at sumigaw nang "Tikman mo ang Kagandahan ko!!!" Sabay hampas sakin at napahiga ako sa saheg. Ang saket nang likod ko

Naku may binabalak si Alex na masama!!! Nagkunwari siyang na out of balance at sinakyan si Don at nadaganan ako! Shit! Ang saket nang impact ni Don sa body ko! Purong buto kase ehhh!!!

Grabe namumula si Don ang cute nya... Teka nahigop sya nang hangin takte wag dito.

"Wag mong itutuloy" nanlalaking matang sabi ko kaso hindi nya ito napansin at umirit!!!

Shit! Nakaharap sya sakin feeling ko sasabog eardrums ko sa lakas nang irit niya

Tumayo si Alex at kinutkot din ang tenga sa narinig na matinis at napakalas na irit ni Don

Bumalik kami sa kama namin at nahiga ngunit si Don ay nakatayo at lumapit sakin...

"Tatabi ka?" Nakangiting nakakalokong tanong ko

"Hinde" sabi nya sabay tulak sakin kaya nahulog ako sa saheg. Ang sakit nun sa likod ha!

"Bakit mo ginawa yon" nagtatakang tanong ko

"Dun ka matulog sa tabi ni Alex" sabi niya sabay yakap sa unan ko at nagsimula nang matulog

Grabe napaka sadista nang baklang to pero tatabihan kita mamaya

Lumapit ako kay Alex...

Tinuro nya yung saheg sabay sabi nang "Dyan ka matulog"

"Hihintayin ko lang makatulog si Don at tatabihan ko yan" mayabang kong sabi

Tumaas yung kamay ni Don na parang manununtok. Kala mo matatakot ako.

Lumipas ang ilang oras at naglalaro lang ako nang cellphone ko tulog na si Alex so ibig sabihin tulog na din si Don kaso bumangon bigla si Alex at tinabihan si Don. Shit may gusto din ata si Alex kay Don ang Baet kase ni Don eh sana babae na lang sya

So wala na akong magagawa kundi matulog sa kama ni Alex ang duga nang pinsan ko!

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon