Nakarating na kami sa SM. Nakaupo ako sa loob at sa likod naman ang dalawang matalik kong kaibigan. Samantalang si Aaron pinaupo ko sa Charity at Alex ang aking katabi....."Baba na!" Sabi ni Aaron na hindi mapakaling naka-upo sa charity
"Okay!" Nakangiti kong sabi
Unang bumaba si Alex sumunod ako at si Aaron. Kanina pa nakababa si Bea at Cheska at nagbabayad na ang dalawa nang aming mga pamasahe.
Pumasok kami nang SM at pumunta ako sa pinaka favorite kong Ice Cream shop sa SM at bumili ako nang...
"SUNDAE nga po!" Sabi ko sa tindero at ibinigay ko ang bayad at tinanggap ang biniling Ice Cream
Ang sarap talaga! bakit kaya hindi ito gusto ni Cheska at Bea? Masarap naman. Paubos na ang kinakain kong Ice Cream Sunday ay este ubos na pala.
Napansin kong nakatingin saakin ang dalawang lalaking kasama ko. Problema nila? Sinamaan ko sila nang tingin at napatingin silang dalawa sa ibang direksyon
"Problema nyo?" Taas kilay kong tanong
"W-wala" sagot ni Alex na halatang natataranta
"Ang payat payat mo pero ang lakas mo kumain ilan ba alaga mo" singit ni Aaron na may kasamang tanong
"Wala kang pake kung mapayat ako atleast malusog!" Sabi ko sabay cross arms
"Malusog? Pffft!" Natatawang sabi ni Aaron
Tiningnan ko si Alex at nakangibit ito at halatang pinipigilang tumawa. Hindi ba nila alam na kahit sobrang payat ko malusog ako! Sobra sila wag nila akong igaya sa iba na mataba kaso hangin lang!
"Guys tara sa Arcade!" Nakangiting anyaya ko sa kanila
"Ayaw ko ang ingay kaya dyan!" Tutol ni Cheska
"Oo nga!" Sang-ayon ni Bea
"Okay! Sino may gustong pumunta nang Arcade itaas ang kamay!" Nakangising sabi ko
Itinaas nang dalawang lalaking nasa likuran ko ang mga kamay nila bilang pagsang ayon at itinaas ko rin ang mga kamay ko upang sumang ayon sa sarili kong condisyon
"Majority wins!" Nakangiting sabi ko sa dalawang kaibigan ko habang taas baba ang aking kilay na inaasar ang BFF ko
"Tara na!" Nakangiting anyaya ko sa kanila. Tinahak namin ang daan papuntang Arcade. Napaltan nang Tokens ang mga pera namin at nagsimula na kaming maghanap nang maganda gandang Games na pwede kong mapaglaruan....
Ulala! Time Crisis 4 at House of the Dead 4! Lalaruin ko itong dalawa!!!!
Naghulog ako nang dalawang token... Dalawang token maluluge ako dito ehhh atleast maganda yung game na nilalaro ko ngayon Time Crisis 4. Nagsimula na akong maglaro.
Grabe ang hirap pala nito... Pero ni isang tama nang bala ay wala akong natamo.. nasa stage 2 na ako pero kompleto parin ang buhay ko ngunit may sumaling isang lalaki dahilan upang mawala ako sa aking Consentrasyon.......
***John Aaron Penolio***
Nasa loob kami nang Arcade. Kasama ko si Alex habang naglalaro nang Basketball ngunit habang naglalaro ako ay napansin ko si Don nang..... Time Crisis 4!!! Ampotek mas lalaki pa pala ito sa inaasahan ko. Ang alam ko sa mga bakla ay mga barbie o pambabaeng laro ang nilalaro pero si Don?!?! Iba sya teka lang.... Takte nasan si Alex!!!!
Dahil sa paglalaro ni Don nang Time Crisis 4 hindi ko na napakalman yang basketball na nilalaro ko.
Sayang token ko takte!!!
BINABASA MO ANG
The Forbidden Love
RomansaIts about a gay fall inlove to a Handsome guy na iiwan din sa huli. Buhay nga naman sadyang masaklap pero baka Magka forever siya o isang malaking kalokohan lang ang lahat...