After School Plan

7 0 0
                                    


"UWIAN NA!!!!!" masayang sigaw ni Cheska at Bea

"Umuwi muna tayo at magpalit nang damit bago pumunta nang SM" mahinahong paliwanag ko sa kanila

"Okay!" Nakangiting pag sang-ayon
Nila sa aking plano

Sumakay na kami nang JEEP para makauwi sa aming mga bahay. Habang nasa loob kami nang Jeep ay napaka ingay namin nila Cheska at Bea habang nag-uusap nang mahina ang dalawa kong BF. Makalipas ang ilang minutong kaingayan sa Jeep ay biglang tumahimik dahil bumaba na kami.

"Bilisan na natin mamaya abutin pa tayo nang 9pm sa SM" excited na sabi ni Cheska

"Oo nga!" Masiglang pagsang ayon ni Bea

Habang naglalakad patungo sa aming mga tahanan ay sobrang tahimik.

"Ano?" Basag ko sa katahimikan namin

"Hindi mo ba kayang itikom ang bibig mo kahit sandali?" Tanong saakin ni Aaron

"Pakels mo ba" sabi ko sabay irap kay Aaron

"Tigilan nyo na nga yang pag-aaway nyo nyong dalawa" pigil saamin ni Alex dahil nagsisimula na kaming magbigay nang masasamang tingin ni Aaron sa isa't isa

"Okie" masayang sabi ko na abot tenga ang ngiti

"Guys pagkabihis nyo ay daredaretso na kayong pumunta nang court dahil doon tayo magkikita kita!" Singit ni Bea

"Okay, andyan na pala ang bahay namin sige uwi na ko" nakangiting paalam ni Cheska

Pag uwi ni Cheska ay nagpatuloy kami sa paglalakad nang sobrang TAHIMIK!!!!!

"Guys uwi narin ako!" Basag nang katahimikang paalam ni Bea

Nang makauwi na si Bea ay dumaretso na kami patungo sa magkatapat na bahay namin ni Aaron.

Nag-uusap silang dalawa tungkol sa USAPANG LALAKE

"Huy! Ano pinag-uusapan nyo" singit na tanong ko habang nag-uusap silang dalawa.

"Wala ka na DON" nang aasar na sabi ni Aaron

"Don't use my Name in a SENTENCE, SUPERMAN" sabi ko habang nanlilisik ang mga mata sa dalawang babang kausap ko

"Tigilan nyo na yan!" Awat ni Alex na nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa

"Ano ba kasing pinag-uusapan nyo!" Nagpupumilit na tanong ko

"Wal-" naputol ang sinasabi ni Aaron dahil sumagot si Alex

"Mag Aarcade kame sama ka?" Tanong ni Alex saakin

Kumislap ang mga mata ko at sinabing "Syempre naman! favorite ko kayang puntahan yang Arcade sa SM"

"Ok anong nilalaro mo" tanong ni Alex saakin

"Zombie games!" Nakangiting sagot ko

"Bakit gusto mo nang Zombie games?" Tanong saakin ni Alex

"Hindi lang Zombie games pati mga Gun Games ang paborito nang baklang yan" singit ni Aaron habang  nakahawak ang dalawang kamay sa batok

"Ehhh talaga?" Hindi siguradong tanong ni Alex saakin

"Alex, alam kong gusto mong tanungin ang baklang iyan kung bakla nga siya" paliwanag ni Aaron

"For your Information hindi ako Bakla!" Cross arm na paliwanag ko

"Kung ganon ano ka?" Nakangising tanong ni Aaron saakin

"Edi BABAE!" Sabi ko sabay irap kay Aaron

Dahil sa sinabi ko ay inubo ang dalawa kong kasama

"May problema?" Tanong ko sa kanilang dalawa

"W-wala!" Sagot ni Alex na halata namang nagsisinungaling

"Huwag mong palakihin ang ulo nang baklang yan mamaya mag mala Dyosa yan mamaya sa SM" tutol ni Aaron sa sinabi ni Alex

"What ever!" Sabi ko habang naka halukipkip ang mga braso sabay irap sa dalawa kong BF

Tumakbo na ako dahil mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko na ang bahay kung saan ako naninirahan. Pagkapasok na pagkapasok ko nang bahay ay datedaretso na akong nag tungo sa kwart upang maghanda sa gala naming lima........

Namili ako nang aking susuotin sa aking Closet at sinuot ang kulay Yellow na Damit may pagkafit nang kaunti at simpleng pantalon at itim na rubber shoes. Nakapag bihis na ako at pagkalabas nang ay nakita ko na sila Aaron at Alex na papalabas pa lamang nang kanilang bahay. Kinawayan ko sila at hindi sila kumaway at nginitin lamang ako

"Sabay na tayo" nakangiting anyaya ko sa kanila

"Sige ba!" Sabi ni Aaron na nakatingin saakin nang masama. Ang gwapo nya sa suot niyang kulay itim na shirt at itim na pantalon at si Alex naman ay nakaputing T-Shirt at simpleng pantalon

"Subukan mong bastusin ako masasapak kita" tass kilay kong sabi na naka cross ang arm

Nilagay ko sa likod ko ang dalawa kong kamay at naglakad na parang bata at tumakbo at humarap sa kanilang dalawa at sinabing "Tara! Bilisan natin!" Masayang sabi ko sa kanila

"Gusto mo yan ha" sabi ni Aaron at tiningnan si Alex at tumango si Alex

Problema nang dalawa baka may balak na pagsamantalahan ako. No! No! No! Erase. Unti unti silang lumapit saakin at hinawakan ang dalawa kong braso

"Anong ginagawa nyo?" Nanlaki ang matang sabi ko

"Sabi mo bibilisan, diba" sabi ni Aaron tapos Evil smile

Bigla silang tumakbo at dinala ako!!! Napa-irit ako sa bilis tumakbo nang dalawa na bitbit ako. Ang lakas naman nilang dalawa at binitbit ako hanggang sa makarating kami nang basketball court

Binaba na nila ako at kinutkot ang kanilang mga tenga

"B-bakit niyo ginawa yon! Hindi niyo ba naisip na pwede tayong madisgrasya sa ginawa nyo! Paano kung nadapa ang isa sa inyo edi may mga bak bak at sugat tayo!" Galit na pahayag ko sa kanila

"Ano ba yan Aaron ang sakit nang tenga ko" sabi ni Alex habang nagtitinginan sila ni Aaron

"Hindi natin ito inaasahan wala ito sa plano" sabi naman ni Aaron na parang may bumara sa kanyang tenga kasi may pinalalabas siya dito

"Anyare sa inyo at anong planong sinasabe nyo!?" Galit na tanong ko

"Kanina habang dala dala ka namen di ba umirit ka! Ang sakit kaya sa tenga nang boses mo! At tungol sa plano wala kana doon" Galit na sagot ni Aaron

"Kasalanan nyo yan" sabi ko sabay harap sa may stage at nakita ko si Cheska at Bea na naghihintay doon

"Cheska!!! Bea!!!" Sigaw ko sa may stage. Narinig nila ako at kinawayan ako mula sa stage. Nang makalapit sila saamin ay binungangaan na nila kaming tatlo

"BAKIT ANG BAGAL NYO! KALALAKING TAO ANG BAGAL! LALAKI BA TALAGA KAYO!" Bungnga ni Cheska nang makalapit na nakasuot nang fit na kulay asul na damit at naka hapit na simpleng pantalon

"Kami lang ang lalaki" sabi ni Aaron sabay turo kay Alex at sa kanya

"Eh ano naman lalaki parin yan! Ang babae hindi pinaghihintay tandaan nyo yan!" Tangol sa akin ni Bea na nakasuot nang din nang fit na kulay green na damit at hapit na pantalon

"Thank you Bea" nakangiting pagpapasalamat ko.

Ngayon lang nagflush sa isip ko ang sinabi niya. "Anong lalaki! Babae ako!" Madiing tanggol ko sa sarili

"Sinabi mo yan" tanging sagot ni Bea

"Tara na nga alis na tayo" anyaya ni Cheska at sumunod na kami sa kanya at sumakay sa tricycle at pumunta na sa SM


The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon