Chapter14

187 3 0
                                    


Balisa si christina na naglalakad patungo sa bahay nila. Nilakad lang niya dahil wala talaga siyang gana sumakay. Gusto niyang makapag-isip, ayaw mag digest sa kanyang isip ang mga nalaman niya ngayong buong araw. Naiinis siya gusto niyang pumatay pero pagod siya para gawin yun. napangiti nalang siya, ngiting nagsasabing joke lang ang lahat pero totoo ee. At kelangan niyang tanggapin yun.
Nang makarating siya sa kanilang bahay agad siyang sinalubong ng kanyang ama.

"Alam kong may nangyari. Ano yun?" Diretsong tanong ni evan sakanya.

"Evan totoo ba?" napakunot ang noo ni evan.

"Anong totoo?"

"Totoo ba na ang asawa ni richard rizutto ang nanay ko?" Mahinahon pa ring tanong ni christina.
Agad na napalunok si evan sa tanong ng anak niya.

"Na--nagkita na ba kayo?"

"Oo kanina. Kinuha ako ng nga rizutto tapos yun nalaman ko lahat"

"Naiintindihan ko kung hindi ka na tutuloy sa plano natin" mahinahong sabi ni evan.
Binigyan lang siya ni christina ng nakakabaliw na tawa.

"At bakit naman hindi ako tutuloy evan? Hmm?"

"Dahil baliktarin man ang mundo galing ka pa rin sakanya"

"Simula ng iwan niya ako, wala na akong kinikilalang ina. Hindi ko lang kasi matanggap na minsan ko ng nakaharap ang mga kalaban natin" sinagot lang siya ni evan ng what-do-you-mean-look.
Kinuwento na ni christina ang nangyari sa AU.

Jane/angel's POv

Siya. Siya pala yung nakita ko sa parking lot, siya pala ang nakalaban ni rachelle sa school. Siya pala ang anak ko.

"Angel" tawag ng kanyang asawa.

"chard, andiyan ka na pala"

"Angel sorry naiintindihan ko kung galit ka sakin" paumanhin ni richard sa kanyang asawa.

"Hon wala kang dapat ihingi ng paumanhin" nagtataka naman si richard sa sabi ng kanyang asawa.

"h-ha? Hindi ka galit?

"Hon gawin mo kung ano gusto mong gawin, simula nung pinili kita ikaw na rin ang pipiliin ko hanggang uli. Handa akong ipagpalit ang lahat para sa inyo ni rachelle" nakangiting sabi ni angel sa asawa.

"Salamat hon iloveyou" nakangiting sabi ni richard at agad na yumakap sa asawa niya.

"Hon ikaw ang pinili ko, malaya kang gawin kung ano man ang gusto mong gawin sa mga kalaban natin lalo na pag difronzo, matagal ko ng pinaubaya si christina sa ama niya at kasalanan na nila yun kung magiging mahina ang alas nila".

Rachelle's POv
Huh? Anak ni mommy si christina? Yung kaaway ko sa school?. Kaya pala ang init ng dugo ko sakanya, sya pala ang mortal kong kalaban sa trono ng mga lee. Kaya pala ayaw nilang ibigay ang trono sakin. Humanda ka christina ako mismo magpapabagsak sayo at ipapakita ko sa mga lee na ako ang karapat-dapat sa trono at hindi ikaw. Ako lang.

"Fevii!!!"

"Ano po yun young lady?"

"Samahan mo ko sa shooting range, magte-training ako para sa pinakamalaking laban sa buong buhay ko"

To be continue----

The Fearless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon